CHAPTER 14

41 10 0
                                    

Nakatayo lang ako ng matagal sa labas ng kwarto ko habang nag-iisip at pinapalakas ang loob ko sa pagbibigay ng first aid sa trespasser na patuloy pa din ang pagdurugo ang mga sugat sa mga paa at kamay. Oo,ako nga ang magbibigay ng first aid dito,pero ayoko! pero sige na nga!ayoko!cge na nga!haisst!kainis! Nababaliw na ako sa pakikipagtalo sa isip. Hay naku!

Importanteng mabuhay ang isang iyon para sa mga impormasyong kakailanganin ko sa kaniya.

Hindi ako titigil na alamain kung sino ang may kagagawan sa mga pagtatangka sa aking buhay. Dahil kahit anong isip ko ay wala talaga akong maalala na inaggrabiyado ko sa mga nakalipas na panahon.

Sumasakit na ang ulo ko kakaisip. Pati doon sa taga pagligtas kong ewan kong maniniwala ako sa kaniyang sinasabing napadaan lang siya. Pero talagang nagpapasalamat ako sa kaniyang ginawa. Ngunit hindi pa din ako magiging kampante,hindi natin alam baka kalaban din siya na nagpapanggap lang na tagapagligtas ko. Hindi siya nagpakilala at nagpakita ng mukha. Ang boses niya naman ay halatang pinapalagom lang para hindi makilala ang kaniyang totoong boses,at pamilyar talaga iyon sa akin pati na ang kaniyang postura at mata. Hindi ko lang talaga matandaan kung saan ko iyon nakita.hayz!

Hindi ko napansin na nakasandal na ako sa kabilang pintuan,yung kaharap ng kwarto ko na dapat ay kwarto ng babaeng iyon. Isa pa ang taong iyon sa mga suspicious,eh! Magmula ng dumating siya,ay nangyari na ang mga ito sa akin. Masama talaga ang kutob ko sa babaing iyon eh. May balat ata sa puwet kaya magmula ng magkakilala kami ay nagkanda malas malas ako. Hay naku!

Dagdag pa ang mga guards dito sa bahay. Mga duwag,hay naku talaga! Mga walang hiya! Kahit nung pinapatalian ko ang mga kamay at paa ng salarin ay nagsipagtanggi din ang mga walang hiya. Pagtatanggalin ko na lang sila lahat mamayang umaga. Mga walang kwenta,mga hindi man lang maasahan,naku naku naman talaga. Kesyo daw di na makakalaban pa iyon dahil sa mga natamong tama ng baril. Mga dalihang walang kwenta,tsk! Kaya hayun,ang lalaking iyon ay walang tali at wala din first aid,hindi ako magtataka kung mamatay na siya ng wala pa akong nalilikom na impormasyon. Buraot kasi,eh!hay naku! Papalitan ko na talaga sila! Nanggigil akong talaga.

Paalis na sana ako sa kinasasandalan ko ng biglang may nagbukas ng pinto. Sa sobrang pagkabigla ko, tuloy tuloy na akong natangay ng pinto paloob ng kwarto at nasalampak sa sahig ang kawawa kong puwet,nauntog pa ako,talo ko pa nabogbog ah! buhay nga naman buset! buset! buset! Masakit! Lagot ka sa akin buset ka! Sa dami mo na pweding bangasan ako pa talaga,asarrr!

"Ano ginagawa mo sa labas ng room ko Mr. Morales?"malamig na tanong ng taong nagsadlak sa posisyon kong ito sa sahig. Ang buset na secretary ko, ang masaklap hinakbangan pa ako,para lang makalabas siya ng pinto. Hindi man lang ako inantay na makatayo?hanep na 'to! Akala ko ba umuwi na ito?huh!?

"Akala ko ba umuwi ka na? Ang galing mo din naman noh? makaganti ka pa ang agang aga,samantalang may kasalanan ka pa din sa akin? Kapal din naman ng apog mo noh? Bakit nandito ka pa natulog? Bakit hindi ka umuwi? May hidden agenda ka noh?" sunod sunod na tanong ko sa kaniya habang nakahandusay pa din ako sa sahig,nahihirapan ako tumayo. Masakit eh,huhu. Pero hindi ko pinahalata ang nararamdaman ko sa kaharap kong malaki ang atraso sa akin. Ang sakit din ng sampal niya kagabi,ano akala niya nakalimutan ko na?tsk! no!no!no!

"Nasa bag susi ko. Nasa iyo iyon diba? Kinalat mo yung laman ng bag ko diba? Sino mas may kasalanan sa bawat isa sa atin? Sinong manyak na gusto pa na mananching? Agenda agenda ka dyan eh ikaw naman talaga ang may hidden agenda sa akin,kapal ng mukha mo po SIR!" may diin sa dulong saad niya habang matalim na nakatingin sa akin. Siguro kung may laser ang mata niya tulad kay cyclops ng x-men ay natusta na ako. Matalim din akong tumingin dito,akala niya, siya lang galit, ah!

