Chapter 1: The Announcement

Start from the beginning
                                        

Sumang-ayon naman si Zoiren at natawa. Mukhang nahulaan ko na naman ang bagay na tumatakbo sa isipan niya. May ugali rin kasi ako minsang bumabasa ng tao na parang libro sa pamamagitan ng pag-obserba ko sa mga kilos at sa mga mata nito. Ang mga mata kasi ang nagsisilbing bintana ng kaluluwa ng isang tao at talagang makikita mo rin dito kung ano ba talaga ang ugali niya. Ang mas malala pa'y napakatalas pa ng padinig ko at maririnig ko pa ang usapan sa malayo. May rare condition yata ako o normal lang ba 'to. Baka nasa lahi na rin namin ang maging mapag-imbestiga.

Isa pa hindi naman ako isang huwes na basta-basta na lang huhusga sa mga bagay na wala namang patunay, sadyang hindi lang ako masyadong mahilig makihalubilo sa iba maliban lang sa mga taong magaan ang loob ko.

Kagaya nang nangyari noon sa laro.

"Parang ganoon na nga. Pero sa usaping laro naman, nabalitaan mo ba ang sinasabing top rank player sa isang online game? Kung naglalaro ka n'on," tanong niya sa 'kin. Sa mga sinabi niya ay biglang tumunog ang munting beep sa isipan ko nang marinig ko ang mga sinabi niya. Naku. Heto na naman tayo sa usaping top ranked player.

"Ah... hindi eh. Pero pinag-usapan din 'yan ng mga kaklase ko. Ang iba pa naman sa kanila ay mga gamers din tapos naglalaro rin ako minsan nang tinutukoy mong laro sa computer shop kapag hindi ako naging abala sa mga gawain ko," sabi ko sa kanya.

"Kaya pala."

"Pero ano bang pangalan ng player na tinutukoy nila? Hindi kasi ako mahilig makiososyo sa rank chuchu na 'yan eh."

Nice one Zenrie. Talagang ang galing mo ring gumawa ng mga segway na 'yan ano?

Mas mabuti pang ganito muna. Saka na ako maglalahad kapag handa na ako.

"Ang pangalan ng player na iyon ay---"

Sasabihin na niya sana kung ano ang pangalang iyon nang biglang tumunog ang courtesy call siren sa mga speakers na nakapalibot sa unibersidad tanda ng may importanteng anunsyo an gaming tagapagsalita at ang president nito. May kutob akong tungkol ito sa nangyayaring emergency health crisis. Kahit de-pindot lang ang telepono ko nakakarinig pa rin ako ng balita sa radyo nito.

"ATTENTION! ATTENTION TO ALL INHABITANTS OF STRELIA AURELIS UNIVERSITY! PLEASE PROCEED TO THE SCHOOL GROUND FOR THE EMERGENCY ASSEMBLY! MAKE SURE THE LINES ARE HAVING AN ESTIMATED DISTANCE OF ONE METER. I REPEAT, THIS IS AN EMERGENCY ASSEMBLY AND PLEASE PROCEED TO THE SCHOOL GROUND NOW!"

Bakit parang may masama yata akong kutob sa anunsyong ito? Hindi ako sigurado kung tungkol ito sa sinasabing rumor tungkol sa force departure o pagpapauwi ng lahat ng hindi taga-downtown dahil sa krisis. Kung mangyayari man 'yon, talagang maraming estudyante ang mababahala pati na rin ang mga guro.

"Parang alam ko na yata kung ano 'yan. Isang force departure nang dahil sa nangyayaring krisis pangkalusugan at iyon ang paglaganap ng sinasabing RespiroRoachVirus sa mundo na sa ngayon ay dumating na sa bansa natin," sabi ni Zoiren.

"At 'yan din ang nasa isipan ko ngayon sa totoo lang," nag-aalala kong saad.

Pagkatapos naming kumain ay iniligpit namin ang aming mga pinagkainan at ipinasok ko na rin ang aking libro sa bag. Pumunta na rin kami sa loob para ilapag ang mga pinagkainan sa isang mala-cabinet na sisidlan. Agad na rin kaming nagtipon sa school ground at sinunod ang nakasaad sa anunsyo. Marami na ring mga tao ang nagtipon dito at karamihan naman ay mga estudyanteng mula 1st year hanggang 5th year at faculty at staffs ng unibersidad. Lahat sila ay nagtataka at nagugulumihan kung bakit nagkaroon ng ganitong agarang pagtitipon.

"Zenrie! Narinig mo na ba ang anunsyo kanina?" tanong ng isang babaeng papalapit sa aming kinatatayuan. Nakasalamin siya at naka-pixie cut naman ang kanyang buhok na may konting slash bangs. Hingal na hingal din siya mula sa katatakbo habang hawak niya ang kanyang kulay peach na bag na may keychain ng pana at palaso. Napagkamalan din siyang isang geek pero ang astig din niya. Siya lang din naman ang aming magaling na archer sa laro na si Althea o mas kilala rin sa pseudonym na Talia.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now