Untitled Poetry

496 19 0
                                    




Limang araw magmula nang makilala kita,
Limang araw pa lamang ngunit nakaramdam kaagad ako ng kakaiba.
'Yong pakiramdam na gusto ko nasa tabi lang kita.
'Yong pakiramdam na ayaw kang mawala.

Marami akong panghuhusgang natanggap,
Karamiha'y pangungutya't agam agam,
Na ako'y natukso lamang na gustuhin ka,
Dahil gusto ka rin ng kaibigan ko na gusto mo rin pala.

Minahal kita nang palihim dahil ayokong masira kayong dalawa,
Pero hindi ko napigilan dahil alam kong sayo'y ako ay nahulog na,
Hindi ko alam kung magtatapat ba,
O mananahimik na lang para sa kapakanan ninyong dalawa.

Ngunit hindi ko na napigilan,
Nang kaibigan ko na ang nagtanong kung ano'ng aking nararamdaman,
Hindi ko na magawang maiwasan,
Dahil sinagot ko ito ng totoo na naging dahilan upang palayain ka niya dahil sa aking pagtatapat.

Lumipas ang ilang linggo,
Nararamdaman kong mahal mo na rin ako,
Pero sinasabi nilang pinapaasa mo lang daw ako,
Ngunit hindi ko pinaniwalaan dahil mas maniniwala ako sa salita't aksyon mo na paniguradong totoo.

Ngunit bigla akong nasaktan at lumuha,
Nang sabihin mong siya pa din pala,
Akala ko'y ako na,
Pero pampalipas oras lang pala.

Nagmakaawa ako't lumuha,
Para ako'y hindi mo iwanang nag-iisa,
Dahil ikaw ang lakas ko magmula umpisa,
At hindi ko alam ang maaaring mangyari kapag ika'y nawala na.

Pinilit mong magkaroon ng kahit katiting pagmamahal sa akin,
Natuwa ko dahil pinipilit mo pa rin,
Pero makalipas ang isang linggo,
Lumuha na naman ako dahil sinabi mong wala na akong mapapala sa 'yo.

Sana sinabi mo nang maaga.
Sana sinabi mo bago ako nag-umpisang mahalin ka.
Sana sinabi mo para hindi ako umasa,
Umasang mamahalin mo ako pabalik gaya ng nararamdaman mo para sa kaniya.

Pampalipas oras lang pala,
Nagmukha akong tanga—
Kakatanggol sa 'yo dahil mahal kita,
Pero iba pala ang isinisigaw ng puso mo, sinta.

Heto ako't hindi ka na guguluhin pa,
Hinding-hindi na uulit pa,
Hinding-hindi na magpapakatanga,
Dahil ngayon maririnig mo ang mga salitang,

"Malaya ka na."

One Shots AnthologyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon