Chapter 38

1.6K 88 11
                                    

Tahimik akong naglalakad sa hallway habang pinagmamasdan ko si Ehan na matipunong naglalakad rin sa hallway.

Tapos na ang isang oras na detention kaya ay isa-isa na kaming naglakad patungo sa kanya-kanya naming silid.

“Kelan mo kaya ako maaalala? Maalala mo pa kaya ako?” Bulong ko pa sa sarili.

Wala akong tiyak na kaalaman kung maalala pa kaya niya ako o kung kelan dahil mukhang di rin naman siya interesado sa mga sinasabi ko.

“Huy! Ano ba yan?” Gulat akong napahawak sa dibdib ko. Tumayo ang mga balahibo ko at nanlamig ang paligid ko. Si Alyana lang pala.

Estudyante siya ng paaralang ito, at dito ko siya nakilala. Namatay siya dahil sa kagagawan ng estudyante dito. Di natatahimik ang kaluluwa niya hangga't di niya nakakamtan ang hustisya sa kanyang pagkamatay.

Pinalabas kasing suicide ang kinamatay niya sa loob ng banyo ngunit, hindi. Pinatay siya.  Di nga lang niya alam kung bakit at kung sino.

“Alyana ikaw pala.” Walang gana ko pang sabi.

“Anong nangyari sayo?” Tanong pa niya. Umiling nalang ako dahil ayaw ko na munang mag salita. Pakiramdam ko ay masyado akong napagod dahil doon.

Gusto niyang layuan ko na siya pero ayaw ko. Gusto ko lang naman maalala niya ako eh pero para san?

“Hmm... balik na nga lang ako mamaya.” Sabi ni Alyana.

Wala na akong maramdamang kakaibang presensya kaya paniguradong umalis na ito. Naging kaibigan ko si Alyana mula nung naisipan kong tumambay sa rooftop ng paaralan.

Di ko alam kung bakit di nila iyon isinara. Maaring mag suicide doon ang estudyante o di kaya maaksidenteng mahulog. Kaya siguro di nila isinara ito dahil ito ay nasa ika-pitong palapag. Ang taas ng school noh?

Ang elevator kasi ay hanggang sa ikatlong palapag lang. At aakyatin mo na yung mga susunod. Di ko na alam kung bakit. Bahala na kayo mag isip.

Pumasok ako sa silid at bumungad sa akin si Ms. Santos ang Business Math teacher namin. Nakataas ang kanyang kilay at matalim na nakatingin sa akin.

“Good Morning Ma'am, May I come in?” Bati ko pa bilang pag galang. Bumuntong hininga naman ito. “Take a sit. Sa susunod, kung malelate kayo, wag na kayo pumasok. You know, time is very important.” Pangaral pa niya.

Nakayuko akong dumiretso sa kinauupuan ko.  Halos kagaya lang din ito sa pwesto ko noon, nasa likod na bahagi, walang katabi, malapit sa dingding. Walang bintana e. Kahit glass man lang dahil aircon.

Nag simula nang tumalak ang guro ng kung ano-anong nakakatamad pakinggan. Ba't ba napakatamad kong mag-aral?

Saan kaya ang room ni Ehan? Ano kayang seksyon niya?

“Okay. Bring out 1 whole sheet of paper, let's see kung may natutunan kayo.”

Agad na nanlaki ang mga mata ko. Ano?! Mag qui-quiz kami? Papano yan? Di ako nakinig!

Okay lang sana kung may katabi akong makokopyahan. Naglabas ako ng papel at labag sa loob na isulat ang pangalan ko roon. Nag simula nang mag tanong ang guro at di ko alam kung anong isasagot ko.

Titig na titig ako sa papel at malalim na nagisip. Kinalkal ko sa dulo ng utak ko ang sagot pero wala eh.

Sa gitna ng tahimik na moment na iyon ay biglang kumalampag ng malakas dahil sa pagbukas ng pinto. “Ay palakang may itlog!” Bigla akong nagulat at nasigaw iyon ng malakas kaya imbes sa taong marahas na nag bukas ng pinto ang tignan, ay nasa akin ang kanilang atensyon.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon