CHAPTER 30

24 4 0
                                    

"MARAMI tayong naiwang trabaho sa office so Sir Franklin took care of it. You never contacted them pa rin so I did tell them not to worry so much. But don't worry I didn't tell them where we are right now." Bungad agad sa akin ni Ms. Montero after niyang makakain ng sangkatutak na kanin at ulam pagkagising niya kanina. Her monster tummy is back,huh!

Magsasalita sana ako pero nagpatuloy siya sa mga litaniya niya.

"Sad news din pala the culprit is dead. Nagsuicide siya."

"What?" Gulat kong sambit.

"Yes,sir! According to the police, he took advantage of the situation when one of the policemen had to do some work  near him that time. So,he grabbed the gun in the policemen's waist holder,pointed it into his head and pulled the trigger without any hesitations. He's dead on the spot."

"The authorities didn't get any information about his boss. But they're looking for another possibility. As of now your father advises you to stay here while the situation is not settled,the mastermind is still out there so we have to be careful. Who knows the criminal is just in your vicinity? Kakilala mo,kaibigan, employee or part of your family. Isipin mong maigi kung sino ba ang nakabangga mo in the past that really hated you this much,na sa galit na iyon ay ginusto ka niyang burahin sa mundo."

Litaniya is over but someone pops up in my mind when she says who may be behind all of this.

"Hindi ba ikaw?"Sabi ko sa kaniya seryoso.

"You have to be thankful na hindi ako iyon dahil kong ako iyon,matagal ka na sigurong nakabaon,tsk!"taas kilay na sagot ng sekretarya kong baliw sabay talikod.

"Magmula ng dumating ka sa buhay ko naging magulo na ito." Sabi ko na totoo naman. "So,kung hindi ikaw ang may gawa ng lahat ng ito,sino ka sa buhay ko? Secret body guard?" Biglang tigil siya sa paglalakad palayo sa akin pero hindi lumingon.

"You're smart huh! I-reserve mo yan baka kailanganin mo in the near future. Tsk!" Paalis na ulit siya.

"We're living in the same condo,right? Sa iyo iyong kotse na lagi kong nakikita sa unahan ko,the same car na nasa unahan ko noong may tumambang sa akin sa high way the other day. Tinawagan mo pa ako noon nasaktong mapansin kong pababa ang wind shield ng katabi kong kotseng itim na sa pagkagulat ko ay nahulog ang cellphone sa baba ng paahan ko kaya pinulot ko bago pa ako paulanan ng bala ng bwesit na kriminal na iyon. Kung iisipin ko lang ay isa lamang iyon aksidente pero ang totoo yun ang nagligtas sa akin sa pamamaril. Kung hindi ako nakayoko agad patay na ako noon pa lang." Sabi ko pa.

Matagal na talagang bumabagabag sa akin ang araw na iyon kaya lahat ng side story ay sinort out ko,pinagdugtong-dugtong at iyon talaga ang lumalabas sa sarili kong pagiimbestiga.

Ang mabilis na pagpunta niya sa  Police station. Ang mga dahilan Niya. Ang mga kilos niya magmula nang matambangan ako,pati na ang pagbuntot sa amin ng isang itim na sasakyan pauwi sa Cavite. Noong may pumasok sa kwarto ko mismo. Sa biglaan palit Ng mga gwardiya sa bahay. Ang pagbuntot buntot niya sa akin kahit bwesit na bwesit na siya sa ugali ko. Lahat iyon nagsasabing kung wala siya sa tabi ko matagal na akong napahamak.

"You really have a very wide imagination sir. Thank you! Ang astig ko sa imahenasyon mo. Pero sorry hindi kita isasave noh,ibigay pa kita sa kanila eh! Or ako na tatapos sayo ngayon,gusto mo ba? Thankful na sana akong niligtas mo ako sa dagat eh,buti na lang nakabuntot ka sa akin noon. Crush mo talaga ako eh! No? Kaso binabawi ko na.tseeeh!" Mahabang litaniya niya na naman habang nakatingin na sa akin at asar talo na naman. Wala na yung seryoso niyang mukha kanina. Nanlilisik na mga mata na lang.

Mali ba ako sa mga hinala ko or may iba pang dahilan? Aamin ba siya? Tsk! Bahala nga siya sa buhay Niya. Hay naku!

"Huwag kang assumera Miss Montero,hindi ka na mga maganda old fashion ka pa. Hindi kita magugustuhan,ever!tsk!"

My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now