CHAPTER 28

13 3 0
                                    

"SALAMAT, ikaw na lang manghingi ng spoon mo." Sabi niya habang kinukuha ang kutsara sa kamay ko. Asar ah,ako pa ngayon ang hihingi ng kutsara? Badtrip ah.

Inagaw ko sa kaniya yung kutsara habang pasubo na siya ng ice cream.

"Hindi nga pala ako masilang tao,sige akin na lang itong spoon, ikaw na humingi ng bagong spoon." Sabay subo ng ice cream.

"Eh di salitan na lang kaya kayo? Ang gulo niyo ah, Ang ingay niyo pa hindi lang kayo tao dito. Mga mag-nobyo talaga ngayong panahon ang daming arte sa katawan.tsk!" Singit ng matandang babae sa katabing table namin habang iiling iling.

"Pasensya na po pero hindi po kami mag-nobyo." Sabi ko sa matanda,ninanamnam ang sinubong ice cream. Sarap!

"Naku! Ang hihilig pa magsipag-deny!" Wika na naman ng matanda habang umiiling.

"She's right, we're not an item po!" Sagot ng amo kong kolokoy, magaling din naman pala kahit papanu, tsk! Tuloy lang ako sa pagkuha ng ice cream. Walang paki sa mga pinagsasasabi ng matanda.

"Wala akong paki sa inyong dalawa,who you ba?" Supladang sagot ng matanda. Napatingin ako sa matanda at hindi alam ang mararamdaman sa kaniya. Iling na lang.

Samantalang  tatawa-tawa lang ang kasama ng matanda na babae na sa tingin ko ay anak nito,pero di ko sure,ah!tsk!

Aba!taray ni Lola ah,kaloka! Pakialamera na ulyanin pa,hay! Iling na lang ulit.

"Pagpasensyahan niyo na ang tita ko,makulit talaga siya." Singit naman ng kasama ni lolang pakialamera.

Tumango lang ako at ngumiti pero sa loob loob ko tineypan ko na ang bibig niya ng maraming beses para di na magawang makapagdaldal,hahaha! Biro lang. Mabait ako sa matanda. Minsan!

"We understand po." Bait baitan pa din sagot nitong kolokoy kong amo. " Pero we're not mag-nobyo po talaga." Habol pa niya.

" Opo maniwala kayo dahil hindi po ako bagay sa kaniya,sobrang ganda ko para sa isang papogi na,masungit pa. Hindi pantay, kaya hindi bagay. Malayo po, sobrang layo." Yabang yabang din kapag may time habang mabait pa amo ko,hehe!😉

"Yeah!what ever?makaluma ka naman amoy baul ng ninuno mo ang mga damit na sinusuot mo. Not totally my type."

"As if naman type din kita.ew!"

"Ew ka din."

"Ew ako? Baka pahalikin kita sa lupa at burahin ang pagmumukha mo doon."

"Baka tinatanggal kita sa trabaho mo."

"Ayos lang,ubos ko na naman ang ice cream ko,kaya pwede na kitang layasan. Huwag kang sunod ng sunod napaghahalataang crush mo ako.!"

"What the---?"

"Huwag ka na mag-talk. People are watching oh,so nakakahiya ka. Thank you for the dessert boss." Sabay kindat sa kaniya at mabilisan siyang nilayasan. Malungkot at gulat dahil sinaglit ko lang kainin yung ice cream niya. Tagal tagal niya kasi,eh!

Pero napalingon ako bigla ng makarinig ng malakas na tawa na si lolang makulit pala at ng kasama niya ang pinanggagalingan. Hay naku! Mukhang tuwang tuwa sila,ah! At sure akong sa amin sila tawang tawa. Hindi ko sure kung bakit? May nakakatawa ba akong sinabi?tsk!

Hayaan na nga.

Tumalikod na ako at iniwan ng tuluyan ang kolokoy kong amo.

Nilingon ko ang likuran ko at ng masigurong hindi siya sumunod at walang ibang tao sa paligid ay hinugot ko ang cellphone ko at tinawagan si Vodka.

"Hmm?"tipid talaga nito eh.

"Take care of him. I will go to the location first. Make sure susunod kayo."

My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now