"May dahilan ako kaya ko iyon nagawa. Wala akong kabalak balak sa iyo. Makita pa lang kita nandidiri na ako. Hello! Do you think magnanasa ako sa katawan na iyan at mukha?" napalunok ako nang sabihin ko iyon dahil bigla kong napasadahan ng tingin ang kabuoan niya. Hindi na ito nakasuot ng panglola niyang outfit. Nakapajama na siya na fitted kaya halata ang hubog ng katawan niya. Hindi din nakatali ang buhok niya,nakalugay lang iyon pero nakasuot pa din itong eye glasses niyang makapal,tsk! Hindi man lang ako naattract ni konti,huh! Baduy pa din siya.

"Talaga lang ah?"sarkastikang wika niya at tinalikuran ako.Hanep feeling naman talaga nito ah.

"Talagang talaga!Huh!Alam mo naman pala na nasa bag mo iyong susi ng kotse bakit hindi mo pa kinuha?"

"Dahil binigay ko na sa iyo ang bag ko remember? Sa iyo na iyon regalo ko sa pasko!" she answered coldly without looking back.

"Ano naman gagawin ko sa bag mong pangit?"wala sa sariling tanong ko sa kaniya habang naglalakad pa din siya palayo sa akin,pababa marahil siya,tsk!

"Eh di sunogin mo or else ibenta mo,its prada kaya baka mabenta mo pa ng malaki,ibigay ko sa mga bata sa bangketa ng may nagawa ka man lang na kabutihan sa mundo!."sagot padin nito habang naglalakad pa din ng deretso,nakarating na ito sa may hagdan. Hindi ko pa din mapigilang tumingin sa likod niya,ew! Ano daw prada bag niya? At ibenta ko?yung bag niya?ano akala niya sa akin poor?

"FYI hindi ko kailangan donasyon mo!" sigaw ko sa kaniya,gigil mo ako ah. Tinaas niya lang ang kamay niya dahil nasa baba na siyang bahagi ng hagdan,asar! Attitude ah. Gigil ko siyang sinundan. Pagkababa ko sa sala ay nakita ko sina mama at papa na nakatingin sa akin. Hindi ko maintindihan ang mga titig nila. Hay naku.

"Hijo,bakit ba hindi kayo magkasundo  ni May? Lagi mo na lang siyang sinisita at inaaway." wika ni papa.

"Tama ang iyong papa anak, bakit nagiging bad ka pagdating kay May? Mabait naman siya ah? At hijo,i don't like how you treated her last night. Hindi kita pinalaking ganiyan. Gusto sana kitang iconfront kagabi sa ginawa mo kay May pero pinakiusapan niya kaming huwag na lang,baka lalo ka pang magalit sa kaniya. She's so nice talaga unlike the others " mahaba naman na wika ni mama,pero seryosong nakatingin sa akin. Wala doon sa sala ang babaing dahilan kaya ako may sermon ngayon,qi aga aga,huhu wala pa ngang araw eh.

"Mama kasalan niya naman po,pumasok siya sa kwarto ko ng basta basta."

"Hindi niya daw iyon sinasadya at sinabi niya iyon sa iyo. Hindi mo siya pinapakingggan. Hindi ka pa nakontento sa pagkalat ng mga gamit niya gusto mo pa siyang---"pinutol ko na sasabihin ni mama.

"Mama,look i'm sorry. Iyon talaga ang unang pumasok sa isip ko,akala ko she took something. I'm just being cautious and honest."

"Meron nga ba?"si mama ulit.

"Nothing."maikling sagot ko,napayoko ako at kamot ulo. Kailangang magbait baitan,mahirap na magmaldito sa harap ng nanay ko baka madagdagan ang masasakit ko sa katawan.

"You have to say your apology." si papa.

"I'm sorry mama,papa."hingi ko sa kanila ng tawad.

"Hijo not to us. Kay Ms. Montero syempre." mama said.

"Alright,mama,papa. Where did she go?" tanong ko.

"She's at the kitchen,getting her cold water."sagot ni mama ulit.

"After mong magsorry sa bisita natin ay pag-usapan naman natin yang pagtatangka sa buhay mo."seryoso pa din na saad ni mama sa akin. Tumango na lang ako sa kaniya at tinungo ang babaing kinaiinisan ko sa buong universe. Lagot ka sa akin,ah

Pabida ka masyado,ah pati side ng parents ko inaagaw mo sa akin.







***

My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now