CHAPTER 7

51 10 0
                                    

ILANG minuto lang ang lumipas ay may dumating ng mga pulis. May nagreport daw kasi sa nangyari sa akin kanina na concern citizen kaya bago pa ako makatawag sa insidente may nauna ng nakapagreport, kaya may mga papunta na pala talagang mga pulis sa lugar na pinangyarihan. Medyo malapit rin kasi doon ang pulis station sa lugar.

Pinapatrack ko ang sasakyan ng mga salarin kung saan dumaan o saan nantungo. Pati na kung kanino nakapangalan ang sasakyan na ginamit.

Sumama ako sa presinto para sa incident report. Gusto ko sana na personal na sumama sa pag-iimbestiga sa nangyaring pamamaril pero trabaho na daw nila iyon at hindi ako mamaaring ma-involve sa sarili kong kaso lalo na't isa akong sibilyan. Tama naman sila kaso nangangati ang kamay ko,gusto kong makabawi sa mga hanep na yun. Alamin kong ano ba talaga ang pakay nila sa akin.

Kahit busy ako pwede naman ako maglaan ng kahit saglit na oras sa pghahanap sa mga kriminal na iyon. Hindi ko rin kaya na mag-focus ng maigi sa company kung hindi pa nareresulba ang pangyayaring ito kaya kahit pa isama ko na sa schedule ko ang pag-iimbestiga rito ay gagawin ko.

Nagtataka talaga ako kung bakit nangyari ang pamamaril. Sa pagkakatanda ko ay wala naman akong nakagalit o nakaaway sa nakaraan para pagtangkaan ng ganoon ang buhay ko. Kahit sa mga nakaka-relasyon ko ay naghihiwalay naman kami ng maayos. Walang samaan ng loob kami na maghihiwalay ng landas at minsan pa nga ay nagiging kaibigan ko pa ang iba.

Hindi naman ako snob at lalong di takaw gulo. Kaya hindi talaga ako naniniwala na ako talaga ang pakay ng namaril kanina. Baka napagkamalan lamang ako ng mga sunga na iyon.

Bago ako umalis sa presinto ay sinuhesyon ng hepe na magkaroon ako ng personal body guard para maka-segurado sa kaligtasan ko,pero tinanggihan ko dahil nga hindi ko naman kailangan ng ganoon,kayang kaya ko protektahan ang sarili ko. Ang laking tao kong ito? magkaka-body guard? ano ako disabled? hayz!

Tsaka naniniwala talaga akong mistaken identity lamang ang nangyari. Sinuwerte lamang ako sa nangyari kaya nakaligtas ako sa kanila, na pagkakamali nila dahil hindi ako titigil hanggang hindi ko sila nakikita. Kaya hindi na kailangan ang personal body guard na yan, masyadong nakakalalaki. Kaya ko naman ang aking sarili.

Palabas na ako ng presinto ng magulat sa babaing nagmamadaling pumapasok ng presinto, ang aking bagong sekretarya. Ano naman ang gagawin niya dito? Napakunot noo tuloy ako lalo na ng masilayan ko na naman ang getup niya.
Ang suot niya ngayon ay lalong nakapagpalukot sa noo ko. The usual colorful outfit ano pa ba? Nakakasilaw. Sabi ko na nga ba eh,kapag sa araw masyado siyang nangingibabaw. Hayz!

Bago pa siya makaderetso sa harapan ay hinarangan ko na siya. Mukhang aagaw eksena pa siya doon,maagapan na. Buti kung nasauso ang outfittan niya diba?

"Bakit nandito ka? I told you awhile ago that you have to settle and manage my cancelled schedule and meeting today? So why are you here? I don't even remembered telling you what really happened to me. How did you know,huh?" sunod sunod kong tanong sa isang ito. Nagulat pa nga siya sa akin lalo na ng magbunganga pa ako sa kaniya.

"Natawagan ko na po ang mga secretary ng mga stockholders natin. Ipina-move ko na po ang meeting tomorrow, same time schedule as todays. Naayos ko na po ang dapat ayosin sa mga nakahilera nyong apointment today bago ako nagpunta dito."Agad na sagot niya sa akin ng makabawi sa pangsesermon ko.

"And?"

"At may nakakita po sa nangyari sa inyo sa enter section na empleyado din sa kompaniya at nagbalita sa nangyari sa inyo. Kaya alam na sa buong company ang insidente. At nag-aalala po sa inyo ang lahat lalo na ang ama niyo kaya ako nandito."

"Alam na ni papa? Ano sabi niya? Ayos lang ba siya?" wala naman sakit sa puso ang papa kaya alam kong ayos lang siya. Gusto ko lang talaga makasiguradong nasa maayos na kalagayan pa rin siya kahit pa nagtatampo ako sa kaniya.

Ayaw na ayaw kong makarating sa mama ang nangyari sa akin dahil nga may mahinang puso ito.

"Ayos lang naman po ang inyong ama. Siya na daw po muna bahala sa company. Pinapahatid niya po kayo sakin sa bahay niyo sa cavite."

"What? Why?"salubong ang mga kilay na tanong ko.

"Doon ka daw po muna sir dahil may posibilidad na balikan ka pa ng mga nangtambang sa inyo kanina. Habang hindi pa nahahanap ang mga salarin ay maigi daw pong doon muna kayo."

"Its only a mistaken identity. My father is so paranoid about it. Even if it is true hindi pa rin magagarantiya ang safety ko doon baka mamaya madamay pa sila,Hindi ba? Hindi ko talaga ma-gets ang papa. Anyway bakit kailangang kasama ka pa pala,kabago bago mo pa lang,ah? Of all people ikaw pa talaga baka ako pa magdrive sa ating dalawa. Naghatid ka pa?huh!"

"I don't like it either sir pero yun po ay utos ng ama niyo. Wala po kayong kotse ngayon dahil nga sa nangyari. Wala po kayong gagamitin sasakyan pauwi dahil nga po pinapaayos pa, kaya ang isa sa mga comapany car ang gagamitin natin." sarkastika at seryosong tugon niya. "And you can relax  while i'm driving. By the way, I am a good driver. Lets go!" taas noo niya pa na dugtong sabay talikod sa akin. Napakayabang ng hanep. Kahit nagpuputok ang butsi ko ay sumonod naman ako sa kaniya na ewan ko ba dito sa paa ko,nagkukusa! hayz!

"Hindi ko talaga maintindihan ang papa sa mga sandaling ito." bubulong bulong at nanggigil na sabi ko sa sarili. Parang ang lahat ng nangyayari ngayon ay unfair. Badtrip!

Ang babaing ito ay maaaring maging sanhi ng maaga kong kamatayan. Dahil sa kaniya pa lang high blood na ako agad,presensya pa lang yan ah, hanep na yan talaga! Tapos kung makapagsalita pa eh akala mo naman maton. Hindi bagay sa pananamit niya ang ugali na meron siya, sa totoo lang.

Napakadami kong sentimento sa buhay pero kahit masama ang loob ay sumusunod pa rin ako sa kaniya. Minsan hindi ko rin talaga maintindihan ang aking sarili. Baliw din talaga.

Yung totoo sinong amo at empleyado dito? Ayos ah!!! Dagdag stress pa talaga ang babaing ito. Kailangan ko na talaga siyang mailayo sa akin. It's not healthy anymore,gagawa ako ng maayos na plano for it.hehe

***

My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now