Chapter 37

1.7K 89 13
                                    


Kasalukuyan akong naglalakad sa hallway dahil ilang minuto nalang ay male-late na ako. Ikalawang linggo ko na sa paaralang ito at medyo okay naman. May mga multo rin pala rito kahit magandang paaralan. Ang iba ay nakauniporme ng kagaya sa amin.

Napadaan ako sa locker area at may nadinig na malakas na tunog ng bakal. Napahawak ako sa dibdib ko. Letse naman to, ang aga aga eh may nanggugulat.

“M-Matt? G-gising kana?”  May narinig akong takot na boses. Ano yun?

Dahan-dahan akong naglakad patungo sa parte ng may maingay. “Di pa ba halata?” Teka? Pamilyar yung boses na yun ah? Dali-dali kong sinilip ang pangyayari.

Di naman ako pinalakong tsismosa pero nakakaintriga ang ingay eh lalo pa't kilala ko ang isa.

Nang makarating ako sa magandang pwesto kung saan di nila ako nakikita ay naaninag ko ang taong minahal ko na may kwinikwelyuhang esrudyante. Kita sa mata ni Ehan na galit siya, at takot naman ang isa.

Di ko aakalaing nakakatakot ang itsura ni Ehan kapag galit siya. Masyadong malalim ang kanyang tingin at sobrang talim na animo'y masusugatan ka twing titingin ka.

“A-anong kailangan mo?” Dinig ko pang usal nung lalaking takot.  Nanatili akong nakatingin sa dalawa. Nakakatakot silang istorbohin dahil baka ako naman ang kwelyuhan.

“Anong alam mo sa nangyaring insidente dalawang taon nakalipas?” Tanong ni Ehan. Teka, dalawang taon? Insidente?

Naalala ko ang sinabi sa akin ni Ehan na dalawang taon na siya dito sa lupa. Ngayon, mas sigurado na ako na siya ito. Nararamdaman ng puso ko.

“W-wala.” Matipid na sabi nung lalaking takot. At ilang segundo pa ay dumapo ang kamao ni Ehan sa pagmumukha ng lalaki kaya di ko napigilan ang mapasigaw.

Di ko aakalain na magagawa niya iyon.

Agad napatingin ang dalawa sa gawi ko kaya nanlaki ang mga mata ko. Kita ko sa mata ni Ehan ang talim at lalim ng kanyang tingin. Napaatras ako. Nakakatakot siya.

Dahil sa distraction na iyon, itinulak ng lalaking kwinekwelyuhan si Ehan at tumakbo ito paalis. “Damn!” Sigaw ni Ehan saka sinuntok ang locker ng di ko kilala kung sino ang nagmamay-ari.

Mabilis na lumapit sa akin si Ehan at tama nga ako. Kwinelyuhan niya ako. Bumilis ang tibok ng puso ko di dahil sa kinikilig ako o ano kundi dahil sa kaba at takot.

Walang awa ang kanyang mga mata. Blankong emosyon.

“E-Ehan?” Mahina ko pang sabi at may naramdamang luha na bumaba galibg sa mata ko. Isa lang ito ngunit mainit.

“Wag mo akong tatawaging Ehan. Di kita kilala.” Aniya. Unti-unting dinudurog ang puso ko sa sinabi niya. Di man ganoon kasakit kumpara sa iba, pero para sa akin sobrang sakit na nun.

Pabagsak niya akong binitawan at saka tumalikod. Bago pa niya ako tuluyang iwan ay hinawakan ko ang kanyang braso para pigilan siya.

Kunot noo itong humarap.

“Di mo ba ako naaalala?” Tanong ko pa. Puno ng pag-asa ang mga mata ko kahit na alam ko naman ang sagot. “Yung baliw na babaeng niyakap ako sa police station? Na... Kapatid pala ni Jhalle?” Aniya. Napakacold ng pagkakasabi niya nun.

Di ako sanay.

“Ako to! Si Jell? Yung mahal mo!” Sabi ko pa. Bigla naman itong natawa ng malakas na ikinanuot ng noo ko.

“Wtf? Are you insane?” Saad niya habang natatawa pa rin. Di yung tawa na masarap pakinggan kundi yung tawa na sobrang nakakainis. Sarap niya sapakin.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon