"Sa ngayon hahanapan pa naming ng solusyon kung paano matugunan ang pag-aaral niyo. Ang unang opsyon pa lang na pag-uusapan namin ay ang pagsasagawa ng online class upang maipagpatuloy natin ang mga naudlot na aktibidad. Hanggang ngayon ay wala pang malinaw na desisyon kung paano natin ito ipagpapatuloy at makikipagpulong din kami sa institusyon tungkol sa kinakaharap natin ngayon. At sa ngayon kailangan niyo munang umuwi sa inyong mga karatig na probinsya para hindi abutan ng community quarantine bukas. Iyon lang ang maraming salamat. Keep safe everyone and keep on praying," sabi ng tagapagsalita sa kanyang huling salita.
Isang estudyante ang bigla na lang nahimatay sa harapan dahil na rin sa mga nangyayari. Mabuti na lang at agad siyang tinulungan ng medical team at inialis na muna saglit sa pwesto. At maliban sa kanya, lahat ng mga tao lalong-lalo na ang mga estudyante ay natataranta na. Inilabas na rin nila ang kanilang mga hinaing sa tagapagsalita nang marinig nila ang dalawang salitang pinangangambahan ko rin na marami ring umalma, ang online class.
"Online class? Paano naman kaming mula sa bukirin? Napakahina naman ng signal doon at mas malala pa'y wala kaming sapat na perang pambili ng load o kahit pambili ng gadgets?" hinaing ng isang 2nd year student na babae.
"Tama! Tapos walang mga sariling computer unit o laptop ang iba sa amin at isa na ako roon. At saka, limitado lang ang paghiram namin ng mga gadgets sa iba dahil pati sila ay gagamit din lalong-lalo na sa may trabaho online. Tapos ang iba naman ay ayaw magpahiram lalo na kung may itinatago palang rated SPG sa files nila," dagdag naman ng isang 1st year student na lalake.
Hindi ko alam kung matatawa ako o maiinis sa mga sinabi ng estudyanteng ito. Sa sinasabi niyang limitado ang paghiram ng phone o iba pang gadget dahil gagamitin din ang may-ari, doon ako nag-aalala; pero sa sinabi niyang may rated SPG files, ewan ko lang kung anong nakain nito at gustong-gusto ko siyang batukan. Napakaseryoso pa naman ng sitwasyon at nagawa pa niyang magbiro. Siguro nanonood ang tokwang ito ng mga iilang massacre files o mga mahahalay na palabas online. Hay naku! Palala na talaga nang palala ang nangyayari sa mundo.
Binatukan naman siya ng katabi niyang estudyante na sa pagkakausisa ko ay pinsan niya.
"Naku brad! Sa mga sinasabi mong 'yan parang nanonood ka rin ng ganoon ah. Expert ka pala! Hahahaha! Patay ka sa jowa mo kapag nalaman niya 'to!" pang-aasar niya sa kanyang katabi at siniko pa ito nang mahina.
"Ako lang ba? Isusumbong talaga kita kay tita niyan dahil mahilig kang manood ng mga 'yon tapos gamit pa ang phone niya. Lagot talaga kapag nalaman niya 'yon sa kanyang browser's history," sagot naman ng isa.
Hay naku! Bakit ba kasi napakatalas ng pandinig ko? Parang mas naging mas malakas pa ito kesa sa level of hearing frequency ko sa laro. Parang naweweirduhan na ako sa mga nangyayari at pumutok pa ang balitang tungkol sa pandemya na sa ngayon ay may naitala nang apat na kaso sa rehiyon. Talagang nakakabahala na 'to.
Pati sa laro, pananaliksik, pagsusulat ng nobela, at iba pang mga gawain ko sa library, lahat at magmimistulang naka-on hold dahil sa gaganaping community quarantine habang wala pa akong phone na magagamit.
Pagbaba ng tagapagsalita sa podium, napasigaw ang isang babaeng freshman gaya namin at mas lalo pang nagkagulo ang paligid. May naiiyak, natataranta, natatakot, at mas malala pa'y nahimatay.
Napayuko ako ng ulo kasabay ng pagkuyom ko sa aking kanang kamao. Mukhang maraming tao ang mahihirapan sa krisis na ito lalong-lalo na sa mga pamilyang nasa mababang antas ng pamumuhay o 'yong mga walang-wala talaga. Sa aking sitwasyon naman, ibang usapan na iyon.
It's ok to have a home quarantine just for the individual's safety. But in my case, it turns out to be a prison cell for a person who has a difficulty on trusting someone except for Aunt Tory and Lenard, my big brother who's in Japan right now. I can't stop thinking how my life becomes miserable after my mom died 10 years ago and the appearance of the monstrous octopus and squid in my own home.
"Ayos ka lang Zenrie?" pag-aalala ni Althea.
"Ayos lang ako Althea," sagot ko at nag-aalang ngumiti.
Mukhang binabawi ko na ang sinabi ko kaninang may magandang mangyayari sa araw na ito. 'Yan kasi nagsisimula ka na namang umasa sa bagay na hindi na naman mangyayari.
Maya-maya pa'y biglang tumunog ang selpon kong de pindot sa bulsa at kunuha ko ito agad. Tumambad sa munting screen ang isang text message na mula sa kung sino man ang nagpadala nito. Inakala ko tuloy na si Tita Tory ang nagtext hindi naman pala. Hindi na rin ako nag-atubili pang buksan ang nakapaloob sa message dahil sa sobrang curious.
[Magandang araw Ms. Zenrie Matsouka Hidalgo! Ikinagagalak namin sa Sirius Tech Institute na kasama ka sa isa sa mga sampung masusuwerteng estudyante na sasabak sa isang beta testing para sa "Project: Virtualrealmnet" na pinakaunang VRMMO technology sa Pilipinas. Magkita tayo sa labas ng campus mamayang alas dos ng hapon. Stay safe and God bless! ~ Prof. Yuan Leizuko.]
A smirk is drawn on my face after I read the message. Mukhang binabawi ko na ang sinabi ko kanina na may mangyayaring maganda sa araw na ito. Hindi ako makapaniwalang isa ako sa pinili ng tanyag at napakahusay na propesor at siyentipiko sa larangan ng siyensya at teknolohiya na si Prof. Yuan Leizuko para sa kakaibang proyektong ito. Unang beses kong sumali sa beta test gaya nito.
Mukhang masasaksihan ko na ang isang bagay na tanging sa mga light novel ko lang nababasa.
=========
Author's note:
Ano namang klaseng mundo ang susuongin ng ating bida sa kuwentong ito at sinu-sino naman ang iba pang estudyanteng makakasama niya para sa beta test na ito? Abangan sa susunod na kabanata. Happy reading and keep safe always!
~SymphoZenie
ESTÁS LEYENDO
Class Code: ERROR
Ciencia FicciónHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 1: The Announcement
Comenzar desde el principio
