CHAPTER 11

39 10 0
                                    

A/N:

Hello guys, eveningzzzzz may good news ako,😂🤣 magsisipag na ako sa pag-update ng kwentong ito,may balak kasi akong gagawing bago.

May ibubungyag naman ako na sekreto. Nagsusulat ako kapag tulog na mga anak ko at asawa ko,at kapag off ko sa work kaya naman hanap hanap tiyempo lang ako sa pagsusulat😁.  Kaya pwede nyo na akong tawaging masipag ngayon😂✌.

Anyway heto na po.

CHAPTER 11


PAGBUNGAD pa lang namin sa kanilang pintuan ay sinalubong na kami agad ng Mama ni kolokoy. Inakap niya agad ang anak niya na parang ang liit liit pa nito. Ni-nose to nose niya pa ang anak niya na animo'y baby pa talaga ito, Mama's boy pala 'to,eh nahalata ata ni kolokoy na nakatingin ako kaya biglang namula ang mukha na parang pahiyang pahiya. Tsk! imposible!makapal mukha nito eh.

"Bakit ba ginabi na kayo ng uwi?"tanong ng Mama ni kolokoy na magiliw na nakatingin sa anak.

"Ahmmm"c kolokoy, di alam kung paano sasagoting sa Mama niya.

Ang dami ko palang tawag kay kolokoy,pansin ko lang. Depende kasi  yung sa mood ko at sa attitude niya.Hehe

Nang walang mahagilap na isasagot ang boss kong hanep sa Mama niya ay gumawi sa akin ang paningin niya. Nagpapasaklulo. Tinaasan ko lang siya ng kilay, at pinahiwatig na siya na bahala magpaliwanag. Total naman ayaw niyang sabihin sa mga magulang niya lalong lalo na sa Mama niya ang mga nangyari sa buhay niya sa loob ng buong araw lang na ito, kaya siya na maggawa ng kwento,tsk. Kaya tinaliman niya ako ng mata pero nagkibit-balikat na lang ako sa kaniya at nilibot ang mata sa kabuoan ng kanilang mansyon.

Maganda ang kanilang tahanan. Classy at masasalamin talaga ang karangyaan ng nagmamay-ari nito. Modern style with Spanish touch,basta hindi niya madescribe ng maigi. Tinatamad ako,hehe. Basta kagaya lang ito sa mga mansyon na nakikita niyo sa mga palabas pero mas maganda itong bahay ni boss hanep kesa doon. Mas malaki at mas sosyal,mas marami din na gamit na makikita na talagang nakaka-wow. Lahat mamahalin,sana all diba? Na amaze lalo ako ng makita ko ang kanilang grand staircase,bongga ang lawak,parang daanan ng hari at reyna. Wow!

"We just visited an old friend from Batangas earlier Mama. Napahaba ang kwentuhan kaya hindi ko napansin ang oras. Nakakamiss kasi ang kaibigan ko na iyon eh" napalingon ako sa mag-inang nag-uusap. Nakita kong napipilitang ngumiti si boss hanep sa nanay niya. Pinipigilan ko lang na matawa sa itsura niya.At para asarin pa siya dahil ngayon lang ako makakabawi ay nagthumbs up ako sa kaniya na ibig sabihin magaling ang ginawa niyang alibi,kapanipaniwala sabay ngisi. Pero hindi niya na ako tiningnan. Asar na naman siya sa akin sigurado but sorry wapakels ang lola mo.

"Ah,ganun ba anak sa Batangas pa pala kayo galing? Kaya pala parang pagod na pagod ka hijo". Ani pa ng Mama niya na kinaikot ng mata ko. Pagod daw? Saan? Sa kakabunganga siguro malamang,hiyang hiya naman  ako sa kaniya.

Nagulat ako ng biglang ibaling ng ginang ang tingin niya sa akin.

"Oh, you are his new secretary right?"tanong ng ginang sakin na may ngiti sa labi. Kumislap pa ang mata nito na parang may ibang naiisip na nakakatuwa. Tumikhim muna ako bago ako sumagot.

"Yes ma'am, my name is May." nakangiti ko naman na tugon dito.

"Nice to meet you May."

"Ako din po ma'am" maikli kong sagot.

"I prepared dinner for us, lets go to the dining area.  And May hija, feel at home, alright. I know you guys are hungry so lets move,my husband surely waiting for the two of you."

