Philophobia

124 10 1
                                    

𝐏𝐇𝐈𝐋𝐎𝐏𝐇𝐎𝐁𝐈𝐀
𝘣𝘺: 𝘡𝘢𝘯𝘥𝘳𝘢

Iʼm Jane. I am a high school student studying at Glymore Academy. Hindi sa pagmamayabang pero magaling ako sa sports, academics, and other activities. Sa isang bagay lang naman kasi ako hindi magaling.

Ang mag-mahal.

Why? Kasi hindi ko pa siya nararanasan. Bakit hindi pa? Because I'm diagnosed with Philophobia. Iʼm 10 years old when I found out that I have this phobia. That's the first time na nagkaroon ako ng crush but everytime na mararamdaman ko ang pintig ng puso ko, nagpa-panic ako bigla, minsan gusto kong umiwas sa lahat, nahihirapan din akong huminga at biglang bumibilis ang tibok ng puso ko.

Hanggang sa dumalo na ako sa isang doktor upang malaman kung bakit ganoʼn. At halos takot na lang ang naramdaman ko nang malaman ko na may Philophobia ako. Kasi ang ibig sabihin lang naman noʼn, hindi ako pwedeng magmahal.

I distanced myself from everyone. Hindi ako nagkaroon ng kaibigan dahil sa tuwing madedevelop, napapamahal na rin ako 'di ba? Parang nakaka-trigger lang din ng phobia kaya sinabi ko sa sarili ko,

Kaya mo 'yan ng mag-isa.

Napahinto ako sa pag-iisip nang bigla akong tawagin ng kaklase ko mula sa second floor ng building namin.

"Jane! Nandito na si Miss! Pumasok ka na raw!" agad kong isinilid ang mga gamit ko sa aking bag at kumaripas ng takbo papasok sa room namin. Masungit kasi si Miss Leah, aish, baka pagalitan na naman niya ako. Baka sabihin na naman niya na, "Presidente ka pa naman ng klase, pero ikaw mismo ay lumalabag sa patakaran!" pero ayos lang naman sa akin kasi araw-araw kong naririnig iyan, ang hindi ayos ay iyong boses niya, nakakarindi, promise.

Pagkarating ko sa room ay napatingin sila sa akin, pati si Miss. Lumapit ako sa kaniya at ibinigay ang attendance sheet. Lahat naman ay pumasok kaya wala naman sigurong problema. Pero laking gulat ko nang tabigin niya ito.

"Why it isn't updated?" naguluhan ako sa kaniyang itinanong. Updated? Why? May bago bang attendance sheet?

"Pardon, miss?" she didn't replied and signaled me to sit down. I obeyed her since hindi naman niya ako pinagalitan, well, nabastos lang ako doon sa pagtabig niya ng attendance sheet pero ayos lang.

Tumayo siya at binati kami. We didn't greet back 'cause she said that she won't be the one that we will greet. Bagama't naguluhan, hindu na lang namin siya binati pabalik.

"So everyone, you have two new classmates today. Miss Aransas, quickly write their name on the attendance sheet after they introduce their selves." I nodded and quickly grabbed my pen inside my bag and waited for the transferees.

Tumabi siya at halos mamangha ako nang pumasok ang dalawang lalaki. Parehas silang gwapo. Matangos ang ilong, messy hair, mapula ang labi, mapupungay na mata, makakapal na kilay, at mahahabang pilik-mata. Plus the fact na matangkad sila parehas. The first guy who entered has the cold aura. Sobrang lamig ng mga mata niya and I can feel the Jack Frost aura in him. Why? He's wearing a blue coat that Jack always wear and he has a white hair. And trust me, it suits him well.

Ang kasunod naman niya ay kulay brown ang buhok, nasa kaniya 'yong good vibes and happy aura. Nakangiti siyang pumasok sa room at kumaway sa lahat. Seriously? Who are these men?

Nakatitig ako sa kanila nang bigla kong maramdaman ang pagbilis ng tibok ng puso ko, sa sobrang bilis ay nagpawis na din ako, damn, natitrigger ang phobia ko dahil sa paghanga ko sa kanila!

I immediately calmed myself as soon as I can. Inalis ko na rin ang titig ko sa kanila at pinakinggan na lamang ang mga sasabihin nila.

