Jealousy

24 0 0
                                    


"Love, saan tayo mamaya? Monthsary natin today. Hindi ba tayo lalabas?" I asked my boyfriend while putting my make up on. Napatingin naman ako sa kaniya nang maaninag ko sa vanity mirror na napahinto siya.


"Ah, about that...Sorry love, I-I forgot. May lakad kasi ako ngayon, I have a project to finish with Cindy..."


Napahinto ako sa paglalagay ng kolorete sa mukha ko nang marinig ko ang pangalan ng babaeng 'yon. I faced my boyfriend, Allen, and crossed my arms.


"You've been working on that project for 3 weeks already and it's not done yet? Kung hindi pa rin, kahit ngayong araw lang ba hindi mo maibibigay sa 'kin? Kulang na lang jowain mo si Cindy dahil araw-araw kayong magkasama," inis kong saad. Sobrang frustrated ko na. Malapit na maubos ang pasensya ko sa kaniya pati na rin sa babaeng 'yon.


"Inang 'yan, ang toxic mo talaga 'no? Sabing project eh, lagi ka na lang nagseselos, nakakasawa. Mag-monthsary ka mag-isa mo." My jaw dropped when he left me with those words being stuck in my head. Napaupo ako sa kama dahil hindi ako makapaniwala na kaya niyang sabihin 'yon sa 'kin kahit kaunting oras lang naman niya ang hinihingi ko. Mahirap ba 'yon ibigay?


Allen and I are together for 4 years already. Our relationship went smoothly at first not until nag-senior high kami. Magkaiba kami ng section and I wasn't worried at first pero naging ka-close niya 'yong Cindy. Ang dikit no'ng babae sa kaniya and naging ka-close ko pa 'yon, pero unti-unti ko siyang hindi pinansin dahil I talked to her once regarding Allen and she did not do a thing. I know, it's not her responsibility pero ilang beses ko na ring kinausap ang boyfriend ko at walang nangyayari. Pero tanga rin ako, I can't let him go kaya kinausap ko si Cindy. Selos na selos ako sa babaeng 'yon pero hindi niya magawang layuan. Lagi na lang namin pinagtatalunan and in the end, ako pa 'yong nagmamakaawa 'cause he'll always solve the problem by breaking up with me.


Pero hindi ko kaya.


Kaya lagi ko iniiyak gabi-gabi 'tong nafefeel ko kasi ayoko na sabihin sa kaniya dahil alam ko na 'yong kalalabasan. It's tiring, pero hindi ko alam kung bakit hindi pa rin ako sumusuko. Pati mga kaibigan ko naiinis na sa katangahan ko.


Inayos ko muna ang sarili ko bago pumasok sa school. See? Same school kami pero hindi man lang ako isabay pagpasok. Simula no'ng naging close sila ni Cindy, hindi na talaga niya ako isinasabay. It's like, we're a couple pero hindi ko na ramdam. He's drifting away from me.


"Happy monthsary, bakla! Ako na babati sa 'yo, mukhang nakalimutan na naman ng boyfriend mo. Tingnan mo kasi kung sino ang kasama," bungad sa 'kin ng best friend ko na si Jean sabay turo sa boyfriend ko gamit ang nguso niya. I saw Allen and Cindy from a distance laughing like there's no tomorrow. Wow, ang saya nila.

Kung ganito lang din pala, sana ako na lang si Cindy.


"Hayaan mo na, girlfriend lang ako, kaibigan 'yan. Ano laban ko r'yan?" I joked but deep inside, ganoon nararamdaman ko. Parang mas ako pa 'yong dapat lumayo para sa kanilang dalawa eh.


"Ang tanga-tanga mo, friend! Hindi ko kinakaya. Sana magising ka na sa kahibangang 'yan!" she droned. Hindi ko na pinansin pa 'yon at inaya na siyang pumasok. Much better if mag-focus na lang muna ako kaysa intindihin 'tong boyfriend ko na hindi ko alam kung boyfriend ko pa ba, o sa iba na nagpapaka-boyfriend.


That day, lumabas lang kami ni Jean. Hindi na 'ko nag-bother pang lapitan si Allen o mag-update dahil hindi rin naman niya ginagawa. It's tiring to please the people you love but you'll end up getting nothing.


— —

"Saan ka galing?"

Iyan ang bungad ni Allen sa 'kin pagpasok ko ng apartment namin. Hindi ko 'yon pinansin at nag-dire-diretso lang sa kusina to get some water. Pero bago pa 'ko makalayo ay hinatak niya ang braso ko at hinigpitan ang hawak doon.


One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon