30 Days of Hell (own version/revised)

890 46 1
                                    

WARNING! READ AT YOUR OWN RISK! PURE FICTION, WAS INSPIRED BY 44 DAYS OF HELL. DON'T TAKE IT SERIOUSLY.






“Claire! May naghahanap saʼyo dito sa labas! Labasin mo na bago dumating ‘yong prof natin sa Physics!” sigaw ng isa kong kaklase mula sa labas ng room. Sa sinabi niyang iyon ay nakaramdam ako ng kaba. Paniguradong sila iyon.

Nagpasalamat ako sa kaniya bago tuluyang pumunta lumabas. Walang katao-tao sa hallway maliban sa tapat ng room namin dahil wala pa kaming teacher.

Wala sila sa labas ng room kaya naglakad-lakad pa ako until I saw them standing at the gate. Napahinto pa nga ako noʼng makita ko ang guwardiya na nakahandusay sa lupa at duguan. Nagpatuloy na lang ako sa paglalakad dahil hindi na dapat ako magulat pa.

Kriminal 'yong mga kinalaban ko and at the same time, sila ang pumatay sa magulang ko ng harap-harapan, bakit pa ako magugulat na makita silang may pinapatay o pinatay sa harapan ko hindi ba?

Nang tuluyan na akong makalapit sa kanila ay agad nila akong hinatak na siyang ikinagulat ko. Dinala nila ako sa labas ng eskwelahan at napadpad kami sa isang lumang bahay na malayo sa ibang bahay, in short, liblib at tago.

Apat sila. Gray, Justine, Chad and Miguel. Kung tatanungin niyo ako kung ano ang hitsura nila? Well, oo, gwapo sila, pero sa likod ng maamo nilang mga mukha, ay isang napakabahong ugali na kailanmaʼy hindi mo gugustuhing makita.

“Kung tungkol sa utang ko ang ipinunta niyo, bigyan niyo pa ako ng ilang araw. Nagmamakaawa, ako. Huwag niyo akong papatayin..” pinilit kong huwag gumaralgal ang boses ko dahil ayokong magmukhang mahina.

Ngumiti si Chad sa akin. Iyang mga ngiting iyan? Iyan ang nagpapahulog sa mga babae. Sa mga babaeng ikinakama at sa huli ay papatayin at kakainin din naman. Yes, cannibalism and killer.

“Bibigyan ka namin ng tatlompung araw para pagbayaran sa amin lahat ng nagawa mo sa amin, pati na din ang nagawa ng pamilya mo sa amin.” saad ni Chad na siyang nagbigay ng rason para ako ay magtaka at kabahan. Alam ko ang kasalanan ko sa kanila, pero hindi ko inakalang pati ang pamilya ko ay may nagawa sa kanila.

Tiningnan ko sila ng mata sa mata. “Anoʼng ibig niyong sabihin? Wala namang kasalanan ang pamilya ko sa inyo. Huwag niyo na silang idamay pa dito.” dire-diretsong sagot ko kahit na malakas na ang kabog ng dibdib ko dahil sa kaba.

Napapikit ako nang sampalin ako ni Miguel. Ramdam ko ang mabilis na pamamanhid ng kanang pisngi ko dahil sa sampal na iyon.

“Wala silang sinasabi saʼyo, huh? Then let us tell you what they did to us.” may diin niyang sabi.

Huwag mong sabihing kriminal din ang pamilya ko gaya nila?

Justine locked the door and slapped me harder than the slap that Miguel gave me. But this time, he slapped me on my left cheek. Hinawakan ko ang labi ko dahil humapdi ito at nang tanggalin ko ang daliri ko, may dugo mula doon. Tangina, ang hapdi.

Nagpalakad-lakad si Justine sa harapan ko habang nagsasalita.

“Your mother made my parents suffer because of work. Your mother is the owner of that company right? Ginawa lang naman niyang katulong at parang makina ang magulang ko sa pagtatrabaho. Ni sweldo, hindi nadagdagan. Hindi na sila nakakakain dahil 'yong perang kinikita nila mula sa inyo ay katiting lang. 3,000 pesos. Really, Claire? Magkakasya ba sa walong miyembro ng pamilya iyong ganoong halaga huh!? And because of that, they died because of working! Damn you and your family, you will pay!” galit na galit ang mga mata ni Justine habang sinasabi niya ang mga katagang iyon. Bakit hindi ko alam iyon? Wala, wala akong alam sa sinasabi nila! Pero bakit nadadamay ako rito?!

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon