CHAPTER 29

13 3 0
                                    

NANDITO na kami sa Cotmon. Same place,same house,same ng napag-usapang safe house for the subject,and same owner na lolang pakialamera.

Coincidence, no?

No! It's not really a coincidence because it is already planned by the boss. Astig ni boss, ano? Wala man lang painformed,at ang bwesit na Vodka alam naman pala,hindi man lang sinabi agad, makapang-asar lang. May mga evil plan pa naman ako just to take the kolokoy here, tsk!

Pasalamat siya naligtas siya sa pagpaplano kong dalhin na lang siya dito habang tulog siya,kapag natutulog pa naman siya laging naka-boxer lang. hehe! Tapos magugulat na lang siyang nasa ibang lugar na siya,ewan ko na lang kung hindi siya magkandaugaga,haha. Mabawasan man lang ang kayabangan sa katawan😁.

Anyway hindi naman natuloy kaya erase na lang the evil plans.

Pero solute ako kay Lola pakialamera,such a very good actress. Ang galing niyang gumawa ng eksena just to get our attention. malakas din ang well power niya to convince this kolokoy the subject slash tupakin slash masama ugali slash magulo kausap pero matalas ang utak,ayaw paisa. At higit sa lahat mayabang na magulo pa! Madalas din akong gutomin ng walang hiya!huh! Ano kaya ang hukos pukos ang sinabi ni lolang pakialamera para mapapayag itong amo kong kolokoy na magbakasyon dito.

Sa tingin ko kasi may ibang bagay pa na nakapagpapayag at nakapagpa-uto dito kay Morales eh, hay naku! ayoko na ngang alamin, parang bigla akong kinabahan eh,hayzzz! hayaan na lang! Hayaan na lang!

Ang name nga pala ni lolang pakialamera ay Luzviminda,Neneng for short. Cute name niya,no?haha!

Maganda ang two story guest house nila lola Neneng, Malaking bahay ito pero simpleng simple lang ang istraktora. Gawa sa cemento ang ibabang bahagi ng bahay,samantalang made of woods naman ang second floor.

Open ang mga bintana ng balkonahe sa second floor na kung saan naroroon ang hagdanan kaya bago ka makapasok sa pinto ng second floor ay talagang mapipreskuhan ka muna. Mas malalaki ang mga bintana sa taas kompara sa ibaba na jalousie style samantalang sa taas ay malalaking bintana na kapag binuksan mo ay kasyang-kasya ka talaga. Pwede ka pang tumambay habang nakaupo. Tipikal na bahay sa country side. So mahangin,parang si Morales lang,tsk!

Dalawa ang kwarto sa ibaba na inookopahan ni lola Neneng ang isa at ang isang mas maliit na room ay gamit naman ng dalawang kasambahay nila. Sa itaas naman ang room ni aleng Melba na pamangkin ni lola Neneng na kasama niya sa resort kahapon na tumatawa ng walang dahilan,tsk! Parang mga sira,diba? Wala naman nakakatawa kagabi,tawa sila ng tawa. Sila na ang masaya,tsk!

Nandito nga pala ako  ngayon sa balconahe nakaupo sa bintanang malaki at nakatanaw sa kolokoy na busy magkape sa baba,kasama ang matandang pakialamera este si Lola Neneng pala at aleng Melba.

Maaga sila nagkape kasi kakarating lang namin talaga ngayon kaya bago magpahinga nag-almusal muna sila. Wala pa akong gana kumain at uminom ng kung ano dahil nagoobserba pa ako sa paligid at sa mga tao. Kahit naman nasa surveillance na ni Vodka ang lugar,I have to make it sure pa din na totally safe ang place at mga magiging kasama namin. Na feeling ko ay mga agent din ng agency. Big time naman ang mga bantay ni kolokoy,matatanda na. hehe! Buti na lang ako maganda lang. HAHA! echos!

Ngayong tapos na akong mag-survey ay pinag-iisipan ko kong anong uunahin ko,kung matulog na or kumain muna. Matulog na kasi wala akong tulog sa buong 8 hours na biyahe namin papunta dito dahil ako ang nagdrive ng sasakyan ng walang hiya. Sinusundan lang namin ang sasakyan ni Lola Neneng dahil ayoko ko din maiwan ang sasakyan sa resort. Mamaya niyan yan pa maging dahilan para matrace kami agad ng mga kalaban ni Morales.

