My Sickness Didn't Kill Me, He Did (Part 2)

693 53 0
                                    


"Thank you po sa inyo. Bukas ulit." nginitian ko silang lahat pero biglang napako ang tingin ko kay Aaron. Heʼs walking towards me at wala na akong nagawa para umatras.

"Youʼre great. Bakit ngayon lang kita nakita dito?" napawi ang ngiti ko. Tangina, lutang pa ako e, ano gagawin kong alibi dito!?

"Uh, baka hindi lang tayo nagkakaparehas ng pagpunta dito, haha. By the way, thank you." saad ko sabay ngiti ng tipid. Pabebe muna ako, kahit kilig na kilig na ako dito, pero kanina, halos maiyak ako sa sakit na nararamdaman ko.

"Iʼm Aaron, and you are?" pft, I know who you are. Matagal na. Hayst. Kung pwede ko lang sabihin sa'yo 'yong nararamdaman ko.

He extended is hand so I reached it and shaked hands with him, "Ashley." ayoko pa sanang bitawan ang kamay niya dahil sa malambot ito pero nanginginig na talaga ang kamay ko dahil sa kaba.

"Can we walk just for a minute? Youʼre unfamiliar to me. I just, I just want to know you more by this night." natigilan ako. Alam kong narinig ni Crisel iyon kaya naman tumingin ako sa kaniya. She gave me a thumbs up and put her index finger on her wristwatch. I got it. I must come back here before 2:00 AM. I smiled at her and looked back at Aaron. "Tara? Basta kailangan kong bumalik dito bago mag alas dos." he nodded and started walking with me.

Napadpad kami sa medyo tahimik na parte ng tabing dagat.  Nakalagay ang kamay ko sa aking likod samantalang nasa magkabilang bulsa naman ang kaniya. I looked and stared at him while heʼs staring at the sea.

His perfect jawline, messy hair, pointed nose, and rosy lips. God, heʼs so handsome!

Nagulat ako nang bigla siyang lumingon kaya inalis ko ang tingin ko sa kaniya. Muntikan na ako doon.

“By the way, bakit ngayon lang yata kita nakita dito?” napawi ang masayang ngiti ko at napalitan ng mapait na ngiti. I need to lie, Iʼm sorry.

“Baka ngayon lang tayo nagpang-abot, minsan kasi iba-iba rin ang pwesto ko dito.” pagdadahilan ko. Nakita ko ang pag-tango niya na para hang nakumbinsi sa sagot ko.

“Where do you study?” damn it, Aaron, why are you asking a question that I did not experience yet?

“House. Homeschooling. You? Heesters Academy ka hindi ba? Pilot section?” napapikit ako nang marealize ko ang sinabi ko. Ghad, he didn't know that I knew him! Oo nga pala, tangina naman Ashley!

Napatingin siya sa akin ng may nagtatakang tingin. Aish. Potek.

“Paano mo nalaman?” nagaalangan akong ngumiti sa kaniya. “U-uhm, s-si Crisel kasi nakukwento ka niya saʼkin. Kaklase mo siya sa Physics.” napatango-tango ulit siya. Siguro kung kukwentuhan ko ng kagaguhan 'tong si Aaron mabilis din siyang maniniwala. In short, ang uto-uto niya pala jusmeyo!

Marami pa kaming napagusapan noʼng gabing iyon. Naging magkaibigan din kami at napagdesisyunang magbonding minsan kapag free time niya dahil may practice siya ng basketball araw-araw dahil sa parating daw na tournament kalaban ang kabilang siyudad.

Tiningnan niya ang relos niya at medyo bumusangot ang mukha niya matapos tingnan. “Bakit?” tanong ko. “Itʼs already 1:30 AM. I guess your friend there is waiting. Let's go.” tumango ako at naglakad. Mahaba ang biyas niya kaya nauuna siya sa akin. Agad niyang napansin ang pagiging mabagal ko sa paglalakad.

Napatingin siya sa akin at napailing. Lumapit siya sa akin at kinuha ang kamay ko na siyang ikinagulat ko. “O-oy teka, bakit?” napangisi siya. “Bagal mo kasi,” saad niya sabay halakhak. And trust me, that laugh is the sexiest and most adorable laugh Iʼve ever heard in my life.

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon