Nang makarating na ako sa aming silid, napahinto muna ako saglit sa may pintuan at agad na pinihit ang hawakan ng pinto. Pagbukas ko pa lang ay ramdam ko na ang lamig ng hangin na nagmula sa aircon. Pumasok na agad ako sa loob at hindi ko na namalayang inabangan na pala ako ng isang babaeng mas mataas pa sa 'kin ng 1 pulgada, maikling buhok, morena, matangos ang ilong at mapungay na mga matang siyang nangungusap din minsan. Siya ang kababata at matalik kong kaibigang si Emmie.
"Ririiiii! Mabuti na lang at dumating ka na sa wakas! Milagro dahil napaaga ka ng 10 minuto!" masiglang pagbati nito sa 'kin ni Emmie. Agad niya akong niyakap at ginulo ang aking buhok na kanina ko pa talagang inayos habang papunta pa lang ako rito. Hays! Hindi pa rin talaga nagbabago ang babaeng ito talagang buhok ko pa ang pagtritripan niya. Ganito na siya simula pa noong bata pa kami at kahit ngayon nga ay ginagawa pa rin niya ito lalong-lalo na kapag pumapasok ako sa silid-aralan na 'to.
At oo, Riri ang ginawa niyang palayaw sa 'kin simula noong pagkabata at Mimi naman ang tawag ko sa kanya.
"Mimi naman kanina ko pa 'to inaayos habang patakbo akong pumunta rito," sabi ko. Kinuha ko kaagad ang suklay sa bag at inayos ang buhok ko. Sinama ko na rin ang aking salamin nang maramdaman kong mahuhulog na pala ito. At medyo hinihingal pa ako ng konti.
Ang makarating sa klase na mas maaga pa ng sampung minuto? Hindi na rin masama.
"Akala ko kasi mahuhuli ka na naman sa klase kaya inaabangan na kita sa pintuan," sabi ni Mimi.
"Mabuti na lang talaga at salamat sa adrenalin rush ko nang malaman kong 7:00 A.M. na nakakilos agad ako at nagmadaling pumasok."
Naaalala ko na naman nitong nakaraang Lunes na nahuli ako ng limang minuto sa klase ni Prof. Armie at mas masaklap pa'y nasira ang lock ng palda ko. Pero kinonsidera pa rin niya ako at pinapasok. She just marked me late instead of absent.
Sa usaping adrenalin rush naman, kung hindi rin dahil doon ay malamang mahuhuli talaga ako sa klase ko ulit.
"Hahahaha! Nakakahanga naman ng adrenalin rush mo Riri parang isang computer technology. Paano ba magkaroon n'on?" pabirong tanong niya.
"Tignan mo lang ang oras sa screen ng phone mo tiyak na aandar ang adrenalin rush mo. At isa pa, nasa katawan na ng tao ang adrenalin," sabi kong tila nagbibigay pa ng payo sa isang pasyente.
"Sira ka talaga minsan Riri! Hahahaha!" Agad niya akong tinapik sa batok habang tumatawa sa narinig niya. Kulang na lang talaga ay babatukan ka na talaga nang tuluyan. Nahawa na rin ako sa tawa niya pero mahina lang. Iba rin talaga ang kakulitan ng babaeng ito dinaig pa talaga si Tita Tori.
"That's proven and tested Mimi."
"Tokwa! Sa sinasabi mong 'yan para kang nagsasagawa ng clinical trial o beta test chuchu ah. Ibsan mo na kaya ang pagbabasa ng mga librong tungkol sa technology stuffs, sci-fi stories o kahit na anime."
Agad niyang inilapat ang kanyang kamay sa aking noo na parang sinusuri ka kung may lagnat ka ba o wala. Iba rin talaga ang trip ng babaeng 'to eh. "Tignan ko nga kung nilalagnat ka."
"Loka! Wala akong lagnat. At isa pa, delikado sa panahong 'to ang magkaroon ng lagnat."
Humiga ako nang malalim at tumawa saglit dahil sa kalokohan niya. Hay! Ibang klase siya.
Hindi na rin naming namalayan napahaba ng 7 minuto ang pag-uusap namin. Tatlong minuto na lang at darating na si Prof. Armie. At kanina pa kaming nakatayo rito.
"Baka pwede na tayong umupo. Alam mo namang walang gamot sa varicose 'di ba?"
"Ayt! Oo nga pala hehehehe. Buti pa pag-usapan natin 'yan mamaya." Napahimas sa batok si Mimi dahil doon at tumawa nang mahina. Napasarap yata ang usapan ah.
YOU ARE READING
Class Code: ERROR
Science FictionHighest rank #1 in Virtualworld (12-03-2020) "Project: Virtualrealmnet" - the advance technology equipment that helps every student to continue their education despite the pandemic caused by a terrible virus called RespiroRoachVirus. It's a portal t...
Chapter 1: The Announcement
Start from the beginning
