366 Days

127 12 0
                                    



Isang matamis na ngiti ang bumungad sa 'kin pagbukas ko ng pinto ng aking silid. Sino ba namang hindi mangingiti kung bubungad sa 'yo ang mukha ng kasintahan mo sa bisperas ng bagong taon, hindi ba?

Kevin is my long time boyfriend. Actually, namimisunderstood ng iba kapag sinasabi kong si Kevin ang pinaka-matagal kong naging boyfriend. Mag-iisang taon pa lang kami at ang pinakamatagal kong relationship ay three years. When I say "long time", means 'yong minahal talaga 'ko nang pangmatagalan. Iyon bang hindi ako niloko at intentionally na sinaktan, 'yong tinanggap ako ng buong-buo. Iyon bang kahit napakarami kong flaws and imperfections, nagawa niya 'kong mahalin sa kung sino ako.

Tomorrow is our first anniversary. Sinagot ko siya exactly 12 midnight ng January 1. He courted me for 4 months and he proved to me na deserve niya 'yong "oo" ko kaya sinagot ko siya. I actually fell in love with him while he's courting me kaya deserve naman niya talaga.

Deserve namin sumaya.

Gaya ng nakaraang taon, dito uli siya magcecelebrate ng bagong taon. Both of us had gone through many challenges and problems this year. 2020 almost broke us apart pero God helped us to overcome all of those problems.

He was supposed to be celebrating with his family right now but his parents died last January because of plane clash while his brother died on February because of heart cancer. Unang dalawang buwan ng taon pa lang 'yon pero halos mawala na siya sa sarili nia dahil nawalan siya ng minamahal sa buhay.

Akala namin matatapos na, pero nang dumating ang March ay naaksidente ako. I got into a car accident and the doctor told me na I was almost blinded dahil sa bubog na pumasok sa loob ng mata ko, muntik na rin akong mawalan ng ala-ala dahil sa pagkabagok ng ulo ko ngunit matindi raw ang kapit ng Diyos sa 'min kaya hindi 'yon nangyari.

"Lawak ng ngiti, ah?", pang-aasar niya. Sinalubong niya 'ko ng isang mahigpit na yakap saka ako hinalikan sa noo. It was his hobby already since n'ong naging kami.

"Who wouldn't? I'll be ending my year again with you and starting my new year with the same person. Sino bang hindi magiging masaya?" My voice cracked and I almost cried. Naiisip ko kasi palagi lahat ng pinagsamahan namin at hinding-hindi ko makakalimutan lahat 'yon.

"Asus, ikaw talaga. Halika nga rito,"

He held my hand and pulled me for a warm and tight hug. May nararamdaman akong kakaiba sa yakap na 'yon pero hindi ko 'yon inintindi. Ito 'yong hindi matanggap ng ex ko sa 'kin, 'yong pagooverthink ko, pagiging soft hearted, at pagiging sensitive. Because of that? He cheated on me for 1 year and 5 months. So basically, 5 months lang talaga ang relasyon namin. Ni hindi nga niya dineny n'ong nahuli ko sila, ang galing 'di ba?

"Baby, I'm sorry..." he apologized. Kumunot ang noo ko, bakit siya nagso-sorry?

"Hmm, why?"

"Nothing. I just wanna say sorry for the pain I've caused you this year. Please do remember that I love you so much." Ngumiti ako. Akala ko ba naman kung ano na.

"Ano ka ba Kev? Hindi ba sinabi ko sa 'yo na walang dapat ika-hingi ng sorry? Nalagpasan natin lahat. Thankful ako kay December kasi walang nangyaring 'di maganda. It's our happy month, I guess," I said, chuckling.

Totoo 'yon, December lang yata ang nagbigay ng kapayapaan sa amin. Last April, he experienced depression 'cause he thought he'll lose me. On May, n'ong magaling na siya ay nagkaroon naman ako ng Covid but naagapan kaagad and I was already fine within June. Akala namin tapos na, pero n'ong June ay naghiwalay ang parents ko. Saktong nagbubuntis ang ate ko at nakunan pa siya n'ong marinig na nagsisigawan sa sala sila Mama. I was on the verge of being suicidal dahil kahit nasa iisang bahay pa rin kami ay kung sino-sino ang babae't-lalaking inuuwi nila dito.

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon