CHAPTER 18

22 7 0
                                    

"Where were you when the incident happened a while ago?"

"Huh?"

"I said, where are you when someone is intruded to my room?"ulit ko.

"Malamang sa kwarto ko"bulong niya pero narinig ko pa din. Tigas mukha!

"What?"iritadong tanong ko.

"Ah,Did someone intruded to your room?"patay malisya niyang tanong,"I didn't know boss,what happened? Are you alright? Anong ginawa sayo boss? Sinaktan ka ba? Saan ang masakit sayo? Buti na lang wala ako doon kung hindi lagot sa akin yun." sunod sunod na tanong niya na may kasamang yabang sa dulo,huh! Nawala tuloy ang naisip ko kaninang paghihinala,napalitan ng gigil at bwesit. Haist! Talaga naman,kainis nalilito na tuloy ako sa taong ito.

"I am okay now! As if naman may magagawa yang mga kayabangan mo kung nanduroon ka nga,huh!"

"Talaga lang ah?"tanong niya pa ayaw maniwala. Lumapit pa sa akin at ininspeksyon ang bawat parte ng katawan ko. Pero nakataas ang kilay na nakatingin sa akin.

"Ano ba? Sabing ayos na ako,eh! Hindi naman ako nasaktan ng intruder,muntik pa lang, buti nga may dumating kanina na isa pa at ipinagta---"

"Ano? Dalawa pala intruder mo? Oh my,buti walang ginawa sayong masama ang mga iyon,bakit nga ba kasi may mga nagtatangka sa buhay mo? o may gustong manakit sayo? or gustong burahin ka sa mundo? Umamin ka boss,hindi talaga intruder yun noh? Kilala mo sila no??" sunod sunod na naman siya sa tanong sa akin,naririndi na ako. Nadidistract pa ako sa lapit ng mukha niya sa akin. Shit! Why? Bwesit!

Bakit kanina nung ako mismo ang lumapit sa kaniya para tripan siya..este itest siya kung maaakit man lang sa akin,tsk!Hindi ako nailang or something pero bakit siya ngayon ang nasa harap ko naiilang ako,shit! Hindi ko alam!!! Hindi ko alam kung ano talaga ang nangyari kung bakit ko ginawa iyon kanina,shit! Ang malanding pagkatao ko ang dahilan niyon wala nang iba,erase!erase!erase! Ayaw ko nang alalahanin.

Haisssst!

Katawan ko ang nagkusa sa ikinilos ko kanina ng hindi ko namamalayan, kaya nung pasimpleng lumayo siya sa akin ay lihim ako na naasar sa iginawi niya na parang nangdiri siya sa akin. Kaya lalo pa akong nabuwesit sa kaniya at nagtaka sa sarili,kung bakit ko naramdaman ang bagay na iyon. Dahil doon ay biglang naisip ko ang tanong na iyon. Pangtakip sa sarili kong nararamdaman.

Bakit nga ba hindi niya naramdaman ang mga kumosyon kanina sa kwarto ko?Eh ang ingay ingay ng mga tauhan ko kanina,tsk!

Kung sa bagay napagod naman talaga kami sa byahe namin kahapon,sino ba naman kasi nagsabi sa kaniyang may humahabol samin? Siya lang naman ang nag-assume niyon,pinagod niya lang sarili niya,pero kahit ako ay inaamin ko din na napagod din ako kahapon sa biyahe. Ang layo ba naman ng narating namin,huh!

Pero hindi iyon sapat na dahilan niya. May something talaga itong babaing ito eh,nararamdman ko.

Tsaka isa pa.....

Masyadong OA sa concern ang isang ito ngayon. Masyadong hindi kapanipaniwala.

"Hindi ko sila kilala okay! At lalong lalo nang wala akong atraso sa kahit kanino man. Kaya huwag mo akong pag-isipan ng ganiyan,ikaw itong missing in action ako pa binalingan mo,ako pa kinuwestyon mo? Ikaw itong akala ko eh umuwi na,pero heto ka sa harap ko concern concernan,huwag ako! Hindi mo ako maguguyo.!"

"Alam mo ang dami mong alam eh di ikaw na,butit!eh di hindi concern dami pang arte,di huwag!bahala ka sa buhay mo! Sumama ka na sa ambulansya,parating na sila. Nang manahimik na buhay ko,tsk!." Bubulong bulong pa din na sabi niya pero rinig ko pa din habang pabalik na siya sa pwesto niya kanina. Maya maya pa narinig ko na nga ang tunog ng sirena ng ambulansya at ng police mobile kung hindi ako nagkakamali. Nakatingin pa din ako sa kaniya na ngayon ay itinuloy pa rin ang naudlot na pagkain niya pero salubong ang mga kilay at masama makatingin sa pagkain,tsk!

"Lumabas ka na,uubusin ko lang ito."dagdag niya pa,kung umasta talaga ito eh akala niya bahay niya ito eh,butit!

"Paano mo nalaman na ambulance ang parating? Pwede naman na police mobile yun."

"Hanep na yan akala ko matalino,my,my,my!"

"Ano nga? Paano mo nga nalaman? Sabi na----"

"Tumingin ka sa tsinelas mo!"nakataas pa din ang kilay na putol niya sa sinasabi ko. Dahan dahan naman na bumaba ang paningin ko sa paahan ko. May mantiya ng dugo ang pangbahay kung tsinelas. Malamang natapakan ko ng hindi sinasadya yung dugo ng salarin kanina na nakakalat sa sahig sa akin kwarto....So?

"Oh,ano naman?" nalilito kong tanong.

"Klase yan! Malamang duguan ka kaya magpapagamot ka,eh sabi mo naman nga ay okay ka naman kaya malamang yung bisita mo ang duguan."

"Sinong bisita? Wala akong bisitang duguan!"mahinang sigaw ko sa kaniya pero natigilan din ako nang ma-gets ko na kung sino ang tinutukoy nito,butit!

"Psh,malamang yung nanloob sa kwarto mo. Alangan namang ako ang duguan dito,letse!"mahina din na sigaw niya dahil siguro naisip niya din na baka marinig na naman kami ng mga magulang kong nag-aaway,baka masermonan na naman kami,tsk!

Palapit naman ng palapit ang naririnig kong tunog ng sirena. Pati ako malapit na din maubusan ng pasyensya sa babaing nasa harap ko,grrrrrrrr! Baka pati talaga ako maubusan ng dugo,haist!

Kaya para matapos na itong pakikipagtalo dito sa babaeng ito na ayaw din lang naman magpatalo oh,eh,di siya na,butit! Bahay ko naman ito pero bakit magmula ng umapak siya dito na hindi pa naman nagbebente kwatro oras na naandito eh feeling ko naging unfair na ang lahat sa akin? Asar!!

"Hindi pa tayo tapos,magtutuos pa tayo."banta ko sa kaniya bago ko siya tinalikuran.

"Sige lang boss,."sagot naman niya na nilingon ko pa din pero nakayuko pa din sa kinakain, mayabang na matakaw pa,tsk!

Hindi ko na siya pinansin at iniwanan ko na lang siya ng matalim na tingin kahit hindi niya nakikita.

Dumeretso na ako sa harap ng bahay dahil balak kong salubongin ang mga paparating.

May araw ka din sa akin woman! Hindi ang isang tulad mo lang ang makakapagpatiklop sa isang Franco Emmanuel Morales. Itaga mo yan sa bato.

My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now