Kaso,ang lakas makapag-aya ng kolokoy na Morales papunta dito yun naman pala ako ang papadriben ng sasakyan. Napakabait naman talaga diba? Kaya ngayong madami naman siyang bantay ay hindi muna ako maglalalapit sa kaniya at baka masakal ko na siyang tuloyan. Badtrip! pagod na pagod na ako,pati gana ko sa pagkain nasasapawan ng antok at pagod.

Tama! i'm going to take a nap muna para bumalik na ang sigla ng stomach ko.   

PAG-TINGIN ko sa taas ng balconahe kung saan nakaupo si Ms. Montero kanina ay papasok na siya sa pintuan ng second floor. Baka magpapahinga na dahil napagod sa pagdadrive papunta dito. Balak ko sana siyang palitan sa pagmamaneho kagabi kaso bigla akong nakatulog at hindi ko namalayang napahaba ang tulog ko dahil na din siguro sa kakabantay ko kay sa kaniya maghapon kahapon dahil sa pagkalunod niya. Hindi ako mapakali kaya todo bantay ako sa cottage niya kung kelan siya lalabas or kung gutom na ba siya. Hay! Hindi ko alam kung bakit ko ba pinagod ang sarili ko kahapon,kahit ata umidlip hindi ko nagawa kakatitig lang sa cottage niya. Hay!

Kaya hayun nagising ako kung kelan malapit na kami dito sa guest house kaya heto na naman pi kami aso't pusa na naman. Badtrip na naman sa akin si baliw akala niya sinadya ko siyang magdrive mag-isa papunta dito. Humingi na nga ako ng sorry hindi niya pa din ako pinapansin,tsk! Arte kala mo naman maporma,manang naman ang itsura. Mukha nga silang magkaka-edad nitong sila Lola Neneng eh,haha! joke! Baka lalong umusok ang ilong niya kapag nalaman niya ang pinagsasabi ko sa utak.

"Oh hijo,mukhang magpapahinga ata ang jowa mo, kaya maaari ka na din magpahinga. Alam mo naman na ang room mo kanina kaya ikaw na lang magkusa pumunta doon at hindi ko na kayang pumanhik panaog sa hagdanan,okay!" narinig kong mahabang litanya ni Lola.

"HIndi nga po kami magjowa Lola,kayo talaga,eh Pero pwede po bang pahatiran niyo ng pagkain si May mamaya? Gutomin po kasi yun eh, baka mabaliw na naman kapag hindi nakakain agad."

"Ang sweet mo talaga sa kaniya,ano?"

"haha!hindi naman po,nakakatakot lang po talagang gutomin ang babaing iyon. Ayoko lang pong maulit ulit iyon."

"Sure hijo! Don't worry ako na bahala, magpahinga na kayo,okay!"

"Maraming salamat po."

"Walang anoman,hijo! oh siya ika'y umadya na sa itaas."

"Pero Lola hindi pa naman po talaga ako naaantok,nakatulog po kasi ako sa biyahe kaya nga po ini-snob na naman ako ng babaing yun,eh! Akala niya po sinadya ko siyang tulogan sa biyahe at hindi palitan sa pagmamaneho."

Tumawa na naman ng malakas si Lola Neneng.

"Ah,ganun ba?eh di maligo na lang kayo sa ilog mamayang pagkagising niya sa ilog para mawala badtrip niya sayo, antayin mo na lang siyang magising at makakain para hindi kamo ulit mabaliw,haha" Tawa na naman ng tawa si Lola,hay naku!

"Sige po, maraming salamat po. Pati na po sa pag-invite sa amin dito."

"Wala iyon hijo. Maliit na bagay."

Ngumiti ako kay Lola Neneng at Aling Melba na busy sa pag-inom ng kape at pagbabasa ng news paper kaya hindi nakikisali sa usapan namin ni Lola pero nakangiti din siyang tumango sa akin bago ako tumalikod.

Masaya ako sa naisip na idea ni Lola para mabawasan ang init ng ulo ng babaing baliw.

Kaso baka malunod na naman siya? Baka hindi naman siguro. Kaso  pumayag kaya siyang sumama sa akin sa ilog mamaya?

That is the biggest question,right? hayz! Mukhang sablay pa ata suggestion ni Lola,ah!tsk!

***

A/N:

Hello again,sana magustohan niyo ang update,thank you sa pagbabasa. Love yah all😘

My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now