Giniya na kami ng ginang papuntang hapag-kainan nila. Ang hanep ko naman na amo ay matatalim pa din ang mata kapag nagagawi sa akin ang paningin niya. Tsk,hindi ko siya pinansin mas may paki ako sa pagkain,tsk.

Second later,we all busy eating. Tahimik lang akong kumakain while they having conversations about business. Napalingon ako ng lihim sa Mama ni kolokoy. Napakaganda nito,actually kamukhang kamukha niya itong anak niyang feelingero. Mestisa ito,halatang may lahing banyaga. Ganun din si Franklin Morales na sa edad niya ngayon ay nananatili pa din na makisig. Makikita ang pagmamahal sa mata nito sa kaniyang asawa at anak. What a wonderful view.

After we eat dinner.

"Dito ka na matulog hija. Gabi na para bumiyahe ka pa pabalik sa Manila."Frankin said.

"Ayos lang po ako, kaya ko pa naman po magmaneho pauwi, sir." nakayuko kong saad dito.

"Tama ang asawa ko hija. Delikado na rin bumiyahe sa ganitong oras lalo pa na isa kang babae."segunda naman ni Fina sa asawa.

"Pero---"sasagot pa sana ako ng aking pagtanggi ng inagaw ni boss hanep ang sana ay sasabihin ko, tsk!

"Alam kong napagod ka sa biyahe natin. Kaya tama sila Mama at Papa na dito ka na matulog. Marami kaming available guest room."seryosong sabi ni kolokoy pero hindi man lang nakatingin sa akin,mukhang labag pa sa loob niya ang sabihin iyon. Ayos na rin sana ang sinabi niya sa umpisa kaso nagyabang pa talaga sa dulo,hmp! Kaya nagbago na rin ang isip ko dahil sa attitude niya.

"Sige po,kayo ang bahala."nakangiting sagot ko sa mag-asawa. Nang lingunin ko naman si boss hanep ay hindi ito makapaniwala. Akala niya ata ipagpipilitan ko pa rin ang pag-umuwi,ano siya bali? Pagkatapos niya akong pagodin sa pagmamaneho? Ni hindi niya man lang ako pinakain? Ako pa talaga bumili ng sarili kong pagkain na sangkatutak. Pati dun sa tinake out ko,kapal din eh noh? Kuripot din ang hanep. Ngayon magtiis kang makita ako sa pamamahay mo,hmp! Nginisihan ko siya ng hindi nakatingin sa akin ang mga magulang niya. Tulad nga ng inaasahan ko nanlilisik na naman ang mga mata niya sa akin,tsk! Wapakels!

"Manang pakiayos na nga ako ng guest room na gagamitin ni May. Pakihanda na din ng mga damit na maaari niyang ipangtulog." tawag ni Fina sa kasambahay nila. Ito ata ang kanilang mayordoma. Sosyal.

"Opo ma'am"mabilis na sagot naman ng mayordoma na hindi naalis sa likod namin habang kami ay kumakain kanina. Paalis na sana ito ng pigilan ko.

"Pwede po ba akong sumama na? Gusto ko po sanang maghilamos na dahil ang lagkit lagkit na po ng katawan ko at mukha." nahihiyang tanong ko.

"Syempre naman hija. Ipapaakyat ko na lang din sa magiging room mo ang iyong tea,para makatulog ka ng mahimbing"nakangiting tango ng ginang sa akin.

"Salamat po"nahihiya pa din kong sagot sa ginang. Tumungo ako sa mga ito bago sumunod sa mayordoma. Naalala ko yung bag ko na naiwan sa kotse kanina hindi ako mabubuhay ng wala ito sa akin,kaya.."ahm,manang pwede po bang kukunin ko lang sa kotse yung bag ko?Nakalimutan ko po kasi kanina na dalhin dito sa loob,akala ko po kasi ay makakauwi ako ngayong gabi"

"Ay ganun ba hija?oh siya sige, kuhanin mo na ang bag mo,mahirap nga talagang wala kang mga personal na gamit ano?oh sya sumonod ka na  lang sa akin sa taas,hindi ko na lang ilolock ang pinto para makapasok ka. Sa pinakadulo ang iyong kwarto---"

"Sige po susunod ako"agad kong sabat sa sinasabi niya,mukha kasing madami pang idudugtong si manang eh,ang haba na agad ng sinabi eh,hays! Tinalikuran ko na siya at lumabas. May sinabi pa ito sa dulo pero hindi ko na narinig,napapabuntong-hininga na lang akong binuksan ang kotse at kinuha ang bag ko sa loob niyon.

***













My Unexpected SecretaryOpowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz