CHAPTER 25

26 6 3
                                    

NAGMAMASID lang ako sa mga nangyayari sa dalawang ito. At sa tingin ko mukhang hindi mapapanindigan ni Wine ang mga binitiwan niyang salita sa akin noon. NEVER,ah!tsk!

The story is starting to be exciting. Lets see and wait for the twist and turn of it. Don't worry Wine I will always be here. I will be your back up,no matter what.

She's a friend,a companion, and like a sister to me pero secret lang yun,hindi ko yun sinasabi sa kaniya kasi sa totoo lang ayaw niyang magkaroon talaga ng kahit na anong emotional attachment kahit sa kanino man sa aming mga elite member dahil na din siguro sa mga pinagdaanan niya sa buhay. Hindi man niya sabihin alam kong importante na sa kaniya ang aming samahan. Actually ganun naman kami lahat sa isa't isa, sekreto nga lang din. Baka kasi malaman ng mga kalaban namin iyon for sure gagamitin nila sa amin yun dahil itinuturing na isa sa mga  weakness yun,na sa totoo lang,yun talaga ang weaknesses namin dahil wala na naman kami pare-parehong mga kaniya-kaniyang pamilya kundi ang isa't isa na lang. We grow up together, live together,trained together,cried together, learned together and ate together. Lahat ng together nagawa na namin like siblings. Pero may nangyari noon na hindi inaasahan sa grupo namin kaya isa sa mga tinuro sa amin ni master ay kailangan itapon at itago ang mga nararamdaman namin kung ayaw namin may malagas na naman at mawala sa grupo.

Our team is the best, but to be the best,we make sacrifices that we must risk.

Sad to say but yeah! Ganun talaga ang buhay namin.

Watching Wine in her situation right now is making her live like a normal life,like a normal person na ayaw namin mangyari pero lihim na pinapangarap noong mga bata pa kami. Paano nga ba umiwas sa isang situasyon na ayaw mong mangyari kung ang tadhana na mismo ang nagdadala sayo doon? Like  Wine to be exact.

But anyway,nasa kaniya na iyon kung iiwasan niya iyon or sasalubungin. Kahit ano man ang mangyari ay susuportahan ko siya sa path na tatahakin niya.

For now,hahayaan ko na muna siya na maranasan ang mga nararanasan niya ngayon. Dedicated siya sa trabaho kaya I'm sure hindi niya pa napapansin ang mga napapansin kong pagbabago sa kaniya or alam niya na kaso idini-deny niya pa.

a/n:

Hindi po aq naglalagay ng POV ng character ko kc nilalagay ko naman at malinaw naman kung kaninong POV ang scene na iyon, ngayon lang po para di kau malito sa next scene. thank you po.

OTHER PERSONS POV

"WHAT THE f--king hell? Bakit walang nakapansin na wala na sa mansion nila si Franco Morales?Mga inutil talaga kayo at mga tanga!!!!!". Dumadagondong ang galit na galit kong sigaw sa mga tauhan kong mga walang kwenta.

"Maaga po ata siyang umalis sa mansion boss. Nakaidlip lang naman po ako saglit pagmulat ko po ng mata wala na po yung sasakyan niya sa garahe nila. Kasama po ata ulit yung bago niyang sekretarya ayon sa kasambahay na natanongan namin. Sobrang higpit na ng security sa kanilang mansion. Buti nasaktuhan na may lumabas na kasambahay na mukhang bobita kaya yun kaunting uto lang napagtanungan na namin." Paliwanag ni Ondoy sa nanginginig na boses dahil sa nerbyos. Tulo-tulo na din ang pawis niya sa mukha pero nagpatuloy pa din ito sa kaniyang report. " Ayon pa sa kasambahay ay mag-aalas cinco daw ng madaling araw sila  bumiyahe kanina. Hindi naman daw nasabi sa mga magulang kung saan sila pupunta."

"Kung hindi sana kayo patulog-tulog at tatanga tanga kanina eh di sana nasundan niyo at sa daan pa lang nabura niyo na si Morales sa Mundo!!! Eh kung kayo kaya ang burahin ko sa mundo ngayon na, para naman mabawasan na ang mga bobo sa mundo?" Sigaw ko sa mukha ni Ondoy.

"Wag po boss,bigyan niyo pa kami ng isa pa na pagkakataon,hahanapin po namin Morales at patayin,dadalhin namin sayo ang ulo niya,pangako."

