Chapter 1: The Announcement

Start from the beginning
                                        

Pumunta na nga kami sa aming mga pwestong upuan sa bandang harapan. Ako naman ay umuupo sa tabi ng bintana. Mas nakakarelax kasi sa aking pakiramdam ang umupo rito lalo na't matatanaw ko ang tanawin sa bintana ang buong campus. Maliban sa bughaw na kalangitan ay isama mo pa ang mga puno't halaman.

Habang pinagmamasdan ang nasa labas, nakaramdam na lang akong may humawak sa aking kanang balikat na ikinagulat ko. Agad akong napadulas sa aking kinauupuang armchair pababa sabay kuha ng mechanical pen sa akin bulsa at tinutok sa kanya nang lumingon na ako sa likod.

Nagmistula pa itong awkward nang makilala ko kaagad kung sino ang gumawa n'on. 

Isang lalaking medyo mataba at matangkad naman ng dalawang pulgada sa'kin. His hair was fixed in messily slicked back style at bumagay naman ito sa kanya. Medyo singkit at mestiso rin siya. Loko-loko rin siya minsan pero napakabait ng taong 'to at masigla lagi at isa ring napakagaling na gamer. Pero huwag niyo lang siyang subukang galitin at baka uuwi pang duguan ang mga mukha niyo.

"Mukhang mas lalong lumalakas ang senses at reflexes mo ngayon Zenrie," masayang sabi niya.

"Ganoon ka rin Rakuzou," tugon ko na parang tinatanggap ang kanyang hamon sa pakikipaglaban. Ang aga naman niyang mangulit sa 'kin ngayon.

Bigla na lang siyang umiling sa inis nang marinig niyang tinawag ko siya sa kanyang pseudonym sa laro. "Eeeeehhh?! Huwag mo kasi akong tawaging Rakuzou kapag hindi tayo online sa laro. Baka pati rin ikaw tawagin kita sa pseudonym mo at malaman nilang ikaw 'yong---"

"Binibiro lang kita Ranzou." Agad na akong sumingit sa mga sinasabi niya at baka mabuking pa ako ng ibang kaklase kong players sa larong 'yon. Malilitikan talaga sa 'kin ang tokwang 'to kung sakaling mangyari 'yon.

Natawa na lang ako nang mahina sa loob ko kahit naaasar ako sa sinabi niyang tawagin ako sa aking pseudonym sa laro. Kapag narinig o nalaman kasi nila ang pangalan ko sa laro, sigurado akong hahantingin nila akong parang usa sa gubat lalo na sa mga nakaharap ko na noon pa.

Hindi lang din sa natatalo ang iba, may iba namang gusto akog isali sa party nila pero may masama namang balak. Mas pinili ko na lang na maging isang solo player. Minsan kasama ko sila Ranzou, Emerson at Althea sa laro kapag sumaktong wala kaming ginagawa o quest sa laro. Talagang masasabi kong napakagaling din nilang gumawa ng mga taktika at pakikipagtulungan. Mas napalapit ang loob ko sa kanila at tanging sila lang ang nakakaalam ng virtual self-identity ko sa laro.

Kapwa kaming nagtatawanan hanggang sa dumating na nga si Prof. Armie dala ang laptop at libro para sa aming talakayan na tungkol sa digital self; isang sangay ng aming minor na asignaturang minsan ko ring iniwasan. Pero mabuti na lang at may paraan ako para maitago ang aking cyberworld identity bilang isang gamer. Tanging alam lang ng iba ay isa akong manunulat at mahusay pagdating sa teknolohiya at siyensya.

Sana man lang ay may magandang bagay na mangyari sa araw na 'to kahit lamunin pa ako ng portal papuntang virtual world.

======


Sumapit na nga ang pananghalian. Nagmadali akong pumunta sa cafeteria para hindi ako maabutan ng mahabang linya para makabili. Hindi naman ako "loner" gaya ng sinasabi ng iba, kung tutuosin nga ay lagi kong kasama sila Mimi sa tuwing kakain o minsan man sa gala. Siguro dahil nga sa pagtatambay ko sa library nang mag-isa dahil may mahahalaga akong ginagawa.

Pero sa mga oras na ito ay nagpaalam ako sa kanilang mauna nang kumain dahil gaya nga ng dati ay may gagawin pa ako sa library. Mga pananaliksik at pagsusulat lang naman ang gagawin ko.

Umorder ako ng sinangag at dalawang ham sa counter para kung sakaling makulangan ako sa kakainin ko lalo na't nakalimutan kong mag-almusal kanina dahil sa pagmamadali ko. Sinamahan ko na rin ito ng mansanas para sa panghimagas ko.

Class Code: ERRORWhere stories live. Discover now