Chapter 42

323 34 13
                                    

Matapos kong bumitaw ng mabigat na salita. Salitang matagal ko nang gustong ilabas ay gumaan ng kaonte ang pakiramdam ko.

Subalit, napaka awkward ng awra sa loob ng kwarto ko. Tahimik kaming pareho. Rinig na rinig ang hininga namin at rinig ko naman ang lakas ng pagpintig ng puso ko.

Nakakahiya naman tong puso ko oh, ang ingay! Baka mamaya ay marinig pa niya naku. Nakayuko kaming dalawa at tila ba lumalagpas ang tingin namin sa sahig.

Huminga siya ng malalim kaya napalingon ako. “Just stop. Ikaw lang rin ang masasaktan.” Aniya. Kumunot naman ang noo ko. Ba't ba pinapalayo niya ako? Tae naman to.

Tumayo ito at walang salitang lumabas ng kwarto ko.

Aba, bastos to ah? Napatayo ako.

“Ba't ako masasaktan?” Sigaw ko pa ngunit tanging pagbagsak lang ng pinto ang sumagot sa akin. Wow. Di man lang nagpasalamat ang kumag?

Hilig talagang mag walk out.

Napaupo ako sa kama at isang malakas na buntong hininga ang pinakawalan ko. Maya-maya pa ay narinig ko ang boses ni kuya at malakas na pagdabog.

Nanlaki ang mata ko saka dali-daling tumakbo pababa. Kung di ako nagkakamali, nakita ni kuya si Ehan.

This is war.

“Anong ginagawa mo dito? Bakit galing ka sa kwarto ng kapatid ko? Gusto mo bang mangyari ulit yung nangyari kay—”

“Kuya!”

Napalingon silang dalawa sa akin. Teka teka, anong ibig sabihin ni kuya doon? Mangyari ulit? Ano yun?

Ba't ba kasi di muna ako nakinig?

“A-anong manyari ulit?”  kunot noo ko pang tanong.

Binitawan niya si Ehan. Ngumisi ito at tumingin sa akin. Ang creepy naman nun. Parang di siya. “Umalis kana Matt, bago pa kita masaktan.” Saad ni kuya na sinunod naman ni Ehan.

Nang makaalis si Ehan ay halos di ako matignan ni kuya. Dumeretso ito sa kwarto niya nang di man lang ako pinapansin. Aba? Nilagpasan ako?

Parang walang nangyari.

“Aba't?” Multo na ba ako? Bahala nga sila diyan! Ang hilig nilang mag walk out.

**

Nagising ako nang may maramdaman akong kakaibang presensya. Dahan-dahan kong minulat at—“Ahh!” Sigaw ko ba dahil sa gulat at kaba.

“Anong ginagawa mo dito?” Tanong ko pa sa multong nakilala ko sa Mcdo. Titig na titig ito sakin nung pagmulat ko ng mata. Punyeta, ang creepy.

Di na ako sanay.  Di na kasi si Ehan e.

“Tutulungan mo ko diba?” Tanong pa niya at may paawa effect pa ang gaga.

“Oo nga, after class.” Sabi ko pa sa kanya. Nagpapapadyak ito sa tuwa at nagsususuntok sa hangin. “Yehey! Kitakits.” Aniya saka kumindat at tuluyan nang umalis.

Napailing naman ako. Napatingin ako sa oras at five na nang umaga. Agad akong nag asikaso nang mabilisan. Dami ko pa kailangang gawin.

Balak ko kasi, maaga akong pupunta ng school para maiiwan ko sa locker ni Ehan ang bagay na mag papaalala sa kanya. Kaexcite. Sana effective.

Kahit na winalk-outan lang niya ako, mageeffort pa rin ako—teka nga? Ba't ba ako habol nang habol sa kanya e nanjan naman si Jeriche?

Napangiti naman ako. Wala e, pag tinamaan ka? Wala nang bawian.

Nang matapos akong maligo ay dumiretso ako sa kusina. Wala pa si mama, malamang tulog pa. Maging si kuya ay wala pa rin.

Alas nwebe kasi ang klase namin now kaya for sure, mamaya pang seven or eight magigising ang kumag kong kuya.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon