CHAPTER 24

24 6 0
                                    

"MASYADONG matalas ang bunganga mo Ms. Montero." Seryoso ang mukha na sabi nitong boss kong malakabute kung sumulpot,kung saan-saan na lang,kaboting-kabote talaga. Pagkatapos ibinabalantra niya pa sa harap ko ang topless niyang katawan! Omg!naagaw ang attention ko. Hindi ko tuloy malaman kung titingin ako sa sea shore na malayo naman or sa kaniya na nakakatakot makatingin na akala mo ay may ginawa na naman akong mali. Tsk! Hindi ko maintindihan ang lalaking ito sa totoo lang. Echos! Alam kong pikon nga pala ito. Hindi ko mapigilan ang bonganga ko eh,bakit ba?

"Halika na bumalik na tayo,mamaya nito may pating pala dito,lapain pa tayo,hello! Ayoko ko pa madeads." Patay malisya kong sagot. Kung ayaw niya akong sagotin sa tanong ko eh,di wag! Hindi ko din siya sasagutin ng matino,ever!

"Hindi mangyayari yan,as long as you're with me." Bulong niya na hindi ko naman narinig ng malinaw kasi nag-umpisa na akong lumangoy pabalik. Pero tumigil ako kasi nga makulit ang lola niyo at chismosa.

"What? Masyadong mahina ang boses mo hindi ko narinig gaano ang sinasabi mo."

"Ang sabi ko bingi ka na nga pangit ka pa buti na lang marunong ka lumangoy para hindi ka malunod dahil kung hindi ako mismo ang lulunod sayo at worst ipapakain kita sa pating na kinatatakotan mo ngayon nang mabawasan naman ang mayayabang na katulad mo dito sa mundo."

"Wow!Ang haba naman ng sinabi mo,kasi parang maikli lng yung narinig ko kanina,hindi ko lang naintindihan ng malinaw. Ikaw kaya lunurin ko diyan? Mayabang? Ako?Wow! Coming from you,ah! Hiyang hiya naman ako sayo. Kapag talaga nakakita ako ng pating,ipapain kita at iiwan dito at hayaan kang habol habolin niyon at makain." Nilayasan ko na siya dahil naiirita na ako sa kaniya. Promise!

Sino ba talaga ang pikon,ako o siya? Hays!! Whatever! Basta asar ako!

Tinuloy-tuloy ko lang ulit ang paglangoy para agad-agad na makalayo ako sa kaniya. Pero kung minamalas nga naman talaga ang tropa niyong si ako heto pinulikat ang paa, kaya ayan, hawak-hawak ang kanang paa sa ilalim ng dagat, hindi makalangoy nang ayos,mauubos na din ata ang oxygen ko sa katawan. Kahit masakit ang paa ko ay tinatry ko na makaahon para makasagap ng hangin kahit saglit, kaso hindi ko na talaga magawa. Pesting paa,ngayon pa nagpasikat! Nanghihina at napapagod na ako,ito na ba yun? Shit!

Nagpa-flash na sa utak ko ang malungkot pero astig kung buhay sa nakaraan. I am one of the elite pero yung dahilan ng kamatayan ko na siguro ang pinakamababaw sa lahat ng history na maitatala sa aming grupo. How weak diba? Pero ano magagawa ko? si pulikat ang salarin,ang sanhi at ang bunga sa ending ng buhay ko. Kaya I have to accept it. A sad smile came out to my lips bago unti-unti nang pumipikit ang aking mata.

Ilang minute o segundo na ba akong nandito sa ilalim ng dagat? Siguro tatlong minute na din,iyon kasi ang pinakamatagal ko na kayang pagpigil ng paghinga sa ilalim ng tubig. Try and tested. Damn life!

Teka! I am with that man right? Where is he now?

Where are you?

Please help me!

Ngayon lang ako hihingi ng tulong kaya sana marinig mo,pakiusap!

Wala pa din siya! Nasaan na ba siya? Nakasunod lang siya sa akin diba?

Pero ayos lang kung hindi na siya dumating, I don't see a reason naman, right!

Malungkot man ang naging buhay ko at wala man nakakaalam sa existence ko at least I made a history. For kicking some damned ass unknowingly!

Last smirk before everything goes black.

SHE turned her back on me again. Such a brat. Lagi niya na lang akong tinatalikuran ah,hindi na ako natutuwa. Pansin ko lang buong umaga,ah napipikon na ako! Ang bilis pa naman niya lumangoy, sa katunayan nga hindi ko na siya natatanaw. Mayabang talaga,akala naman niya siya lang ang marunong at mabilis lumangoy? Athlete ata 'to,huh! walang halong yabang, gwapo lang!

Tsk! masundan na nga yung babaing yun, nagkakayabangan na dito eh.

Where is she now? I can't see her anywhere?parang kanina ko pa ata siyang hindi nakikita na lumilitaw? Ano nakipaglaro pa sa isda? Grabe talaga sa kayabangan ang isang iyon,ah!

