"Oo Althea," sagot ko sa kanya, "Mukhang maraming tao ang naguguluhan sa campus ngayon. Siguro tungkol nga talaga ito sa nangyayaring pandemya."
"Sa tingin ko mukhang ganoon na nga ang tatalakayin sa sitwasyong ito," sabi naman ng isang lalakeng medyo malalim ang boses na si Emerson a.k.a. Erson.Isa rin siya sa mga nakasama ko sa laro at napakagaling din niyang gumawa ng mga taktika sa pakikipaglaban. Maliban sa paglalaro online, mahilig din siyang mag-basketball. Mapagbiro rin siya minsan at pinapagalitan pa si Ranzou sa tuwing aasarin ako na babanggitin niya ang aking pseudonym sa laro at magaling din siya sa pagbibigay ng payo.
Naka-army cut ang estilo ng kanyang buhok dahil isa rin siya sa mga officer in training sa ROTC ng university. Mas moreno rin siya kesa kay Zoiren at nasa 5'8 ang tangkad niya. Mapapa-sana all ka na lang minsan sa taas ng height niya.
"Parang ganoon na rin siguro," sabi ko.
Nakatayo na kami sa aming linya at mariing nakinig sa sinasabi ng tagapagsalita ng aming unibersidad at hindi na talaga ako magtataka kung ano iyon.
"Magandang tanghali sa inyong lahat! Kaya kami nagpatawag ng isang emergency assembly dito ay dahil sa natanggap naming memorandum na mula sa ating mahal na pangulo ng bansa at ng mayor sa siyudad na 'to. Alam niyo naman siguro ang tungkol sa F6A20 o RespiroRoachVirus pandemic na nangyayari sa buong mundo. Nakakalungkot na balita ang dumating sa atin dahil nagsimula na rin itong kumalat sa ating bansa at nasa 30 na ang kaso makalipas ang dalawang buwan nang pumutok ang balitang ito. Napagdesisyunan ng dalawa na ipasara na muna ang lahat ng establishimento sa buong bansa at kasama na roon ang mga paaralan at unibersidad."
Ano?! Paano na lang ang files na sinave ko sa library? Paano na lang ang mga updates ko sa nobela, pananaliksik at iba pa kung magsasara? Talagang mapupunta sa hiatus ang mga gawain ko pati na rin sa laro. Bad timing namang sumulpot ang virus na 'to kung kelang matatapos na ang mga gawain ko. Hays! Tapos wala pa akong phone para rito.
"RespiroRoachVirus or F6A20 it is. Ito ay isa sa mga malalang sakit na tinatamaan ang respiratory system at circulatory system. May mga sintomas itong hirap sa paghinga, migraine, mataas na lagnat, palpitation, pagbaba ng hemoglobin count, ubo at sipon na talagang nakakahawa at kapag lumala ay magiging sanhi ito ng kamatayan. Ayon sa bali-balita, nagmula raw ang virus na ito sa isang laboratoryo na kung saan inieskperimetuhan nila ang isang ipis. Aksidenteng nasira ang sisidlan nito't nakawala ang ipis at nakakagat pa ng 20 ka tao roon. Pinag-aaralan nila kung nagmula ba ito sa Tsina, Germany o sa Turkey ngunit hanggang ngayon hindi pa rin nila alam kung saang bansa ito nagsimula. Sa pagpasok ng taon ay tumambad ang 12,309 na kaso hanggang sa naging 30000 na kaso na ang lumobo sa buong mundo ngayong buwan at kasama na rito ang bansa natin. Mas malala pa ito sa partikular na computer virus," paliwanag ko.
"Sinabi mo pa," pagsang-ayon naman ni Zoiren.
"Hanggang ngayon ay pinag-aaralan pa rin ng mga eksperto sa medisina ang pwedeng lunas at pati na rin ang bakuna. Ibang klase naman ng virus na 'to nakakabahala," dagdag naman ni Emerson.
"Pero sandali lang, kung magsasara na muna ang lahat ng establishimento, paano na ang pag-aaral natin at iba pang negosyong maapektuhan nito? At paano na 'yong activity natin sa NSTP saka midterms natin?" pag-aalalang tanong ni Althea.
"Mukhang hindi na rin iyon matutuloy. Sino ba naman ang gustong gawin iyon kung nagkakaroon na ng krisis? Isang emergency health crisis?" dagdag naman ni Ranzou na nasa likuran ko na.
"At paano naman ang pag-aaral natin?"
Saktong naitanong 'yan ni Althea nang nagsalita na rin ang tagapagsalita tungkol sa susunod na hakbang upang maipagpatuloy ang edukasyon.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 1: The Announcement
Start from the beginning
