CHAPTER 12

37 10 0
                                    

Pagkakuha ko ng bag ko sa sasakayan ay dumeretso na ako sa hagdan. Hindi ko pa din nakita ang mga amo ko sa sala,malamang sa malamang hindi pa sila tapos magkwentuhan tungkol sa mga businesses nila.

Habang umaakyat ay hindi ko pa din maiwasang mamangha sa mga nakikita kong ganda ng mansyon nila.  Napakaganda ng chandelier nila na napakalaki at eliganteng tingnan. Marami itong palawit na mga kumikinang na diyemante,na sa sobrang kinang ay sigurado talaga akong totoo ang mga iyon.

Pagkatapak ko sa ikalawang palapag ay napa-wow ako dahil bumungad sa akin ang napakalaking painting. Family panting. Ang galing ng gumuhit sa larawang ito dahil kitang kita sa mga mata ng bawat ginuhit niya ang saya sa mata,para talagang totoo at nakatingin sa akin.

Napakagwapo at napakaganda ng mag-asawang Morales na nakaupo sa tag-isang may sandalang magarang upuan. Nakaupo ang mag-asawa sa magkaibang dereksyon,nasa gitna nila ang isang matangdang lalaki na hindi nalalayo ang itsura at mukha kay Mr. Morales. Kaya malamang sa malamang ama niya ito at lolo naman ito ni kolokoy na hanep,hehe. Sinulyapan ko naman si boss hanep sa painting hmmmm,wala pa din ipinagbago. Mukhang bata lang siya ng ilang taon dito sa larawan,at mukhang mayabang na din siya ng mga panahon na ito,tsk. Mas lumala pa ngayon, hmp.

Saglit pa ay umalis na ako sa harap ng painting na iyon dahil di ko maiwasang magtaas ng kilay habang nakatitig sa mukha ng amo kong hanep na kolokoy.

Habang naglalakad sa malawak na  hallway ay napansin ko na magkabilaan pala ang kwarto dito. Sabi ni manang kanina sa akin ay  dulong kwarto ang uukupahan ko. Pero kung dalawa ang dulong kwarto,saan ang kwarto ko doon? Kung sabagay sabi niya naman kanina ay bubuksan daw niya ang pinto para di ako mahirapan maghanap,tsk maliit na bagay. Ang galing din talaga ni manang magdiscribe eh no?

Nakarating na ako sa dulo ng hallway,walang nakabukas na pinto doon kahit isa sa dalawang magkabilaan na pinto kaya sinubukan ko na lang pihitin ang door knob ng pintuan sa kanan. Umikot iyon at bumukas,baka ito na ang tinutukoy ni manang na kwarto sa akin kanina. Pumasok ako. Wala si manang? Bakit? Nasaan na siya? Ah baka nasa sa banyo. Binuksan ko ang pinto ng banyo pero wala din tao, wala din si manang doon.

"Manang?",tawag ko sa kaniya para makasiguro. Malay ko ba kung nagtago lang siya dito sa banyo at tinitrip lang ako. Pero wala pa din sumagot. "Nasaan na ba siya? Hanep naman oh,hindi ata ito ang kwarto ko,eh baka yung kabila,hanep naman kasi bakit kasi bukas itong kwartong ito?haisssssst!kai--------pusang galang pakalatkalat!hanep na yan!what the hell?" nagulat ako pagkalabas ko ng banyo na may tao na sa kwartong ito. Nakatayo sa harap ng kama,nakapamewang,at salubong na naman ang kilay,tsk!

"Bakit ka ba pabigla bigla na lang sumusulpot?haissst!aatakehin ako sa puso sayo eh" sigaw ko sa kaniya.

"Ikaw na nga pumasok sa kwarto ko ikaw pa nagagalit at naninigaw? Ano ginagawa mo dito? Narinig kong sinabi sayo ni manang na ang silid mo ay sa dulong kwarto ng kaliwa ah,bakit ka nandito sa dulong kwarto ng kanan? Sa kwarto ko?May binabalak ka ba?"litanya ni kolokoy nakapamewang pa din at nanlilisik ang mata.

