Wrong Love Gone Right

1.3K 68 3
                                    




Napabuntong-hininga na lang ako nang hindi ko nagawang pigilan ang kaibigan kong si Kael sa pag-inom. He's devastated and broken right now because his girlfriend cheated. In our squad, ako ang hindi close sa kanya dahil maniwala man kayo o hindi, napakatahimik kong nilalang.


"Hoy, ihinto mo na 'yan. Jusko, paano kita iuuwi ha?!" nasapo ko na lamang ang noo ko dahil nakita kong nakapikit na siya. I can't let him stay in our house dahil kung ano-anong iisipin ng magulang ko kapag nakita nila si Kael dito. Gusto ko namang tawagan ang girlfriend niya kaso baka lalong magalit lang si Kael.

Napag-desisyunan kong hayaan siyang matulog sa sala, I covered his body with a blanket and I cleaned up the bottles of alcohol in the table. Baka akalain pa ng mga magulang ko e uminom din ako, duh, I'm still minor for pete's sake!

I freshen up first then walked towards my bedroom. I checked my phone first and I smiled bitterly. Tanga mo naman talaga, Crae, aasa ka pang magmemessage sa'yo 'yan? Ilang buwan na ngang hindi nagpaparamdam sa'yo tapos aasa ka pa.

Napailing-iling na lang ako at humiga sa kama hanggang sa makatulog ako.

Kinabukasan, sigaw kaagad ni Papa ang naabutan ko. At first, I was wondering kung bakit pero naalala ko na nasa baba nga pala si Kael! Tanginugh, ang tanga-tanga mo Crae!


Agad akong naligo at nagbihis ng disenteng damit bago bumaba. Nanlaki ang mata ko nang ambaan ng suntok ni Papa si Kael, tumakbo agad ako sa kanya at hinarangan si Kael. Napatingin ako sa hitsura niya, para siyang nasagasaan ng truck at kakagising lang sa ospital tapos nagkaroon ng amnesia, in short, litong-lito siya sa mga nangyayari! Kaya ayokong mag-aalaga ng lasing, punyemas!


I explained it to them everything except Kael's problem and inalok pa nila si Crae ng breakfast. Pumayag naman si gago ampochi. Pagkatapos no'n ay hinatid ko siya sa gate ng subdivision namin at habang naglalakad kami, may isang bagay akong hindi inaasahan.


I saw Yohan-my boyfriend, wait boyfriend nga ba? Haha, I saw him kissing another girl. Pero bakit gano'n? I didn't feel anything. Sadness? Anger? Pain? None. Wala akong maramdaman. Kaya ngumiti na lang ako until mapansin niya kami. Kumaway lang ako sa kanya at hinatak ko na si Kael paalis doon. Weird, isn't it? Waving to your so called boyfriend like nothing happened but you saw him cheating?


"You okay?" he asked. I nodded and smiled. Inaakala niya sigurong peke 'yon kaya natawa ako. "Oo, okay lang ako. Weird, hindi ako nakaramdam ng sakit o galit, why the hell is that?" natawa na lang kami parehas thinking na oo, weird nga.


-


This past few days, sinusuyo ako ni Yohan pero sinabi ko sa kanyang tapos na kami. Napangiti na nga lang ako nang ginawa ko iyon, at least he has the freedom to do anything and so do I. Tangina self, bakit napaka-weird mo?

Isa pang napaka-weird na pangyayari. Nakapako lang ang paningin kay Kael at sa girlfriend niya na PDA sa mall kahapon, oo, magkakasama kami pati 'yong buong squad, kasama nila mga jowa nila samantalang ako, kumakaway na single at nagmukhang chaperone ng mga gaga.


So eto nga 'yong weird, I felt jealous, oh ang weird 'di ba? I'm not jealous dahil ako lang ang walang jowa, nagseselos ako kay Kael saka sa girlfriend niya ampochi! This can't be happening!


I asked my bestfriend, Blaize, about that. And she confirmed to me na may gusto na ako sa matandang 'yon. And after that, isa lang ang pumasok sa isipan ko.

Kailangan ko siyang layuan.


Why? Ayokong makasira ng isang relasyon. Hanggang sa makakaya ko, I will distance myself to avoid anyone to get hurt.


One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon