CHAPTER 27

33 4 1
                                    

"Pahiram ng cp mo bilis." Kahit nagugulohan si Ranz ay mabilis pa din niyang hinugot ang cellphone niya sa bulsa niya at inabot sa akin. Mabilis kong dinial ang contact ko at minissed call. Syempre yung tempo sim ko lang iyon sa tempo persona ko ngayon. "Ayan tawagan na lang kita kapag may time na ako sa dinner na alok mo." Mabilis kong sabi sa kaniya at binalik ang cp sa kaniya. Biglang sumaya ulit ang mukha nito na kanina ng sinabi kung may kasama ako at hindi kami makakakain ngayon at next time na lang ay bigla na lang nawala ang sigla nito.

"Alright, kahit nasaan man ako niyan basta tinawagan mo ako,pupunta ako agad agad." Masigla na sabi niya. Parang bata,eh!

"Ano ka superhero?" Pang-aasar ko. Tumawa na naman siya ng malakas. Tuwang tuwa talaga 'to sa akin. Hindi naman ako nagjoke. Tsk! tsk! tsk!

"Malay mo naman." Tawa na naman siya. Sana all masaya.

Natigil siya ng tawa ng mapansin na may lalaki nang nakatayo sa likod ko na hindi ko na kailangang lingunin dahil pabango pa lang niya kilala ko na.

"Hi,may kailangan ka ba?" Tanong niya sa lalaki sa likod ko hindi pa rin nagbabago ang masayang tuno ng boses ni Ranz. Ang jolly niya talaga,kung pwede lang mahawa,hay!

"Yes,I'm fetching Miss Montero. We are going to have our dinner meeting." Serious voice answered. Katakot naman ang tuno.

"Ah yeah nabanggit niya nga,kaya hindi kami tuloy ngayon sa dinner date namin,may next time pa naman daw,enjoy your meeting anyway." Sabi niya na nakangiti pa din pero parang may halong sarkasmo? Haist!Napanganga ako sa sinagot niya, siningkitan ko siya ng mata. Napakadaldal naman talaga ng kokoloy na ito eh,ipapahamak pa sarili niya eh!

Tumawa lang ako ng peki.

"Haha,mapagbiro ka talaga Ranz,"Ngayon naman minulagatan ko siya ng mata bago nagpatuloy at bumaling sa boss ko na lalo atang umuusok ang ilong. "Pasensya na boss napachika lang ako,papunta na sana ako sa table niyo kanina. Siya nga pala si Randy Loreña,Ranz boss ko si Fran---"

Bakit ang hilig nilang putulin ang sinasabi ko, kanina pa ito ah,napipikon na ako. This time naman hindi na si Ranz, si boss na hanep naman,hanep na yan,haist!

"---Cis, Francis Cortes, nice to meet you." Ano daw?may pachange name na din siya. Pamisterious effect din ah. "Halika ka na dito  Ms. Montero we have a lot of things to catch up with." Sabay hawak sa wrist ko at hinila na ako sa dereksyon ng table niya kanina. Nagpapaumanhin na lang akong tumingin kay Ranz sa kabastosan nitong boss kong hanep. Hay naku!

Ano bang arte nitong boss ko ngayon? Kumaway na lang din ako kay Ranz ng kawayan niya ako at nag-thumb up pa siya na baka ibig sabihin ay ayos lang sa kaniya, ang inakto ng kolokoy kong boss,at ganun din ako sa kaniya. Ngumiti din ako to make sure na ayos lang din sa akin ang  paghila nitong boss kong kolokoy na hanep at huwag niya akong alalahanin dahil baka isang balibag ko lang dito sa boss ko eh bali na agad mga buto nito. Hindi ako nagyayabang, nagkukwento lang,hehe.

Nakangiti pa din ako sa dereksyon ni Ranz nang bitiwan ako ni boss kolokoy na hanep sa wrist ko kaya napalingon ako sa kaniya.

Kaso muntikan na akong mapasigaw sa gulat. Tsk! Oo mapasigaw talaga. Kasi naman yung mukha nitong kaharap ko nakakatakot. Nanlilisik ang mga mata,nanlalaki ang butas ng ilong pero bakit ganun pogi pa din siya,unfair ah.

Bakit ba siya nagagalit? Grabe naman siya magalit, isang oras at kalahati ko lang naman siyang pinag-antay dito sa Resto Corazon plus 10 mins pa pala kasi napachika pa ako kay Ranz na feeling close agad sa akin kaya tuloy mas naantala pa ang pagtungo ko sa kaniya.

"Pasensya na boss kolo-- este boss Franco gumawa pa kasi ako ng report kay sir Franklin kanina kaya medyo natagalan ako. Pero don't worry I didn't tell him where exactly are we right now kasi even me I don't know din eh." Pag-amin ko in my professional secretary tone and act. Maging serious dapat para madaan pa sa magalang na usapan. Pero hanggang doon na lang ang aaminin ko sa kaniya,hindi ko na pwede sabihin lahat.

My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now