"Hindi ko narinig yung dulong sinabi ni manang,sorry sa pag intrude sa kwarto mo boss,lalabas na ako." bait baitan kong sagot dito at tinungo ko na ang pintuan. Nilagpasan ko na siya at malapit na ako sa pintuan ng kwarto ng hablutin niya ang bag ko at binuksan iyon."Anong ginagawa mo?"

"Chinicheck ko, baka may nailagay ka na ditong bagay na hindi sayo. Mahirap na."walang pakialam na sagot nito sa akin. Uminit ang ulo ko.

"Hanep na yan, wala akong kinukuha dito sa kwarto mo! Kakapasok ko lang dito kasi bukas ang pinto kaya pumasok na ako at hinahanap ko si manang. Hindi ko siya nakita dito kaya chineck ko siya sa banyo pero wala din siya kaya narealize kong hindi ito ang kwarto na para sa akin kaya palabas na sana ako tapos ayan ayan na ginagawa mo sa bag kong letche ka.!"sigaw ko. Pero hindi niya ako pinapansin,tuloy siya sa paghalongkat sa bag ko,bwesit! Hindi pa nakontento ibinuhos pa nito ang lahat ng laman sa sahig,buset talaga,kumalma ka self kalma. Kalma lang!

"Oh kuntento ka na?may napala ka ba?" seryoso na wika ko sa kaniya. "You can put it all back inside my bag now."Utos ko kay kolokoy ng walang mababasang ano man sa mukha ko.

"Hindi pa ako tapos"wika nitong lumapit sa akin at akmang kakapkapan ako pero tinabig ko ang kaniyang kamay ng malakas sabay sampal dito. Napailing siya sa lakas ng ginawa kong sampal sa kaniya,nagulat siya sa ginawa ko.

"Bastos!"sigaw ko sa kaniya at nagmadali na akong lumabas ng kwarto niya. "Fuck you! Sayo na ang bag ko kung gusto mo,manyak!" dagdag ko bago ibinagsak ang pinto niya. Letcheng yun?

Uuwi na ako sa ayaw o sa gusto nila. Bahala sila buhay nila. Magreresign na ako.

NAGULAT ako sa ginawang pag sampal sa akin ni ms. Montero. Hindi ako makapaniwala sa ginawa niyang pananampal sa akin. Kahit ang mga magulang ko ay hindi pa ako napagbuhatan ng kamay,tapos itong babaing ito? Sinampal ako? Nagkamali ba ako? Shit lagot ako kay papa at mama.

Bastos!"sigaw niya sa akin at nagmadali ng lumabas ng kwarto ko. Pero may pahabol pa itong sinabi,"Fuck you! Sayo na ang bag ko kung gusto mo,manyak!"saka binagsak ang pinto ng kwarto ko,nagulat ako sa lakas niyon. Parang masisira niya pa ang narra kong pintuan,lupet.Hindi agad ako nakahuma sa ginawa niya,pero hindi ko na siya pinansin. Bahala siya sa buhay niya basta tama ako sa ginawa ko,walang nakakabastos doon,i have my right to did it. Malay ko bang  inosente siya? Nagpapakasegurado lang ako hindi ko pa siya kilala,who knows kung ano ang itinatago niya,tsk. Magalit na kung magalit sa akin sila mama at papa,basta alam kong tama ako. Mas maganda nga iyon eh,yung magreresign siya dahil sa galit sa akin,hahaha! may nakuha man dito sa kwarto ko o wala na gamit, wala na akong pakialam doon,basta magresign na siya sa company dahil mas matutuwa pa ako sa kaniya kapag nangyari iyon,hmp! Makaligo na nga para mawala ang init ang ulo ko. Tinungo ko na ang bathroom ko at naligo.

"What a tiring day,at last makakahiga na din ako at makakapag pahinga,goodnight sa akin." bulong ko bago ako ginupo ng antok.

Malalim na ang gabi pati ang aking tulog ng may naramdaman akong malamig na bagay na itinapat sa puno ng akin sintido. Panaginip ko ba ito? Pero bakit parang totoo? Shit naman pati ba naman sa pagtulog ko may gustong pumatay sa akin? Hindi man lang nagpabukas? Sipag naman.

***

My Unexpected SecretaryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon