Chapter 5

58 10 2
                                    

DAHIL ayaw ko pa na makita at makasama sa iisang lugar at bahay ang papa ay pinili ko na muna ang umuwi sa condo ko. Tsaka na ako magsasabi ng dahilan kay mama kung bakit hindi ako nakauwi ngayong gabi. Sigurado naman akong maiintndihan niya ako, palagi naman ganun siya. I guess all mother are like that. Like,magtatampo lang sa una pero mauunawaan pa din ang anak after,kahit walang paliwanag.

Anyway..

Kalalabas ko lang ng kotse ko sa basement ng condo building na tinitirhan ko ng mapansin ang pumaradang sasakyan malapit lang din sa sasakyan ko. Tinted ang salamin niyon kaya hindi makita ang tao sa loob.

"Mukhang pamilyar ang sasakyang yan,ah." mahinang bulong ko sa sarili. Saan ko na nga ba nakita iyan? Basta alam ko nakita ko na ang saksakyang iyan eh, hindi ko lang marecall kung saan at kailan. Hayaan na nga. Tumalikod na rin ako agad at tinungo ang dereksyon ng elevator.

Nakasakay na ako sa elevator ng maalala ko kung saan ko na nga nakita ang sasakyang iyon at kung sino ang nagmamay-ari. Pero napailing ako, baka kasi nagkakamali lang ako at baka kapareho lang iyon ng nakita ko kanina sa kakilala ko,imposible naman siguro iyon. Hindi ko rin pala naalala ang plate number niyon,model lang ng sasakyan ang napansin kong pagkakapareho pati na ang kulay niyon. It doesn't matter naman,bahala nga sila.

Pagdating ko sa unit ko ay naalala kong hindi pa pala ako kumakain,balak o sanang dumaan sa restaurant kaso pagod na ang katawan at isip ko sa maghapon na ito, kaya para makasurvive sa gabing ito ay napipilitan akong kumilos upang maghanap ng leaf over sa ref. Nakakita naman ako ng lasagna doon,ininit ko na lang sa microwave at kumuha ng canned beer. Pwede na iyon sa akin, hindi naman ako mapili sa pagkain kahit pa noong isang araw pa itong lasagna sa ref ko. Hindi pa naman sira tsaka nakalagay naman sa ref, bukas na lang ako babawi ng kain dahil pagod na talaga ako sa buong maghapon ngayong araw kaya pahinga na ang gusto ng katawan ko. Sana bukas mawala na sa paningin ko ang babaing iyon. Hindi talaga ako natutuwa sa presensya niyang taglay, nakakawalanggana.

MATUTULOG na sana ako ng tumunog pa ang cellphone ko. Si Franklin Morales ang tumatawag. Huminga muna ako ng malalalim bago sinagot ang tawag ng ama ng boss kong kolokoy na may topak. 

"Good evening sir,"bungad ko na may malumanay na boses.

"Good evening din sayo, hija. Kumusta ang unang araw ng trabaho kasama ang anak ko, Ms. Montero? Pinahirapan ka ba niya?" sagot naman niya sa akin na may magaang tono ng boses.

"Ayos naman po sir,madali lang naman po ang mga pinagawang trabaho sa akin ni Sir Franco. Hindi man lang ako pinag-pawisan." mayabang kong sagot na nakangisi pa,na akala mo naman ay nakikita ako ng matanda. Baliw eh,noh?

"Ganun b? Alam kong galit sa akin ang aking anak sa biglaan kong desisyong pagpapalit ng kaniyang sekretarya kaya malamang ibunton niya iyon sa iyo. Kaya ngayon pa lang ay nagpapasalamat na ako. Konting tiis lang sa anak ko hija,alam ko naman kahit hindi mo sabihin na pinahirapan ka niya maghapon," mahabang sabi ng matandang Morales.

Ang ngisi ko ay nauwi sa ngiwi. Kilalang-kilala niya nga ang sarili niya anak. Bakit kaya hindi nagmana sa kausap ko ang antipatiko kong among hilaw at masungit? Di sana ayahay ang buhay,tsk!

"Naku! ayos lang po iyon sir, kayang kaya ko naman po ang trabahong pinapagawa niya beside parte naman po iyon ng trabaho ko kaya nararapat lang po iyon,wag po kayo mag-alala sir. Ako po bahala sa anak niyo." sasakalin ko na lang po kapag napuno na ako sa kagaspangan ng ugali niya. Pwede ko kayang isuggest minsan dito kay Mr. Franklin na pa-isang kutos lang ako sa anak niya? Ang bait,eh ginigigil ako. Idugtong ko kaya ang mga naiisip kong sabihin kay Mr. Franklin, payagan kaya ako?haha echos lang.

"Okay,iyon lang naman hija. Bueno pasensya ka na sa pang iistorbo ko sa oras ng pahinga mo. Good night Ms. Montero,mag-ingat ka lagi." paalam na agad niya sa akin,nakaramdam ata na magpapaalam na akong makutosan ang anak niya. haha! echos lang ulit!

"Sige po sir, maraming salamat po. Kayo din po, salamat sa pagtawag. Good night din po sa inyo." sabi ko sabay pindot na ng end button. Kahit bwesit ako sa anak niya nakakatuwang isipin na malayo ang personality nila sa isa't isa. Ang swerte
ng Franco Morales na magkaroon ng isang ama na kagaya ni sir Franklin. Ang soft side ng matandang boss ko (Franklin Morales) ay nakalaan lamang para sa anak niyang sutil.

Kung hindi mo kilala ang matandang Morales ay iisipin mong istrikto siya sa kabila ng mabait na bukas ng mukha niya, seryoso kasi siya tumingin at very professional ang aurahan pero ang totoo ay napakabait, gentleman at walang halong negative personality. Walang halong kaplastikan sa katawan at kayabangan, ewan ko ba kung bakit iyong anak ay wala man lang namana sa ama.tsk!

Kahit hindi sabihin ni Mr. Franklin kaya siya tumawag ay dahil nag-aalala siya sa anak niya at hindi ko siya masisisi doon. Ama siya kaya ginagawa lang niya ang nararapat na alam niyang tama para sa nag-iisang anak. I guess ,all parents can make decisions without hesitation just to make sure their children's own good and safety.

Anyway,speaking of him, Mr. Kolokoy na Masungit, Franco Morales ay kailangan ko ng matulog dahil maaga pa kami bukas. Pagtitiisan ko muna siya sa ngayon, wala pa naman akong ibang choice,eh. It's my job after all.

Well, goodluck sa akin tomorrow. Kaya kailangan ko ng magrecharge ng lakas ngayon. Dahil sigurado akong maghahasik na naman ng lagim ang boss kong hilaw na galit sa mundo. Ay! hindi pala! sa akin lang pala at malamang pati sa ama niya. Kung pwede ko lang sanang sabihin ang situation ay sinabi ko na, kaso..hmmm Basta!

Ayos lang naman sa akin. Handa akong salohin ang lahat ng galit ni Boss Kolokoy Sungit, kasi wala din naman akong balak na maging mabait sa kaniya for now. Ano ako nasa telenovela? Nagpapaapi? No way! wala sa character ko yan,mukha lang naman akong kawawa,eh pero ang totoo ako ang nangkakawawa. hehe

Makahiga na nga!

Sinulyapan ko muna ang nakabukas na laptop ko na nasa bedside table. Nang masigurong ayos naman ang lahat. Kaunting observe observe pa, nagtext lang saglit bago natulog.

Sa wakas. Sarap pumikit ng mata.

***

My Unexpected SecretaryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz