CHAPTER 10

53 10 0
                                    

Pabalik na kami sa cavite pagkatapos namin kumain sa jolibee. Masarap naman pala doon,nagustuhan ko ang chicken nila. Tama nga ang sinasabi sa commercial na langhap sarap ang chicken. At syempre pa, mukha naman gustong gusto iyon ng sekretarya ko dahil naubos niya na nga ang lahat ng inorder niya na nasa table kanina ay ang malupet, nagtake out pa. Hanep buti na lang mura lang sa fastfood kumain kaya kahit sangkatutak siyang kumain di masakit sa bulsa ay di ako ang nagbayad,hmp!

Pero heto busog na nga siya at lahat seryoso pa din siyang nagmamaneho. Hindi pa din ako pinapansin,kahit sulyapan hindi man lang niya ginawa. Bumalik na naman siya sa pagiging mapagmatiyag na parang may bigla na lang magpapakita at tatambangan kami at papaulanan na naman ng bala. Ewan ko ba,bumalik na naman tuloy ang tinatago kong kaba. Magmula ng binabagtas na namin ang Aguinaldo highway mas lalo siyang naging alerto. Nag-iiba talaga ang asta niya at personality niya kapag ganyan siya. May iba talaga, the way she moves,she stares,and even her hand gestures.

Basta,may nagsasabi sa loob ko na hindi lang siya isang normal na nilalang na pumasok sa buhay ko. Na hindi naman talaga siya unexpected secretary ko na.....basta! Masakit sa ulo mag-isip, TH lang ako. Magsasabi naman ang papa ko kung ano ba talaga siya sa buhay ko, siguro?

Anyway malapit na pala kami sa bahay namin,hindi ko napansin dahil sa kakaisip at kaka-kausap sa sarili ko.

"I think nauna pa sa atin makakauwi si papa, sa tagal ba naman natin na nasa kalsada,eh."kwento ko, hindi naman ako nag-aantay ng sagot galing sa kaniya because im sure no reply at no signal ang katabi ko. May pagkacold pa naman ang isang ito kapag ganito ang mood niya. Kaya nagulat ako ng sumagot siya.

"Malamang" sarkastika niya ngang sagot,tsk! Sana hindi na lang siya sumagot.

Maya maya pa ay tumunog ang cellphone ko. Tumatawag si papa,baka hinahanap na ako, kami. Nawala kasi sa isip kong magtext or tumawag man lang sa kanila at magsabing nagtotour kami nitong bago kong sekretarya. I don't want to  worry them about what happened this afternoon. Kung bakit kami nalate na sa pagdating ng uwi. Ayoko din mastress si Mama baka atakehin pa siya sa puso because of those incidences. The hell with those people messing up my supposed to be a great day.

"Hello Papa?"sagot ko sa tawag.

"Saan na kayo nagpunta ni Ms. Montero? Gabi na,wala pa rin kayo dito. Hindi ka man lang nag-a-update sa amin. Buti pa si Ms.
Montero nag-update sa akin kanina noong kumain kayo sa fast food. Eh ikw hindi mo man lang naalala. Nauna pa ako sa inyong makarating dito sa bahay. Saan pa ba kayo kumain at hanngang ngayon nasa byahe pa din kayo?"sunod sunod na tanong ni Papa? Halata sa boses niya ang pagaalala at iritasyon, sorry naman po.

"Malapit na po kami ni Ms. Montero, mamaya ko na po ikukwento, i'm sorry po sa sobrang pagiisip ko nakalimutan ko na kayong iupdate."mahinahon kong sagot sa Papa.

"Alright,mag-iingat kayo okay?"napabuntong hininga na lang nitong sagot sa kaniya at pinatay na ang tawag.

Isa pa yan sa ikinagagalit ko dito sa babaing ito. Magmula ng dumating ito sa buhay namin lagi na lang akong nasisermonan. Laging ito na lang ang bida sa Papa. Siya na lang lagi ang tama at ako ang lagi ang mali. Mas pinagkakatiwalaan niya pa ito sa akin ngayon,hayz!

Kung hindi lang talaga nangyari sa akin ang nangyari kaninang umaga malamang natuloy ang mga plano ko to kick her ass off my office. Heto tuloy kami nauumay na sa isa't isa dahil sa maghapon na magkasama sa masakit sa puwet na byahe na ito. Buti na ang talaga malapit na kami sa bahay. My body is craving for a shower and I want to lay down in my bed too, badly! hayz!

Natatanaw ko na ang bahay namin na napapalibutan ng mga puno. Iba ibang mga puno iyon, halos lahat ay mga prutas kaya ang ganda tingnan lalo na kapag may mga bunga.

Nagtataka pa din ako kung paano agad nakita ito ng sekretarya ko. Ni hindi man lang siya nagdalawang isip sa daan na pinapatungohan namin. Wala naman siyang kodego or sketch tulad ng sinabi niya sa akin kanina na bigay daw ni Papa. Dinadagdagan na naman nito ang mga tanong ko sa isip ko na hindi ko na nga masagot sagot. Dahil kapag tinanong ko pa siya tungkol sa mga naiisip ko tungkol sa kaniya ay baka mapagkamalan pa akong baliw nito,tsk.

Kailangan ko ng makapag-isip at makagawa ng bagong plano para matanggal na ito. Ayaw ko na talagang maging sekretarya ito. Nanggigil ako sa bawat sandali na nakakasama ko siya. At may natatakot naman sa ibang parte ng katawan ko dito. Hindi ko alam at maipaliwanag kung ano iyon. Basta!

PAPASOK na ang kotsing minamaneho ko sa bakuran ng mga Morales sakay ang amo kong hanep. Hanep na yan. Napagod ako sa pagmamaneho hindi man lang nagkusang palitan ako,bwesit. Boss na boss ang peg ng loko eh sarap hampasin ng pinto ng kotse. Nagugutom na naman tuloy ako,tsk!

Pababa na ito ng sasakyan pagkahimpil na pagkahimpil ko pa lang ng kotse sa parking space ng bahay nila. Nagmadali din akong umibis ng kotse at inunahan siyang makalabas. Sinimplehan ko ng ikot ng tingin ang paligid,wala naman akong ibang napansin na kakaiba. The place is clear kaya binalik ko na ang tingin ko sa boss kong nakasimangot buong biyahe. As if naman talaga gustong gusto ko siyang makasama. Kung pwede ko nga lang ihulog na sa bangin eh,ginawa ko na,tsk. Kaso malalagot ako nito kay boss na tunay kapag nagkaroon ito ng galos na gawa ko pa mismo, napangisi ako, nangangati ang kamay ko sa isiping iyon. Tiis tiis lang muna.

Pumasok na kami sa bahay nila. Este sa mansion pala. Makapagkwento sa bahay nila itong isang ito akala mo isang ordinaryong bahay lang ang bahay nila, mansyon naman pala. At least hindi mayabang ang hanep na boss kong ito pagdating sa yaman nila.hmmmm.. may good side din naman pala.

Baka sa akin lang siya nagyayabang ng kayabangan niya hahaha,sarkasrika akong tumawa sa isip ko. Nabaliw na din ako,tsk!

***

My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now