"Siguradohin mo lang dahil kapag kayo pumalpak pa? Bumubungad pa lang kayo diyan sa gate papaulanan ko na kayo agad ng bala."

"Opo!opo! Opo boss,Hindi na kami papalpak sa susunod."

"Talagang huli na ito Ondoy dahil sobrang dami niyo nang palpak. Una sa ambush na hindi man lang ata nagalusan ang demonyong Morales na iyon,pangalawa nawala sa mata niyo noong binubuntotan niyo siya pauwi sa Cavite, pangatlo nahuli si Stan ng pumasok siya sa kwarto ni Morales ng mag-isa, hindi niyo man lang sinamahan,masyado kayong tiwala sa kaniya na kaya ni Stan iyon mag-isa,mga p---ng Ina niyong mga bobo kayo! Ano nangyari?Nahuli siya at malala ang lagay sa hospital na napapalibutan ng mga pulis,kung hindi ba naman talaga kayo isang malaking grupo ng mga tanga! Tapos Ngayon naman nakawala na naman siya sa mata niyo!!!! Mga wala kayong kwenta. Sayang lang ibinabayad ko sa inyong bobo kayo. Ipatapos niyo na si Stan sa hospital bago pa kumanta iyon. Hanapin niyo sa bawat sulok ng pilipinas kung saan nagpunta ang demonyong si Morales. Kapag pumalpak pa ulit kayo,ako na mismo ang tatapos sa mga buhay niyo."

"Boss hindi ba kayo nagtataka kung bakit kami laging pumapalpak sa mga plano natin?Yung ambush sa kaniya pwedeng swerte lang siya noon pero hindi naman niya kayang bugbogin ng ganoon si Stan, pinakamatinik sa lahat ng assassin for hire siya samantalang walang aral sa self defense man lang si Morales. Tsaka nung binubuntotan namin sila ng bago niyang sekretarya pauwi ng Cavite yung babae ang nagmamaneho,kaskasera pala iyon,hindi halata sa itsura kaya nawala bigla sa paningin namin."

"So ano gusto mong Sabihin?" Bigla akong na-curious sa sinasabi niya.

"Na baka mali ang mga binigay na information sa atin tungkol sa mga personal background ni Morales,na matinik naman pala siya pagdating sa mga ganitong pagkakataon,na may lihim na training siya."

"Bobo mo? Yung informant natin personal na kakilala at malapit sa kaniya kaya malamang sa malamang totoo lahat ng iyon,bobo nito!drugs pa!" Sigaw ko na naman Kay Ondoy,lakas kasi makabubo ng imagination nito eh,kaasar! "Umalis na nga kayo at Gawin Ang mga pinapagawa ko sa inyo. Bawas bawasan niyo sana mga katangahan niyo ah." Kung may sakit lang ako sa puso baka matagal na akong patay sa konsumesyon sa mga ito.

"Yes boss! Alis na po kami,boss"

"Unahin niyo na yung kay Stan. Mahirap na,mamaya maunahan pa tayo ng mga pulis."

"Masusunod boss!" Nagmamadali na umalis ang grupo ni Ondoy na lumabas sa lugar na iyon. Sana naman wala na gawing kapalpakan ang mga tangang iyon. Sana.

Krinngggg! Krinngggg!

May tumatawag sa akin. Nang makita ko kung sino ay ako naman ang kinabahan pero sinagot ko pa din Ang tawag.

"Boss?"

"Your people are all worthless!" Bungad kaagad sa kaniya ng kausap sa kabilang linya. "You should dispatch them long ago." Alam niya na kasi ang nangyaring pagkawala sa paningin na naman namin ni Franco Morales dahil itinext ko na sa kaniya kanina,kaya heto umuusok na Ang ilong sa galit. Mas malala pa sa akin.huh

"Ginagawan na nila ng paraan boss,huwag ka mag-alala,tataposin ko din sila pagkatapos nila sa mga pinapatrabaho ko."

"Fix it or else ikaw ang unahin ko. Better search malapit sa mga resort or beach,mahilig siya sa nature kapag stress. And one more thing,taposin mo na din his new secretary I have this very bad feeling about her."sabay patay ng tawag.

Pinatay agad? Hindi pa nga nasasabi ng bakit isasama na sa ililigpit yung secretary. His boss is totally insane.

Poor little secretary.

My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now