Philophobia: Part 2

554 24 0
                                    


Nagising akong masakit ang uloʼt katawan ko. Luminga-linga ako sa aking paligid at napagtanto kong nasa clinic ako ng school. Pero, bakit ako nandito? Saka, anoʼng oras na ba?

Dahan-dahan akong tumayo at sumilip sa katabi kong bintana. Nakasarado kasi ito at natatakpan ng itim at makapal na kurtina. Nanlaki ang mata ko nang makitang gabi na, ibig sabihin, hindi ako nakapasok sa mga klase ko kanina? Diyos ko po!

Napabalik ako sa kinahihigaan ko nang biglang bumukas ang pinto. Nanlaki ang mata ko nang makitang si Levigray ito. Teka, anoʼng ginagawq niya rito?

“Hey, are you okay?” tumango ako. Binigyan niya ako ng isang baso ng tubig na agad ko namang tinanggap at ininom. Malalim muna akong bumuntong-hininga bago ako magtanong sa kaniya.

“Anoʼng ginagawa ko rito? Did something happened earlier?” he shooked his head and smiled. Ayokong maniwala dahil sino nandito ako sa clinic ngayon tapos walang nangyari? Is it a joke?

“Nadulas ka kasi kanina. Someone became worried so he brought you here but unfortunately, he already left.” nagtaka ako dahil hindi siya nagsasabi ng pangalan at hindi rin niya sinasabi kung bakit ako nadulas.

Hindi na lang ako umimik pero maya-maya ay nagsalita siya. Hindi mo ba papasalamatan 'yong taong nagdala sa 'yo rito? Kahit sa akin mo na lang sabihin, makakarating kaagad sa kaniya.” napatingin ako sa kaniya nang may pagdududa. Siguro si Archerandrien iyon, kaso hindi naman ako pwedeng mag-assume. Pero posible rin kasi dahil siya lang naman yata ang ka-close niya rito dahil bago pa lamang sila dito.

“Tell him that I thanked him so much. If there's a free time, I wanna meet him to treat him for lunch as my pay back.” iyon na lang ang sinabi ko dahil kung tutuusin, mas gusto ko pang magpasalamat sa personal kaysa sa ibang tao manggagaling. Dahil ako niligtas ng walang alinlangan tapos 'yong pagpapasalamat ko mukha pang hindi sincere? Hays.

Tiningnan ko ang oras sa orasan na nakasabit sa pader at napagtanto kong alas-siyete na ng gabi. Walang kakainin ang kapatid ko ngayon, kailangan ko nang umuwi.

Inayos ko ang gamit ko na nasa mesa and there he is, just sitting and watching what am I doing.

Medyo nailang ako kaya binilisan ko na ang pag-aayos at bago pa ako makalabas ng clinic, may mga salita siyang sinabi na nakapag-pabagabag sa akin.

“Andrien told me that I should send you home. And yes, he was the one who brought you to the clinic, and he's the one who took care of you. But unfortunately, he will not do it again.”



Maaga akong nagising kinabukasan. Ni hindi ko nga alam kung nakatulog ba ako. Hindi pa rin kasi nagsi-sink in sa akin iyong sinabi ni Levigray sa akin kagabi. I understand it all, nagulat lang ako kasi I didn't expect that he could do that for me. Hello? I'm just a girl who has a philophobia.

Iyong huling litanya na kaniyang sinabi, naiintindihan ko, sobra. Alam ng nurse ng clinic ng aming school na may philophobia ako. Maybe, she told that to him, pero bakit? Anoʼng rason para sabihin niya sa kaniya iyon kung ang sabi ni Levigray ay nadulas lang naman daw ako?

Nag-muni muni muna ako sandali pagkatapos ay tumayo na ako upang maligo at mag-ayos. But today is a bit different. Today's Wednesday so pwede kaming mag-civillian. Ngayon lang ako magsusuot ng civillian sa school dahil lagi naman akong naka-school uniform. I don't know what's so special today at naisipan kong mag-ayos.