Nag-umpisa na din ako lumangoy pero binagalan ko lang kasi inaabangan ko kung saan lilitaw ang babaing iyon. Pero habang tumatagal at lumalapit ako sa seashore ay hindi ko pa din siya mamataan. Bigla akong kinabahan,at sumisid sa ilalim na bahagi ng dagat,nagbabakasakaling makita ko siya doon pero ipinagdadasal kong mali ang hinala ko,sisid lang ako nang sisid pero hindi ko pa din siya makita.

Umahon ako saglit para sumagap ng hangin.Tinanaw ko ang pang-pang pero walang bakas niya. Sumisid ulit ako, sa pagkakataon na ito ay may naaninag na ako na pigura ng tao na nasa malayo sa akin,habang lumalapit ako doon ay kasing bilis ng tibok ng puso ko ang pagkampay ng mga kamay at paa ko. Malapit na ako doon sa pigura and my eyes really widen when I saw her there,eyes closed and not moving,her body is slowly fallen into the deep blue sea.

"Shit! Ms. Montero!" sigaw ko sa isip.

Hinabol ko agad ang katawan niya at mabilis na inahon sa ibabaw ng tubig.

Tinapik-tapik ko ang pisngi niya pero no response pa din. Hindi pa din siya humihinga! Binilisan ko ang paglangoy palapit sa seashore. Bigla parang gusto ko din lunorin ang sarili ko,dahil pinabayaan ko siya. Kasalanan ko kung bakit siya naiinis at lumalayo sa akin. Kasalanan ko kung bakit nandito kami ngayon. Wala na ba ibang magandang mangyayari ngayong araw sa buhay ko?

"I'm really sorry May" bulong ko sa may tenga niya pagkalapag ko sa kaniya sa buhangin.

Pinisil ko ang ilong niya at panga upang ibuka ang big niya at bumuga ng hangin ng tatlong beses,pagkatapos ay ipinump ang dibdib niya. Pinaulit -ulit ko iyong pinerform,pero naka-ilan na akong gawa ay wala pa din siya response.

"Huwag kang sumuko agad Ms. Montero. Come back to me,come on!" parang binibiyak ang puso na kausap ko sa kaniya habang pinapump ko ang dibdib niya.

Second later ay umobo siya,"thanks God", bulong ko at hinayaan siyang ilabas lahat ng tubig na pumuno sa baga niya. Maluha-luha pa siya habang sinusuka lahat ng tubig sa katawan niya. I really felt relieved and happy, I grab and hug her tightly unconciously. Tumigil na siya sa pagbuga ng tubig. Hinahabol pa rin niya ang hininga,ramdam ko na din ang mabilis na tibok ng puso niya na kasing bilis ng sa akin. Unti unti ay humuhupa na ang kabang nararamdaman ko kaya binitiwan ko na siya. Nahihiya ko siyang tinitigan sa mukha...nagulat ako sa expression ng mata niyang nakatitig din pala sa akin. Kumikinang ang mga mata niya na tila ba na tutuwa ito at nagpapasalamat pero saglit lang iyon at bumalik din siya sa salubong na kilay at iritadong mukha. Baka naman imagination ko lang yun,tsk?

Tumayo na siya kaya nagmadali din akong tumayo tsaka ko lang narealize na napapalibutan na pala kami ng mga tao.

"Ayos na ba ang girlfriend mo hijo. Pwede mo siya ipatingin sa clinic ng resort." Wika ng isang concern na matandang babae.

"Ahm,sige po salamat,dadalhin ko po siya doon." Matipid na ngiti ang iniwan ko mabait na matanda. Sinundan ko na si Ms. Montero na mabagal maglakad kaya nahabol ko kaagad. "Punta muna tayo sa clinic,pacheckup ka muna bago magpahinga para seguradong ayos ka na talaga."

"No need for that,I am good as new." Cold niyang sagot.

"Pero kailangan mo pa din magpatingin to make sure you're really okay."

"I am okay!I am fine so fuck off!thank you for saving me but right now?I don't wanna see you, so let me leave. I want to rest." Sabi niya sabay talikod na naman sa akin. Shit!

Hinayaan ko nalang siya sa gusto niyang mangyari sa buhay niya,bahala siya. But still,I follow her slowly walking behind kasi sobrang bagal din niya maglakad. Parang nanghihina pa siya pero pinipilit lang ang Sarili. Matigas talaga ang ulo. Iuntog ko kaya para lumambot man lang kahit papanu?tsk!

Sa wakas nakarating din kami ng cottage after hundred years. Sa bagal namin maglakad feeling ko namuti na ang buhok ko,tumanda na ako,gutom na gutom na ako. Nalipasan na kami Ng panahon. Hay naku!

Teka gutomin nga pala ang isang ito kaya malamang sa malamang mas matindi pa ang gutom nito sa akin. Inunahan ko na siya maglakad at dumeretso sa sarili kong cottage at tinungo agad Ang telepono. Nag-order ako ng sandamakmak pagkain para sa kaniya. Para lumamig na ang ulo at pansinin na ako.

Hindi ko alam pero parang ayoko ng hindi niya ako pinapansin,parang makirot sa dibdib. Shit hindi ako sanay.









My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now