CHAPTER 6

57 10 0
                                    

Alas siete pa lang ng umaga ay paalis na ako sa condo ko. Maghahanda pa ako sa meeting with the stockholders at siyempre I will make sure na ngayon na ang last day ng bagong sekretarya kong malakas ang loob dahil may malakas na kapit. Kapal diba?

Kahit isang minuto lang siyang malate sa pagpasok sa trabaho ay tatanggalin ko siya agad-agad. Walang masyadong paliwanagan,harsh na kung harsh,I don't care. Sigurado naman alam niya at naaalala niya lahat ng mga sinabi ko sa ama ko sa opisina kahapon patungkol sa consequences at patakaran ko ukol sa kaniya.

So...

Maaga pa lang ay pinapasigla na ako sa isiping pagpapalayas at pagtatanggal sa ambisyosa kong bagong sekratarya sa araw na ito. Marami na akong mga paraan na naiisip para lang mapasuko ang babae. Napangisi ako sa itinatakbo ng isip ko. Evil smile for my soon to be victory, malutong tuloy akong napatawa sa kabaliwan ko agang-aga sabay na lumabas sa memory ko ang paraan ng pananamit niya. Baka agaw atensyon pa siya mamaya sa board meeting, I felt embarrassed thinking about it now. Whatever! Hindi naman ako ang mapapahiya,siya naman,huh!

Pagkalabas ko sa elevator sa basement ay napatingin ako sa dereksyon ng sasakyang napansin ko kagabi. Paalis na rin ito kaya dumeretso na ako sa sasakyan ko na nakalocate near that car. Mukhang maaga rin ang pasok ng may-ari ng sasakyan.

Sumakay na ako sa aking sasakyan pagkatapos bigyan ng humahabol na tingin ang papalayong sasakyan sa mabagal na pagpapatakbo ng may-ari niyon palabas ng basement.

Maya-maya pa ay nasa kalsada na rin ako,nahabol ko pa ang kotse kanina. Nasa unahan ko lang ito. Ang bagal talaga magpatakbo ng driver.

Malapit na ako sa enter section at paliko na papunta sa company building ng biglang mag-stop light.

Nasa kanan bahagi ako ng kalsada at nasa gilid paliko sa kanan.  Nasa aking unahan ang kotse na galing din sa condo na mabagal magpatakbo at isang itim na kotse naman ang nasa aking kaliwa.

Habang naghihintay na mag-green light ay binuhay ko muna ang music sa sasakyan at mahinang nagpatugtog para hindi masyado nakakaboring.

Napalingon ako sa aking kaliwa ng mapansin kong binababa ang salamin ng passenger seat ng katabi kong itim na sasakyan. Pero biglaang tumunog ang  cellphone ko na ipinatong ko kanina sa dashboard. Sa gulat at pagmamadali kong abutin ang cellphone ay nahulog ang gadget sa sahig ng sasakyan at isang unregistered number ang tumatawag. Pagkaabot ko sa aking cellphone at balak ko na sanang sagotin iyon habang nakayuko pa rin ako sa ilalim ng biglaang may narinig akong nababasag na salamin. Ang wind shield ko na pala iyon sa bandang kaliwa na tumagos pa sa kabila. What the hell?

Hanggang nagsunod sunod ang pagkabasag ng wind shield ko and slowly realizing that I was the target. Pero ano ang dahilan at pinapaulanan na ako ng bala,agang-aga pa lang? Buwesit naman! Malamang gumagamit ng silencer ang bumabaril kaya wala akong naririnig na putok ng baril. Pagtama lang sa kotse at salamin ang naririnig ko. Asar!

Yumuko pa ako ng maigi habang kinakapa ang compartment sa ulohan ko, gamit ang kaliwang kamay para abotin ang tinatago kong baril doon. May lisensya iyon kaya lagi kong dala sa sasasakyan para sa mga hindi inaasahan pangyayari tulad ngayon. 

Nang makuha ang hinahanap at maikasa iyon ay humanap lang ako ng tiyempo para makabawi na rin sana sa mga baliw na iyon na gusto na akong burahin sa mundo. Kaso tumigil na sila sa pagpapaputok.

Sumilip ako ng dahan dahan dahil baka babain pa nila ako at malapitang pagbabarilin. At least makaganti man lang ako pero nakita kong sinasarado na ng salarin ang salamin ng bintana kaya hindi man lang nakita ang itsura o mukha ng baliw na iyon. Humaharurot na umalis ang itim na sasakyan dahil saktong nag-GO na ang traffic light.

Balak ko sanang sundan ang bwesit na salarin pero ang sasakyan sa aking unahan ay hindi pa rin gumagalaw. Binusinahan ko na ng tatlong beses pero hindi pa rin ito natinag. Lalo lang akong nabadtrip,kung minamalas ka nga naman. Hay naku! Bababain ko na sana ang pesting kotse ng tumunog ulit ang cellphone ko. Yung unregistered number pa rin ang tumatawag sa akin.

Nagtataka man ako sa tawag ay nagmamadali pa rin akong lumabas sa kotse habang hawak hawak ang cellphone. Sinagot ko pa nga ang tawag habang naglalakad palapit sa unahan. Isinukbit ko muna sa likod ang hawak na baril. Wala na akong pakialam kung balikan man ako ng mga taong gusto akong patayin. Basta makakatikim sa akin ang may-ari ng kotse na ito. Kumatok ako sa salamin niya pero hindi niya ako pinagbuksan o babain man lang kahit yung salamin man lang sana binaba niya para makausap ko siya.

"Hello sir Franco, si Ms. Montero po pala ito,ireremind ko lang po kayo sa early meeting natin now. Malapit na po ako sa company,kayo po?" sabi ng nasa kabilang linya. Hindi ko makakalimutan ang boses ng nakakairita pang isang ito.

"I have an emergency now, so please cancel my meeting today and move it tomorrow same with my other schedules for today. Ik--"naputol ang sinasabi ko sa sekretarya ko ng biglang umalis ang kotse na nasa tabi ko. Ako na ang napirwesyo ako pa ang nilalayasan ng wala man lang paalam,mga walang hiya.

"Damn! bumalik ka dito!" sigaw ko kahit nasa kabilang linya pa din ang kausap ko.

"Bakit po sir ano po nangyari?"tanong niya. Chismosa rin,eh no?

"Nothing serious, some crazy driver. Ikaw na bahala sa opisina, I'm going to be late." At pinatayan ko na siya ng tawag,nauumay na akong kausapin siya kahit saglit ko pa lang siyang nakakausap.

Hindi ko na tuloy alam kung sino na ang hahabolin ko sa dalawang sasakyan.

Lumingon ako sa paligid, bumabalik na ang maayos na flow ng traffic. Kaso mukhang dumadami naman ang umuosyoso na mga tao sa nangyaring pananambang sa akin. Hindi ko na lang sila pinansin at tumawag na lang sa police station para magreport sa nangyari.

What a day???? Who the hell are those people? Badtrip!!!!! Sirang-sira na talaga ang araw ko. I'm going to find them,even the owner of that mustang car. Kung hindi dahil sa kaniya nahabol ko pa sana ang mga pesting kriminal na iyon.

Should I call my parents too? Huwag na! baka kung ano pa mangyari sa Mama ko. Mahina pa naman ang puso niya. Hindi ko rin mapapayagan na lumabas ito sa mga Balita. I don't want her to worry me.

My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now