Pinlantsa ko ang buhok ko at naglagay ako ng light make-up. I wore a black striped full sleeve top with skinny leggings and rubber shoes. Naka-messy bun din ang buhok ko dahil honestly, hindi ako marunong mag-ipit dahil puro ponytail lang naman ang ginagawa kong tali sa aking buhok.

Pagkatapos magligpit ay bumaba na ako at doon ko naabutan ang bunso kong kapatid na nanonood ng TV. Lumingon lang siya sa akin saglit at saka bumalik sa pinapanood niya. Ako naman ay dumiretso sa hapag para kumain. Pero hanggang dito ay narinig ko ang kaniyang sinasabi.

“Jane Aransas, I'm warning you, you can't have a boyfriend!” napakunot noo ako nang isigaw niya iyon habang lumalapit sa akin nang nakabusangot ang mukha. Seriously? Anoʼng problema ng adik na  'to?

I frowned, “What are you talking about, Jasper? I don't have a boyfriend.” hindi na siya naka-busangot nang sabihin ko iyon pero masama pa rin ang tingin niya sa akin. Jasper's only 13 years old but he acts like a 7 year old boy and thinks like a 20 year old guy. Nahiya nga ako sa katalinuhan ng isang ito, jusme.

“Oh, yeah? You don't have? Then how can you explain that guy who came with you last night!?” he exclaimed. Then I realized, hinatid pala ako ni Levigray kagabi using his car. Naka-idlip ako and shoot! He carried me in a bridal style! Diyosmio, mali ng iniisip ng kapatid ko!

I explained to him and that made him calm. Hindi na ako naka-kain dahil naubos ang 30 minutes ko sa page-explain sa kapatid ko. I kissed him on his cheek before leaving—and yes, iniiwan ko siyang mag-isa sa bahay kasi may tiwala ako sa kakayahan ng kapatid ko and he knows what to do. Sabi nga niya sa akin noon, hindi ko na raw siya kailangang paalalahanan, dahil bago ko pa sabihin, alam na niya 'yong gagawin. And I salute MYSELF for raising him as a good child.





I swiped my ID to the machine before I entered the school. Nang naramdaman ko ang pag-vibrate ng phone ko ay pumasok na ako. Nagtaka ako nang makita ang lahat na nagpe-prepare. May mga students na nagsasabit ng banderitas sa bawat sulok at 'yong iba ay nag-aayos ng mga booth. Kinalabit ko ang isang babaeng dumaan na naka-white t-shirt at pants. Hula ko ay SC officer siya.

“Uhm, yes?” she politely asked. “Whatʼs going on?” I answered while roaming my eyes around the campus. “Ay, haha, weird pero today's the welcome party for the Frost Cousins.” tumango na lang ako at nagpasalamat saka siya umalis. Wait, welcome party? Para sa dalawang iyon? Ano baʼng mayro'n sa kanila maliban sa alam kong mayaman at gwapo sila?

Binalewala ko na lang iyon at umakyat sa room namin. Umupo ako sa upuan ko at oo, wala akong kasama dito. Lahat sila ay naglilibot sa campus dahil wala naman palang klase ngayon. Hayst, kung alam ko lang, edi sana hindi na ako pumasok.

Nagsalpak ako ng earphones sa magkabilang tainga ko at nagbasa ng Wattpad. Yeah, nagbabasa ako ng Wattpad, hindi lang halata, dito ko kasi binabawi lahat ng emotions na hindi ko pwedeng maramdaman sa totoong mundo.

“Hmm..” nagulat ako nang marinig iyon. Mahina lang ang volume ng music kaya rinig na rinig iyon. Tumingin ako sa paligid at laking gulat ko nang makita si Jack—I mean Archerandrien na nakadukdok sa mesa. The hell? Kanina pa ba siya nariyan?

Inalis ko sandali ang earphones ko at bumaling sa direksyon niya. I stared at him for minutes. Hindi ko alam but there's something in him na gusto kong malaman. Gusto ko siyang maging kaibigan.


“Damn it, Jane. Stop staring, I might fall, and I can't.”

When he said that, I felt my heart skipped a beat.


Annyeong! Part 2 is up! Taena gaiz, ilang parts kaya aabutin nito?

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon