Pagkatapos kong bumili ay pumunta ako sa aking paboritong gazebo sa labas ng cafeteria na malapit sa puno. Mas nakakarelax kasi sa pakiramdam kapag malapit kang umupo sa puno lalo na kung magbabasa ka.
Nailapag ko na rin ang hawak kong tray sa mesa at umupo kasabay ng paglapag ng aking itim na bag sa tabi. Hindi ko rin kinalimutang magdasal para sa pasasalamat ng mayroon ako sa araw-araw na buhay lalo na sa pagkain. Kahit sa munting bagay na natatanggap mo ay dapat pa rin tayong magpasalamat sa Panginoon kahit dumaan ka man sa mga pagsubok ng buhay. Kung hindi rin kasi dahil sa Kanya ay wala rin tayo ngayon.
Pagkatapos kong magdasal ay kinuha ko ang aking libro saka inilagay ko sa tabi pati na rin ang tumbler kong naglalaman ng tubig. Para kapag natapos ako sa pagkain ay makakapagpahinga ako saglit at pumunta na sa library para sa mga gagawin ko. Wala rin naman akong oras para maglaro sa ngayon kasi nga malapit na ang Midterms namin at kailangan ko munang ilaan ang oras na iyon sa pag-aaral ko.
"Virtual Reality World: The New Utopia? Bagong libro ba 'yan sa library?" Isang pamilyar na boses ang narinig ko mula sa aking likuran.
Lumingon ako sa aking likuran at tumambad sa akin ang isang estudyanteng matangkad at medyo payat. Mapungay ang kanyang mga mata, medyo moreno ng konti, jet-black hair with slightly parted bangs, matangos ang ilong at nakangiti pa siya. He's posture is kind a little bit feminine but he's truly manly.
"Itong libro?" Tanong ko sa kanya, "Hindi 'to mula sa library. Binigay to sa 'kin noong Tech Convention nitong nakaraang taon."
"Ang astig naman..." namamanghang sabi niya, "mind if I join you here?"
"Sure. Ayos lang sa 'kin Zoiren," sabi ko sabay ngiti.
"Salamat Zenrie," nagagalak na sabi niya. Pumwesto siya sa aking tapat at inilapag ang kanyang tray na naglalaman din ng parehong pagkaing inorder ko pero wala nga lang mansanas. May kasama pa itong orange juice nakakarton sa tabi. Inilapag na rin niya ang kanyang kulay abong bag.
"Walang anuman."
Ang estudyanteng kasama ko ay si Zoiren Pleños Alima. Isa rin siyang freshman na nagmula sa Institute of Technology and Computing Department. Talagang sumakto rin sa kanya ang napiling degree dahil mahilig din siya sa teknolohiya lalo na sa computers. Isa rin siyang gamer at mahilig sa libro at musika. Nahuli ko pa nga 'to minsan nang marinig ko siyang kumakanta ng Stitches at We Don't Talk Anymore habang mag-isa ito sa may open bench ng Arts and Sciences Department. May advantage rin ang taong 'to. At hindi lang 'yan, mahilig din siyang mag-imbestiga na parang may lahing Shinichi.
Una ko siyang nakilala sa isang book launch ng isa sa mga paborito kong manunulat sa Science Fiction at Mystery Novels na si Luna Cirea ('yan ang kanyang pen pseudonym at hanggang ngayon hindi pa rin namin alam ang tunay niyang pangalan at mukha nito) sa isang tanyag na mall sa siyudad na ito dalawang taon ang nakakaraan.
Nang mga panahong din 'yon kasi ay may sinalihan akong Literary Writer's Workshop at Sci-Tech Convention halos isang taon bago ako bigyan ng librong ito. Dumaan ako una n'on sa isang book store para bumili ng tatlong bagong dyornal para sa sinusulat kong nobela at pananaliksik tungkol sa teknolohiya lalong-lalo na sa VRMMO o Virtual Reality Massively Multiplayer Online. Bad timing nga lang nang dumating ako sa book launch ay naubusan na ako ng librong inilabas sa pangyayaring ito. Lihim naman akong na-bad trip pero ngumiti pa rin sa huli kahit nadidismaya.
Nagulat na lang ako nang inabutan niya ako ng isang libro sa likuran ko sa kabutihang palad. Dalawa kasi ang binili niya pero binigay niya sa akin ang isa. Hindi ko rin akalaing paborito niya rin pala ang manunulat na iyon at sa usaping computers kaya mula noon naging magkaibigan kami. Hindi rin ako makapaniwalang magiging schoolmate ko siya at makita ulit matapos ang dalawang taong pag-uusap din sa cyberworld. Mabait din siya at matalino sa totoo lang kahit minsan ang corny niya o savage.
ANDA SEDANG MEMBACA
Class Code: ERROR
Fiksyen SainsHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 1: The Announcement
Mula dari awal