"Archerandrien Frost." natawa ako nang mahina nang marinig ang apelyido niya. No doubt that he looks like Jack Frost. Pero ang boses niya, baritono pero napakalamig pa rin, pero ito 'yong malamig na boses na masarap pakinggan. I wrote his name dahil para sa akin, madali lang naman ang pangalan niya, mahaba nga lang.

"Hi girls! I'm Levigray Frost. We are cousins and we're from Frost University. But unfortunately, we are kicked out because we-"

"You don't need to tell them the reason. They doesn't need to know." natahimik ang lahat nang putulin ni Archer ang pagsasalita ni Levi. Nang maramdaman ni Miss na nag-iba ang atmosphere ay pinaupo na niya ang dalawa. Sa kasamaang palad, sa kaliwa't kanan ko pa.

Nang makaupo na sa ay siya ding pagsilid ko ng attendance sheet sa bag ko. And I tried my best to focus on the lesson, kasi, hindi ko alam pero napapatingi ako kay Archer. At sa tuwing napapatingin ako sa kaniya,

Umaatake ang phobia ko.

-

Kinabukasan, maaga akong pumasok. May kailangan kasi akong hanapin sa library. Yesterday, na-assign ako na bigyan ng tig-iisang History book ang section namin, wala e, president kasi. Kaso, kinulang ako ng isa. Ayon sa librarian, gagamitin rin daw ng ibang section ang libro ngayon pero subukan ko raw na maghanap ngayon, baka sakaling may makita ako.

I gave my library card to the librarian. Agad akong naghanap sa bawat shelf, hindi ko nga alam kubg makakapaghanap ako dahil sobrang laki ng library namin. Hindi ko alam kung kakayanin kong halungkatin ang bawat shelf na nandito.

"Do you need help?" kamuntik-muntik na akong malaglag sa hagdan nang may nagsalita pero mabuti na lamang ay hindi ako masyadong nagulat. Lumingon ako sa ibaba at nakita ko doon si Jack-este si Archer. Heto na naman iyong pakiramdam na parang kahit anoʼng oras, aatake ang phobia ko.

Umiling na lang ako sa kaniya dahil jusme, siya ang hinahanapan ko ng history book! Hinuli ko na kasi sila sa attendance, kay Levigray lang umabot ang libro pero mabuti na lamang at wala suya sa room ng oras na iyon.

"Is this the book that you're searching for?" napatigil ako sa paghahanap at saka ko siya tiningnan. May hawak siyang isang makapal na pulang libro. Yes! Nahanap niya! Sa sobrang tuwa ko ay tumalon ako pero nawala sa isip ko na nasa hagdan ako, kaya ang ending? Nadaganan ko siya.

And here it goes again, the rapid beating of my heart. Nagpapawis din ako at ramdam ko na hindi ako makahinga ng maayos.

"Hey, why are you sweating? Your heart is beating so fast. Are you alright?"

Gusto kong magsalita pero kinakapos ako, hinahabol ko ang hininga ko hanggang sa maramdaman ko ang biglang pagbigat ng talukap ng mata ko. I want to stand up but it's too late, because everything went black.

-

ARCHERANDRIEN'S

Nagulat ako nang bigla siyang himatayin habang nakapatong siya sa akin. Does she have an asthma? I felt the rapid beating of her heart and she's sweating, hard. It is so obvious too that she can't breath properly. I searched her bag if there's an inhaler but there's nothing.

Binuhat ko siya at dinala sa clinic, dinala ko na rin 'yong History Book na hinanap niya kanina. I knew that she's finding it for me. Nakita ko kahapon si Gray na may dalang libro and he told me that it was distributed by her. Naghintay na lang ako and yeah, hinahanap niya pala.

The nurse checked her and I stayed outside. Gusto ko siyang iwan dito but there's something that's pushing me not to. I waited for few minutes for the results.

"Mr. Frost? She's okay now. But I highly suggest that you should distance yourself from her." kumunot ang noo ko. Ako pa ang didistansiya? May sakit ba ako at ganiyan ang epekto ko sa kaniya?

"Why?" I just asked. Many questions in my head pero isang tanong lang ang ang naitanong ko.

She just smiled at me and she told me,

"She has a phobia. And you can trigger her phobia, Mr. Frost."

Those words left me dumbfounded.



--

Repost. Bakit nawala sa wattpad 'to HAHAHAHA

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon