Past or Present?

429 16 2
                                    





"Good morning, class!" Napairap ako nang marinig ang boses ng propesor namin sa Philosophy. Paniguradong may pakulo na naman siya ngayon. Kada magkaklase siya rito, nag-heheld siya ng mga weird na gawain kaysa pagsulatin kami ng mga notes.


"So today, I'm gonna announce our permanent activity until the end of school year." Kumunot ang noo ko. Wow, permanente na. I hope na hindi iyon purong katarantaduhan dahil kun'di, kahit last sem na lilipat talaga ako ng school.


"Nako sir, ano 'yan?"
"Sir, 'wag tungkol sa pautakan please."
"Excited na 'ko, shems."

Napahalakhak si Sir nang marinig niya ang iba't-ibang reaksyon mula sa mga kaklase ko.

Pabida talaga 'to kahit kailan.


"Kalma, Villae. Our permanent activity is..."



"Debate!"

Nasapo ko ang noo ko. There's a chance na matawag ako. But please Lord, tungkol sa acads sana ang mga magiging topic.



No personal lives involved, please.


"So, we're gonna start today! And the topic is..."




"Which one is better? The present? Or the past?" Agad akong tinamaan nang banggitin ang topic. Biglang bumilis ang pintig ng puso ko dahil sa kaba.


Mukhang alam ko na kung sino'ng magdedebate para sa topic na 'yon.

Dumapo ang tingin ni Sir sa akin kaya agad akong nag-iwas ng tingin. If this is about that thing, magrereklamo talaga ako sa Dean. It's too personal to be a debate topic, lalo na kung ang babaeng iyon pa ang makakadebate ko.


"Sir, sino po ang magdedebate?" Tanong ng isa kong kaklase. Ngumiti nang malapad si Sir at tumngin ulit sa akin. Damn. It's me!

"Good question, Manzano. Our candidates for today are...."



"Aya and Sheena!"

Napapikit ako nang marinig ang pangalan ko at ang pangalan niya.

Walang patutunguhan ang debateng 'to.


"Can I back out, Sir?" Diretso kong tanong. Napatingin sila sa akin maging si Aya at nginisian ako. 'Yong ngisi na, mabubwisit ka kapag nakita mo.


"Well well well, looks like she's afraid to compete with me, again. Am I right, Sheena?" Mapanginis niyang tugon. Hindi ko siya pinansin, hindi ako pikunin at mapagpatol na tao, kaya hahayaan ko na lang siyang dumada nang dumada r'yan.


Tumikhim si Sir at nagaalanganing ngumiti, "Class, I'll remind you that this debate has the 70% of your grade until finals. So, you cannot back out." Napamura ako sa aking isipan, if this debate costs 70% of our grades, then I can't back out!


I'm running as the school valedictorian!


"So can I call the two of you to step in front to start our debate?" Marahan na lamang akong napatango. Dahan-dahan akong naglakad patungo sa unahan. Pinasadahan ko ng tingin ang mga kaklase ko, at kada row na madadaanan ko, may naririnig ako.


"Nako, mukhang may issue ang dalawang 'yan."
"Sinabi mo pa, lagi kayang may issue si Aya r'yan kay Sheena."
"Mukhang intense 'to ah."


Tss, nakakaramdam pala ang mga 'to.


Binilisan ko ang lakad at hindi pa pinakinggan ang mga hinaing nila. Nagtungo ako sa kanan at d'on pumwesto. Prenteng nakatayo si Aya sa harapan ko, para bang, confident siyang manalo.


"So, walang mechanics, kayo ang bahala kung p'ano niyo idedeliver ang pinaglalaban niyong parte. Sheena, ikaw ang past, Aya, sa 'yo ang present." Wala akong nagawa kun'di ang tumango.


Ba't kasi 'yong past pa napunta sa akin?


"Aya,  ikaw ang mauuna. You have 5-10 minutes to defend your parts. Timer, starts, now!"


Pagkasabi n'on ni Sir ay agad nagsalita si Aya.


"I believe na mas better ang present kay past. Kasi, past na 'yan eh, wala ng laban kay sa present 'yan dahil 'yong present, maaari pang madala ang future. Gawin nating example ang isang lalaki, ang current girlfriend, at ang ex. 'Di ba, kung tutuusin, mas better si present kasi kung mas better si past, bakit niya pipiliin si present?"


Damn you, Aya! Bakit mo dinamay ang personal na problema natin dito?


Hindi na siya nagpatuloy pa senyales na ako na ang magdedepensa. Humugot ako ng malalim na buntong-hininga at saka sumagot.



"P'ano mo nasabing better ang present kung gan'yan lang ang pinagbabasehan mo? Didn't you know na kung wala si past, wala rin si present? In short, kung wala ako, wala ka rin sa posisyon mo." Maikling tugon ko sa paraang kalmado. Kitang-kita sa kaniyang mukha na siya ay naiirita na. Pikon naman pala.


"If you, the past, much better, then why did he chose me, the present?"


I smirked, "You know the word, "pity?" If yes, then that is the reason."


"He loves me! Ni wala na nga siyang paki sa iyo! Paano mo naman nasasabi na awa lang ang nararamdaman niya sa akin if hindi mo naman siya nakakasama, huh!?" Pagalit niyang tanong.

Ayoko na. Sayang ang oras.


Lumapit ako sa kaniya at binigyan siya ng matalim na tingin, "You know, I'm with him, always. He wants to be with the past again, but I told him that, the present can make him happy. Pero alam mo, Aya?



...isang sabi ko lang sa kaniya na mahal ko pa siya, wala ka na agad kwenta para sa kaniya. So never, compete with the past, kung wala ka pa sa kalahati ng kalingkingan ko. Better watch out, Miss Present, we might switch positions soon, malay mo, ikaw na ang past, ako na ulit ang present."


With that, I left her a devilish smirk then walked away.

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon