Chapter 26

2.9K 132 33
                                    

“Anong ginawa niyo?!”

“Utos mo e.”

“Sabi ko sa inyo, wag niyo siyang sasaktan.”

“Sabi mo, dapat di niya alam na dinala siya dito kaya ayan. Pinalo ko para mawalan ng malay.”

“Hayshdgh!”

“Hmm..” A-aray ang sakit ng batok ko. Pati ng katawan ko.

“Gumagalaw na siya. Pumwesto na kayo!”

Bahagya akong gumalaw at dahan-dahang ibinukas ang mga mata ko. Ang dilim. Wala akong makita! Nasaan ako? Napaupo ako at napahawak sa ulo ko. Medyo nahihilo ako e.

Nakaupo ako sa damuhan, at medyo nilalamig ako. Kinapa ako ang cellphone ko. Tanginis! Di ko mahanap. Nasaan na yun? Tsaka, paano ako napunta dito? Pati, bakit ako napunta dito?

Tumayo ako at pinagpagan ang sarili. Kinapa ko ang bulsa ng bag ko, nagbabakasakaling nandito ang cellphone ko pero wala. Baka naiwan ito sa kalsadang dinaanan namin ni Ehan bago kami magkahiwalay—teka, nasaan si Ehan?

Medyo maliwanag ang buwan kaya kahit papaano ay may naaaninag pa rin ako. Nag lakad ako upang mahanap yung multo. “Ehan?” Bulong ko pa. Ewan bakit ako bumubulong e pwede namang isigaw para marinig niya. Antanga ko!

Medyo napapaisip ako, malamang sa malamang multo ang may gawa nito. Kasi kung tao, edi sana di kami mag kahiwalay ni Ehan.

Naglakad lang ako, medyo masukal ang daanan dahil mukhang gubat na ito. Kinakabahan ako. Baka, mamaya may biglang sumulpot na tigre o ahas jan at gawin pa akong midnight snack.

Halos mapatalon ako nang biglang may kandilang umilaw sa dinadaanan ko. Kinikilabutan ako ah. May nararamdaman akong kakaibang presensya ngunit di ko nga lang nakikita. Sunod sunod na umilaw amg kandila hanggang sa nagporma itong pahaba. Para siyang isang direksiyon.

Hindi ko alam kung anong pumasok sa kokote ko at sinundan ko ito. Medyo maliwanag na dahil sa kandila. Di ito ordinaryong kandila na tig tres sa tindahan kundi isa siyang malakihang kandila na may iba't ibang kulay.

Bakit may ganto sa gubat?! Pakiexplain nga.

Nagsitayuan ang balahibo ko at medyo kinakabahan ako sa posibleng lugar na pwede kong  puntahan sa pag sunod lamang sa kandila.

May mga baging na nakasabit at tinabig ko ang mga ito upang makadaan ako.

At napanganga nalang ako nang may mga nakahugis pusong kandila na bumungad sa akin. At sa gitna nun, ay nakatayo ang isang pamilyar na pigura. Di ako nagkakamali, si Ehan ang pigurang ito.

A-anong ibig sabihin nito?!

Dali-dali ko siyang nilapitan at binatukan. “Aray! Para saan yun?!” Reklamo pa niya. “Ano to? Tinakot mo ko! Sinaktan mo pa ako!” at pinagpapalo ko na siya. Bahala nga siya diyan. Matapos niya akong iwan sa damuhan? Paluin sa batok? Hanggang sa mawalan ng malay?! Akala niya, mapapatawad ko siya ng ganun ganun nalang?

Hmmp. No!

“Let me explain first okay?!” Aniya at pinagsasangga ang mga palo ko. “Explain mo mukha mo!” Inis ko pang baling. Tse! Akala niya ah.

“Bro. Tulong!” Saad ni Ehan. At maya-maya lang ay may humawak na sa akin na dalawang lalake. Nang tinignan ko ito ng mabuti, ala e, mga multo pala! Kakilabot. Piste.

Hinawakan nila ako sa magkabilang braso ko. Ang lalamig ng kamay! Ang weird sa pakiramdam.

“Umupo ka muna diyan at mag relax.” Ani Ehan. May isa pang multo na lumabas at naglatag ng tela. Aba! Daming alas ah?!

My Guardian Ghost (Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon