"Matagal-tagal na rin tayong hindi nakapag-usap nang ganito simula noong naging abala tayo sa 1st semester. Tapos minsan kapag nagkita tayo n'on tamang 'hi' at ngiti lang tayo tapos bumalik sa mga gawain para sa degree," sabi niya.
"Oo nga eh. Pati rin sa group chat ng ating book club hindi na tayo masyadong aktibo dahil sa mga nakatambak na gawain sa buong semester. Isama pa ang club organization duties," sabi ko sa kanya.
"Sinabi mo pa," saad niya at sumubo muna ng kanin at ulam. Baka kanina pa itong nagugutom at inuna pa ang aming chikahan. "Syanga pala, kumusta ka naman? Mukhang abala ka pa rin sa pagtambay roon sa library para magbasa at magsaliksik gamit ang computer laboratory. Nagsusuot ka na kasi ng salamin," pangungumusta niya.
Sumubo muna ako ng kanin at ulam bago ako magsalita.
"Ayos lang naman ako Zoiren gaya ng dati. Abala pa rin sa school works at org duties. Sa usaping salamin naman, nalaman kong may kinalaman ito sa nararanasan kong migraine sa labis na paggamit ko ng computer sa comlab na halos apat na oras. Naapektuhan tuloy ang mga mata ko ng radiation lalo na sa kanang parte. Sinira kasi ang dati kong anti-radiation glasses noong nasa 12th grade ako. Kaya heto, pinapasuot sa akin ang salaming ito ng doktor sa loob ng isang taon," sagot ko.
"Kaya pala," sabi niya. "'Yan din kasi ang naikwento sa akin ni Althea nitong nakaraang Sabado. Kung makagamit ka rin kasi ng computer sa comlab dinaig mo pa ang isang costumer sa computer shop."
Tinignan ko siya nang mariin na parang bubunot na ng espada o anumang armas na meron ako ngunit napatawa ako sa huli. May gana pa talagang mang-asar si Zoiren sa 'kin sa pananghalian ah. Subukan ko ngang sapakin 'to. Huwag na lang siguro baka mabalian pa siya sa lakas ng sampal ko.
Biro lang.
"Sira ka talaga Zoiren," mahinang saad kong may halong gigil sa huli. Kung minsan kapag bumabara siya ng pang-aasar, babato rin ako at talaga namang tatahimik siya. "Palibhasa kasi may phone kang magagamit sa school works mo."
"Teka nga, sa usaping phone naman, kailan ka pala bibilihan ng tita mo? Mahirap pa namang magsave ng files lalo na't wala kang magagamit na gadget. Minsan pa nga'y mabubura ang files na sinave mo sa comlab at mahirap nang ibalik 'yon. Tapos nasira pa ang flashdrive mo."
"Mga susunod na linggo pa ako bibilhan ni tita sweldo na kasi niya sa trabaho. At isa pa alam mo namang may hidwaang nagaganap sa bahay naming kaya palihim niyang ibibigay sa' kin 'yon para hindi makita ng pugita," sabi ko.
"At least malapit na 'di ba?" nakangiti niyang sabi.
"Oo nga."
Tumigil muna ako saglit para sa huling subo ng pagkain at saka uminom ng tubig. Itinabi ko na rin ang mga plato at kubyertos at inayos sa tray saka inilagay sa gilid. Para kasing nanunuyo saglit ang lalamunan ko at puro lamon lang ang ginagawa ko at pag-uusap. Kumagat na rin ako sa mansanas na dala ko at saka nagsalita ulit.
"Ikaw pala Zoiren kumusta na pala?"
"Ayos lang din gaya ng dati Zenrie. I'm closely to cram my subjects when I felt lazy last time. Pero mas pinili ko pa ring pagtuonan ang pansin ko sa pag-aaral at org gaya mo."
"At pag-la-livestream sa paborito nating manunulat kaya ka muntikang mag-cram pati paglalaro?" nakangisi kong sabi na tila nang-aasar pa.
"Parang ganoon na nga pero muntikan lang noh," sagot niya.
"Halata nga," medyo natatawa kong saad. "Mukhang madali lang sayo ang kinuha mong degree ah. Kung sa laro pa 'yan, you are cleared in level 1."
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 1: The Announcement
Start from the beginning
