Panindigan o Pabayaan

665 25 0
                                    


"Good afternoon, everyone! So for today, we're gonna do something different." sambit ng propesor namin pagkapasok niya ng aming silid. I felt excited kasi iba naman ang gagawin namin ngayon, nakakasawa kasi na puro lesson at puro activities na lang.



Ngumiti si Sir nang malapad habang sinasabi ang gagawin namin na siyang nakapag-pakaba sa akin.


"We're gonna do a debate for today!" masaya niyang anunsyo na nagbigay sa mga kaklase ko ng sari-saring reaksyon.


"Shet, mukhang maganda 'to, ah."
"Sino kaya ang maglalaban?"
"Ano kaya topic?"


Nagtaas ng kamay ang presidente namin senyales na may itatanong siya. Pinahintulutan naman siya ni Sir kaya nagsalita na siya. "Sir, sino po ang magdedebate? At ano po ang topic?" matapos nʼon ay umupo na siya.


"Good question, Liz, so this debate is different. Kung sa iba, babae at lalaki ang magkalaban, ngayon, babae at babae ang magkalaban. I already prepared the representatives. So," he paused and called two names to go in front, ang masakit dʼon, kasama ako.


"Pennelope and Coleen, please come in front, the two of you will be the representative for this debate." nag-alangan akong tumayo dahil siya ang kalaban ko pero naisip ko, ipapanalo ko ito. Kahit ito man lang, maipanalo ko.


Tumayo kami sa harapan at rinig na rinig ang hiyawan ng mga kaklase namin.


"'Yon oh! Intense 'to for sure?"
"Nako, pʼre, Denzel, kapag 'yan nagka-personalan, lagot ka!"
"Si Pennelope manok ko! Matalino 'yan, eh!"
"Ulok, Coleen pa rin!"

"Okay class, quiet!" bumaling sa amin si Sir pagkatahimik ng buong klase. "Your topic is," bago niya ituloy ay bumaling si Sir kay Denzel at siniko naman siya ng mga katabi niya. Nang magets niya ay nag-drum roll siya sa table. Pota?


"Panindigan o pabayaan?" pagpapatuloy niya. Doon ako tuluyang hindi makagalaw. Kita ko ang pag-ngisi ni Coleen at agad na nagsalita, "Doon po ako sa "panindigan", Sir." it means, sa akin ang "pabayaan".

Huminga ako nang malalim bago magsalita, "Ikaw na ang mauna." pero bago iyon, sumingit na naman si Sir at ang sinabi niya? Para akong nawalan ng lakas sa sinabi niyang iyon.


"Oo nga pala, tungkol sa pagbubuntis ang inyong pagdedebatehan, ha?" lalo namang lumapad ang ngisi ni Coleen at bumaling kay Denzel, doon ko nakita si Denzel na namumutla na.


"Panindigan, kung balak ng isang babae at lalaki ang magtalik, dapat panindigan nila parehas ang magiging resulta, gaya ng pagbubuntis, kasi 'di ba dapat alamin muna nila 'yong magiging resulta bago nila gawin iyon?"


"Oo, alam ko 'yan, pero minsan dapat na lang pabayaan—"


"Ganiyan ka ba kawalang-puso, Pennelope? Hahayaan mo na pabayaan lang ang magiging bunga ng inyong pagtatalik ng iyong kasintahan? Ganʼon ka ba kapabaya?"


"Hindi naman sa ganʼon, ang akin lang—"


"Sa ganʼon 'yon, Pennelope, grabe, ano kaya magiging reaksyon ng anak mo kapag nalaman niyang 'di mo siya kayang panindigan? Na mas pipiliin mo na lang siyang pabayaan?"


Ibinagsak ko ang dalawang palad ko sa mesa dahil sa inis.



"Unang una sa lahat, patapusin mo muna ako, debate 'to, dalawang tao ang magpapalitan ng salita, hindi 'yong ikaw lang. Pangalawa, ang lakas naman ng loob mong insultuhin ako eh ano naman kung walang ama ang dinadala ko ngayon? At least ako, hindi ko siya papabayaan, mas mabuting pabayaan na lang ng ama ang magiging anak niya kung bobo naman siya mag-desisyon at takot humawak ng responsibilidad. Pangatlo, ang lajas ng loob mo na kunin ang "panindigan", eh ikaw nga itong pinabayaan? Labasan ba ng baho ang gusto mo? Sino kaya sa atin itong nabuntis ng dati niyang boyfriend at hindi siya pinanindigan, pagkatapos ay ipinalaglag ang sariling anak? Pang-huli, huwag mo akong pagmamalakihan ha? Kasi ako mismo ang nag-utos kay Denzel na hiwalayan ako at jowain ka dahil diyan sa mental disorder mo dahil kahit papʼano, kapatid pa rin kita sa labas!"


Hinabol ko ang aking hininga bago siya bigyan nang matalim na tingin bago ako lumabas ng silid.



Sabi ko sa 'yo, Coleen, ipapanalo ko 'to.

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon