Chapter 34

2.3K 104 45
                                    

Nakahiga kaming pareho sa damuhan habang pinagmamasdan ang makikinang na mga bituin.

Medyo nangangati na ako dahil wala naman kaming sapin na dala para mahihigaan pero kaya naman as long as si Ehan ang kasama.

Tahimik kaming pareho. Walang nagsasalita mula nung matapos na akong umiyak. Maging siya ay di sumubok na magsalita pang muli. Tanging mga buntong hininga at ingay ng mga crickets ang naririnig namin.

Napatingin ako sakanya.

Seryoso siyang nakatitig sa langit na tila ba ay may malaking iniisip.

“Jell... ” Pagtawag niya pa. Nagulat naman ako nang slight kasi bigla siyang lumingon kaya agad akong nagiwas ng tingin.

“Mamimiss mo ba ako?” Aniya. Napangiwi naman ako sa tanong niya.  “Malamang oo. Wala na kasing pangit na multong aaligid sa akin.” sagot ko at tumawa nang mahina.

Medyo sumisikip ang lalamunan ko dahil nagpipigil naman akong umiyak. Para bang sinasakal ako ng alambre.

Tumayo siya at inilahad ang kamay sa akin. Napakunot naman ang noo ko sa kanya. Medyo nagets niya ata ang punto ko kaya muli siyang nagsalita.

“Magsaya tayo... Enjoy natin ang huling araw na ito. ” Medyo nainis naman ako sa sinabi niya. Huling araw? Pano ba siya nakakasiguro ah? Kabuwisit. “Nahanap mo na ba ang sarili mo Ehan?” Curious na tanong ko.

Kung makapagsalita kasi siya, akala mo ay sigurado na siya.

“Hmm... Malapit na. May mga ala-alang bumabalik.” aniya. Medyo nanghina naman ako.  Pakiramdam ko ay malapit na nga niya talaga akong iwan.

Inabot ko ang kanyang kamay saka tumayo. Akala ko nasaktan siya dahil bigla niyang binawi ang kamay niyang nakahawak sa kamay ko.

Napahawak siya sa kanyang ulo. Halatang kanya itong idinidiin dahil halos lumabas na ang kanyang mga ugat sa kamay.

“Anong nangyayari sayo?!” Alalang tanong ko pa. Sigaw siya nang sigaw kaya nilapitan ko siya kaagad at hahawakan yung kamay niya ngunit lumagpas lang ako.

“Aray! Masakit!” paulit-ulit niya pang sigaw. Gusto ko siya hawakan pero wala akong magawa. Tanging siya lang ang pwedeng makahawak sa akin. Tuwing siya ang mag-aaya. Pero kung ako ang kukusang hahawak sa kanya, lumalagpas lang ako.

Masakit sa akin na wala akong magawa para sa kanya kung kelan kailangan niya ako.

“Ehan bakit?!” Nag-aalalang tanong ko pa sa kanya ngunit tanging daing lang niya ang naririnig ko. Medyo naluluha na ako habang pinapanood siyang nasasaktan.

Napaluhod siya sa sakit at maya maya pa ay tumigil siya sa kasisigaw. Kumalma siya kaya agad ko siyang tinanong.

“Anong nangyari sayo?” Mahinahon kong tanong. Umiiling-iling naman ito  na tila ba ay may mali.

Agad niyang hinila ang kamay ko at tumakbo sa kung saan.

Hinayaan ko nalang siyang hilain ako kaya nakarating kami sa isang perya nang tahimik.

“Anong ginagawa natin dito?” Curious kong tanong sa kanya. Nahuli ko naman itong naghihimas ng kanyang sentido. “Okay ka lang?” Tanong ko pa.

Nginitian niya ako at agad naman niya akong hinila sa horror booth. Nagbayad ako ng kwarenta since yung ang entrance nila doon sa booth na iyon. Mukhang makakaubos ako ngayon ng pera ah?

Dahan-dahan naman kaming pumasok. Medyo mausok, madilim at tahimik ito. May mga kung ano-anong nakakatakot na sound effects pa ang maririnig mo.

Hmm, medyo maganda ang pagkakadecorate. May pa sementeryo effect na may mga bungo at mga spider webs pa. Kung di ka sanay sa multo, siguradong matatakot ka dito.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon