Chapter 32

2.2K 103 17
                                    

Nabigla ako sa ginawa ni Ehan. Kaluluwa siya pero bakit ang labi niya ay sing init ng pagmamahal ko sa kanya. Napapikit ako at diramdam ang tamis ng kanyang halik, char. Ang landi ko putcha. Nanghihina ang tuhod ko sa ginagawa niya at unti-unting bumibilis ang tibok ng puso ko. "Mahal na mahal kita..." bulong pa niya sa akin.

Ramdam kong may tumulo na luha sa mata ko pero bakit ganun? Dapat masaya ako pero bakit parang nakakalungkot isipin na nagmahal ako ng isang multo at kahit kalian, imposibleng makakasama ko siya habang buhay.

This is such a stupid love story about a human and a Ghost. Dati naman ay wala akong gusto sa kanya ah? Bat ngayon parang ayaw ko na siyang mawala? Di mo nga talaga masasabi kung kelan mo mamahalin ang isang tao dahil kusa mo lang itong mararamdaman.

Pero wala akong pake, sabi nila love will find a way di ba? Bahala na kung saan kami dadalhin ng pagmamahalang ito. "Mahal din kita Ehan..." saad ko. Natapos ang halik namin ng halos isang minuto. Pag dilat ko ay wala siya. Inillibot ko ang paningin ko sa paligid. Wala siya.

Napako ang tingin ko sa sahig na kung saan eksaktong nakatayo si Ehan. May isang puting rosas. Pinulot ko ito at inamoy. Napaluha nalang ako bigla, ito ang eksaktong scent ni Ehan. Yung parang amoy kandila na may halong amoy ng sampaguita.

Napailing ako. Sana mali ako ng iniisip.

Sana hindi...

"Ehan..." tawag ko pa. Naglakad ako palibot sa aking kwarto habang paulit ulit na tinatawag ang pangalan niya. Wag naman sana siya ulit mawala. Di pa kami masyadong nagkasama mula nung pagbalik niya tapos kukunin na siya? Without saying proper goodbye? "Wag naman ganto Ehan..." Unti-unti ng bumibilis ang tibok ng puso ko.

Kinakabahan ako.

Ayoko muna siyang mawala hangga't hindi ko pa siya nakakasama ng matagal kahit isang araw lang ulit. Pinuntahan ko ang maaari niyang mataguan sa kwarto ko pero wala siya.

May kumatok sa pintuan kaya umapaw ang pag-asa ko na baka siya yun kahit alam kong imposible. Dali-dali kong pinunasan ang mga luha ko na halos walang matitirang bakas na lumuha ako. Bumukas ito at bumungad sa akin si mama. "Jell? Okay ka lang?" tanong pa niya.

Nanlumo ako at nginitian si mama while trying my best not to cry. "Opo." Nilapitan niya ako at niyakap. Ang luhang pinipigilan ko ay nag uunahang umagos mula sa aking mga mata. Napahagulgol ako sa balikat ni mama. Ba't ba kasi ang weak ko ngayon?!

"Shh..." Usal ni mama habang tinatap ang likod ko at pinapasadahan ang buhok ko. Iyak lang ako ng iyak na halos ang ilong ko ay umiiyak na rin. "Tahan na..." pag papatahan pa ni Mama.

Paano ako tatahan kung walang kasiguraduhan na kung makikita ko pa si Ehan?

Ba't ba kasi naging multo ka pa Ehan?

Yun na ba talaga ang huling pagkakataon na makikita kita? Ito na ba talaga ang huling halik na ipararanas mo sa akin?

Kakayanin ko ba?

***

"Hmm..."

Nakatulog nanaman ba ako? Ano ba yan! Dahan-dahan kong binuksan ang mata ko at kaharap ko na ang maamong mukha ni Ehan.

Totoo ba to o panaginip lang?

Ipinikit ko ulit ang mata ko saka binuksan. Nasa harap ko pa rin si Ehan. Kinusot-kusot ko ang mata ko dahil baka umasa lang ako sa wala. Natutulog siya sa harap ko! Kinurot ko pa ang sarili ko. Totoo nga!

Nasa harap ko siya at natutulog!

Napangiti ako at pinagmasdan ang maamo niyang mukha. Di na siya gaya ng dati na halos lively ang kulay niya. Ngayon ay sobrang transparent niya na. Ito na ba ang sign? Kung ito na, dapat masulit ko na ang mga araw na makasam siya hanggat nandidito pa siya diba?

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon