Schizophrenia

556 19 0
                                    






"Mabuti at pinayagan ka ng doktor na pumasok. Okay ka na ba?" Saad ng aking kaibigan pagkaupo ko sa aking upuan. Tumango na lamang ako at naglabas ng libro. Sabi kasi ng doktor, maiiwasan ko ang pag-iisip ng kung ano-ano kung itutuon ko ang sarili at utak ko sa ibang bagay. Distraction, kumbaga.



Akala ko'y titigilan na ako ni Sarene pero maya-maya pa ay kinalabit niya ako. Inipit ko ang bookmark sa pahina na binabasa ko bago ko siya lingunin. Nasa harapan niya kasi ako at hindi siya makatabi sa akin dahil hindi absent ang seatmate ko.



"You're not telling me your sickness yet, Bianca. I'm worried. Hindi mo pwedeng sabihin na simpleng lagnat lang 'yon kasi halos tatlong linggo ka sa ospital!" She said to me, worriedly. I sighed. Hindi ko alam kung handa na ba akong sabihin sa kaniya. Baka sabihin niya, isa akong baliw at layuan niya ako kapag gan'on. Ayokong mawalan ng kaibigan kapag nalaman niya kung ano 'yong dinadanas ko ngayon. She's my one and only bestfriend, I don't want to lose her.




You won't lose her if she is your true friend. She'll accept you no matter what your sickness is, Bianca.



Napabuntong-hininga na lang ako at itinigil ang pakikipag-talo sa aking utak. Isinuksok ko ang librong binabasa ko kanina sa aking bag at marahan siyang hinatak palabas ng room. Gusto ko siya lang ang makakaalam, at malaki ang tiwala ko sa kaniyang hindi niya ito sasabihin kahit kanino man.



I held her hand tightly, alam ko nagtataka na siya sa ikinikilos ko, kaya nagsalita na ako. "Sarene, I'm not a normal person anymore. Pwede mo akong tawaging baliw, kung 'yon ang iisipin mo. Pero sana, hindi mo ako iwan dahil sa kondisyon ko." Hindi ko maipaliwanag ang reaksyon niya. Pero ang alam ko, nagtataka na siya.




Huminga ako nang malalim at yumuko, "Sarene, I have a sickness called...Schizophrenia.." limang segundo matapos kong sabihin iyon ay agad niya akong niyakap nang mahigpit. Nagulat naman ako d'on dahil ang ineexpect kong reaksyon niya ay itutulak niya ako dahil mandidiri siya sa akin.



"Sira ka talaga. Bakit naman kita iiwan just because you have Schizophrenia? You're still a normal person for me. You're still my bestfriend and I accept you for who you are. Don't overthink, okay? I love you, Biancs!" Naluha na lang ako nang sabihin niya ang mga katagang iyon. Ano ba ang ginawa ko at nakilala ko ang isang tulad n'ya? Damn. I hope this lady won't leave me, because I'm so grateful to have her in my life.











Today's Tuesday at tatlong linggo na simula n'ong nalaman ni Sarene ang sakit ko. Sinasabayan n'ya ako tuwing mag-iimagine ako pero kapag napipikit na ako ay itinitigil na niya ang pag-iimagine ko. Nakakatuwa lang, kasi may taong nandiyan para sa 'yo at gagabay sa 'yo kapag hindi mo na alam kung ano'ng gagawin mo.



Kasalukuyan kaming nasa corridor sa building ng elementary. Suspendido ang klase nila dahil may meeting ang mga teachers ng elementary kaya heto, dito kami tumambay ni Sarene ngayon habang vacant pa namin.




"Huy bakla, oo nga pala, kilala mo ba si Keazie Francisco?" Kumunot ang noo ko sa kaniyang tinanong. Keazie Francisco? Bakit parang familiar?




Umiling ako bilang sagot. Napanguso naman siya dahil panigurado, inaasahan niyag kialal ko 'yon. Tsk, paano ko makikilala 'yon? Ni wala nga akong interes sa mga kalalakihan.



"Keazie Francisco! The newest heartthrob in our campus! Ang gwapo niya ghorl!" Sigaw n'ya habang tumatalon-talon tapos hinahampas pa ako.


'Yong totoo? Mukha ba akong unan na pwedeng hampasin kapag kinikilig ang isang tao? Nyeta.



Hinawakan ko ang kanang braso niya upang patigilin siya. Bukod sa ang ingay niya, nahihilo na ako sa kaniya kakatalon niya at masakit na rin ang braso ko kakahampas niya!



One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon