Chapter 52

316 30 3
                                    

“Pasok ka muna sa loob, Jeriche.” Yaya ko pa nang makarating kami sa bahay namin. Hinatid niya kasi ako. Syempre, obligasyon niya namang ihatid ako since siya naman ang nagdala sa akin doon.

“Hindi na Jell, may pupuntahan pa ako.” Aniya at ngumiti. Bumaba siya sa kotse saka umikot. Pagbubuksan niya pala ako ng pinto.

Tinanggal ko ang seat belt ko saka bumababa. Pumunta naman siya sa bandang likuran saka kinuha ang mga paper bags na naglalaman ng mga damit na gamit na at di ko pa nagagamit. May paper bags din siyang iniba para sa mga pagkain.

“Salamat.” Saad ko pa saka nginitiam siya matapos niyang iabot sa akin yung mga yun.

“Salamat din, nakasama kita.” Sagot pa niya at nginitian din ako. “Pasok kana.” Dugtong pa niya. Kinawayan ko naman siya nang umikot na siya papunta sa driver's seat.

“Ingat ka!” Sigaw ko pa. Pagtalikod ko ay gulat ako nang bigla siyang tumakbo sa pwesto ko at binigyan ako ng halik sa pisngi.

Sandali kaming nagkatitigan. “You made me happy.” Aniya at tumakbo na pabalik ng kotse. Nilingon ko naman siya na sobrang laki ng ngiti saka kumaway sa akin. “Gotta go!” Aniya at pumasok na sa loob saka pinaharurot ito.

Okay?

Sandali akong naestatwa sa kinatatayuan ko. Yung halik na ginawa niya ay ramdam ko pa sa pisngi ko. Para itong pinatattoo dahil hindi maalis ang marka nito.

Ganun pa man, di ko mahanap ang mga gamo-gamo sa tyan ko. Nagulat lang talaga ako sa ginawa niya.

Nang makarecover ay pumasok na ko sa loob.

“Oh anak, nakauwi kana pala. Kumusta ang trip niyo? Biruin mo, nagpunta pa si Jeriche dito para ipagpaalam ka. Bagay kayo!” Salubong ni mama sa akin nang makarating ako.

Pagod kong inilapag ang mga paper bags sa upuan na pinadala ni Jeriche sa akin saka naupo.

Hindi ko nagamit ang lahat ng damit pero ayos na rin, at nakalibre ako. Dagdag nga lang sa labahan.

“Ayos naman Ma, ang ganda ng dagat.” Iyon lang ang isinagot ko dahil tinatamad akong magkwento pa tungkol sa mga nangyari doon.

Maya-maya pa ay bumukas ang pinto at bumungad sa amin ang kuya kong nakabusangot. Infairness ah, ampanget niya pa rin.

“Jhalle, ano nanaman ba ang nangyari sayo?” Puna ni Mama nang mapansin niyang kumot ang mukha ni kuya. Napalingon siya sa akin ngunit hindi man lang nagbago ang kanyang expression.

“Ewan ko jan sa kaibigan ni Jell Ma.” Aniya at iniwan na kami doon. Di ko alam kung matatawa ba ako o ano, dahil di ko naman talaga alam kung anong nangyayari sa butihin kong kuya.

Nang makaakyat siya ay bumukas nanaman ang aming pinto at nakita ko si Jezreel doon. Nanlaki ang mata niya nang makita ako at dali-daling tumakbo papalapit sa akin.

“Oy, Jell! Wala ka man lang pasabing magbebeach ka. Hi tita!” Baling niya mama ko na kinawayan lang siya. “Biglaan lang rin naman iyon.” Saad ko pa.

Mahinang sinuntok niya ang braso ko. “Infairness ah? Namiss kita. Bibihira nalang tayong magkita.” Sabi pa niya. Tumango naman ako.

Bihira na lang talaga kami kung magkita since may trabaho rin siya at iba pa ang paaralang pinapasukan niya. Ganun pa man, di nagbago ang pagkakaibigan namin.

“Ano ba nangyari doon sa kuya kong tukmol?” Tanong ko oa nang maalala ang sinabi ni kuya at dahilan ng pagkabagot niya.

“Aba malay ko sa abnormal na yun.” Aniya at sumimangot. Nakaramdam ako na parang may something sa dalawa.

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon