Cupid and Psyche

2.1K 65 3
                                    





-

"Psyche! Tara sabay na tayong pumasok, nagpaalam na ako kay Tita." bungad sa akin ni Cupid pagkababa ko.

Cupid is my boy bestfriend since we're five years old. Pero iba ang tingin ng mga tao sa amin, sinasabi nila na bagay daw kami, dahil si Cupid ay para kay Psyche at si Psyche ay para kay Cupid.

"Are you crazy, Cups? Issue na naman 'to sa school. Tayo na naman ang laman ng headline sa newspaper niyan, dudumugin na naman ako ng fans club mo," sabay kaming natawa sa huling sinabi ko.

Inakbayan niya ako, at sa simpleng akbay na iyon, nakaramdam ako ng libo libong boltahe ng kuryente na dumadaloy sa katawan ko. Lagi lagi ko itong nararamdaman at alam ko sa sarili ko na may gusto ako kay Cupid.

"T-tara na, baka malate na naman ako sa first period ko." muntik na akong matuluyan sa pagka utal pero buti na lang ay tinanggal na niya ang braso niya sa balikat ko.

Pagka dating namin sa school, akma na niyang bubuksan ang pinto pero pinigilan ko siya. "C-cupid, after lunch, m-meet me at the garden. May sasabihin ako." wala nang atrasan 'to Psyche, aamin ka na mamaya kay Cupid.

~~^^~~

Nandito na ako sa garden-kung saan pinapunta ko si Cupid dahil may aamin na nga ako sa kanya.

"Psy, sorry I'm late. Btw, may sasabihin din ako, pero sige, dahil gwapo ako, ikaw muna," binatukan ko siya dahil umiral na naman ang kahanginan niya. Pero isa ito sa mga nagustuhan ko sa kanya. Hayst, malala ka na Psyche.

Pero ano kaya 'yung sasabihin niya? Di bale, aamin na ako. Malalaman ko rin naman yun.

"Cupid..." tinignan ko siya diretso sa kaniyang mga mata.

"I like you.... And I'm starting to fall in love with you. Hindi ko alam kung kailan nagsimula, pero wala eh, naramdaman ko na lang bigla. Sana hindi mo ako iwasan, sana mag bestfriend pa rin tay-" napatigil ako sa pagsasalita nang magsalita siya. At sinimulan na akong kabahan.

"Enough, Psyche. Ako naman." I hope we have the same feelings..

"I'm sorry.." hindi pa man niya natatapos ang sasabihin niya, kusa nang tumulo ang luha ko...

"I'm sorry but hindi ko kayang suklian ang nararamdaman mo. I love your sister. I'm sorry Psyche." with that, he left me, dumbfounded, crying, and full of regrets.

'Ang tanga mo Psyche, sobra. Umasa akong mahal din niya ako pero wala... He loves my sister.'

Siguro nga, hindi sa lahat ng oras, si Cupid ay para kay Psyche. Minsan, hindi natin alam, itinadhana na pala siya sa iba.

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon