CHAPTER 21

18 6 0
                                    

HINDI ko alam kung ano tumatakbo ngayon sa utak nitong may topak kong boss. Heto kami ngayon kakaalis lang sa bahay nila sa kadahilanan na hindi ko rin alam. Mukhang hindi naging maganda ang panaginip nito kagabi kaya ng magising 'tong boss ko na may topak ay lalo pa nagkatopak kaya malamang sa malamang buong maghapon eh ganyan siya. Sobrang seryoso ng mukha,walang anuman na mababakas na emosyon.

Mabuti! tahimik ang biyahe! Hindi ako mabubwesit maya-maya.

Kahit sa mga magulang niya hindi niya nasabi ang dahilan kung bakit kami aalis na agad, kaya nagkasuspesta akong may ibang dahilan ito, kung bakit? i don't know Basta i just can't explain pero i have this feeling na may itinatago ito sa akin---este sa parents niya pala.

Anyway,akala ko talaga ay kukomprontahin niya na ako tungkol doon sa mga napapansin niya sa akin. Nakahanda pa naman na ang very bright answer ko, alibi kung baga. Pero dahil hindi naman siya nagsasalita magmula pa ng makaalis kami sa kanila ay baka nakalimutan na nito iyon. O nag-iisp na ito ng dahilan kung paano niya iyon magagamit laban sa akin para mapalayas na ako ng tuloyan sa company nila. Mahirap magpakakampanti,hindi ko alam ang tumatakbo sa utak niya ngayon.

Nakatutok lang ito sa pagmamaneho. Mukha siyang mabait na nilalang kapag ganyan siya,walang bungangang pinapairal.
Isa pa ,buti kamo naalala niya akong isama sa pag-alis niya. Hindi ko na kailangan na ipilit sa kaniyang isama niya ako,eh di lalong nagkahinala 'tong kolokoy na ito sa akin. kahit lulugo lugo pa ako kanina ng kumatok ang isa sa mga katulong nila at pinapahanda na ako sa pag-alis daw namin ng maaga. hanep! antok pa ako eh! Ay naligo pa din ako at inayos ang kunting gamit ko at bumaba,ang malupit walang almu-almusal gumora kami agad,nice one diba?

Nasabi ko na bang alas cinco pa lang ng umaga? yeah! ganun kami kaaga nagbabiyahe ngayon. And he is the only one knows where were going to, plus gutom pa ako,Ewan ko dito kung kumain ito. Wala man lang pakialam sa kasama basta siya ayos na,bwesit diba?huh! Gugutomin ko din siya kapag may chance,Akala niya ah! Busog lang ang hindi gumaganti.

Back to my topic! Shit nababaliw na ata ako kakakausap sa sarili ko,omg!

So ayon nga...

Ayoko na naman mag-usyoso at baka mabad trip na naman sa akin at this time ay pababain ako sa sasakyan niya na nasa lugar pa naman kami na madalang lang ang mga kabahayan. Hindi naman sa natatakot ako, hello! im sure nakasunod lang samin si Vodka to secure the subject. Well,madilim pa kasi at parang ang creppy ng daan,feeling ko may multo na magpapakita sa akin na puno ng dugo ang mukha,at katawan. Tapos nakatitig pa sakin ang nanlilisik niyang mga mata. tapos baka hilahin niya ako sa dako pa roon, o kaya ay pumasok siya sa katawan ko at angkinin na iyon ng tuloyan. Mawawala na ako sa katinuan,oo kasi nga hindi na ako iyon kundi yung multong duguan na. Tapos babalikan ko/niya ang naging dahilang ng pagkamatay niya,at dadanak ang dugo dahil nakalimutan kong maglagay ng napkin,meron nga pala ako,ewwww! Baliw na talaga ako.

"Shit! ayoko mangyari yun!" biglang bulalas ko dahil sa malawak kong imahenasyon. "Bad trip",dagdag bulong ko na lang kasi nang lingunin ko ang kolokoy kong boss ay masama na itong nakatingin sa akin saglit pero bumaling din naman agad sa unahan ng manebela niya ngunit nakasalubong pa din ang mga kilay niya na di na ako magtataka kung magkadugtong na iyon sa paglaon.

Akala ko magrereact ito sa kabaliwan ko pero nanatili pa din itong tahimik sa pagdadrive. Okay wapakels,tsk!

Tinigilan ko na mag-imagine ng mag-image kaya heto tulala na ako hindi dahil wala ng ibang tumatakbo sa isip ko kundi dahil gutom na ako. Maliwanag na pero nasa kalsada pa din kami,my oh my! kapag ako hindi nakapagpigil siya ang kakainin ko.

"Stop staring at me like that or else pabababain kita dito." Masungit niyang sabi. As if I'm scared,tsk!

Hindi ko pala namalayang nakatingin na ako sa kaniya with nanlilisik na mga mata. Masisira niya ba ako,gutom na gutom na ako. Yung mga alaga ko feeling ko pati intestine ko kinakain na nila. Naghihina na talaga ako,bwesit ka talagang kolokoy ka. You're the most annoying person in the world and manhid,madamot, selfish and evil of all. You're gonna pay for this.

"Let's go!" Bigla akong natauhan ng marinig ko siyang magsalita at bumaling sa kaniya kaya lang lumabas na ito sa kotse niya at sinara ang pinto niyon.

"What the hell?" Napalalim ata ang pagkukotkot ko sa dibdib kaya hindi ko na napansin na huminto na kami sa isang..... resort? Ano naman gagawin namin dito? Ah baka kakain lang kami.

Hindi na ako nag-inarte at mabilis na lumabas ng kotse niya at mabilis na sinundan siya. Pumasok nga siya sa isang restaurant. Buti naman naisipan niya na akong pakainin!huh! Nagmamadali akong sumunod sa kaniya sa loob. Pagkapasok ko ay namataan ko siya sa may sulok na lamesa sa kaliwa,may kinakausap na itong staff ng resto at nagbibigay ng order niya.

Pagkalapit ko dito ay tapos na siyang magbigay ng order. Bumaling sa akin ang lalaking staff at inabot sa akin ang menu na kakaabot lang din sa kaniya ni kolokoy. Nginitian ko siya pagkaabot ko ng menu pagka-upo ko at sinabi dito ang order ko.

Pero siyempre dahil gutom na gutom ako madami ang inorder ko. Ako na magbabayad nitong kakainin ko para walang masabi na naman itong kairita kong boss. Madami akong pera,hindi lang halata,huh!

Bago umalis ang waiter sa harap ko ay nakita ko pa din sa mukha nito ang hindi makapaniwalang tingin na iniwan sa akin kasabay ng hindi din makapaniwalang smile. Well,baka na-amaze siya kasi ngayon lang may umorder sa kanila ng ganun karaming pagkain. Pasalamat siya generous ako, magiging malaki ang benta nila for today just because of me,diba? Napangisi ako sa naisip ko na dapat pala hindi ko na ginawa dahil pagbaling ko ng tingin sa boss kong impaktong kolokoy ay masama na naman ang tingin niya sa akin.

"What?" pagtataray ko sa kaniya. Inis ako sa kaniya at hindi na iyon mawawala lalo pa ngayong ginutom niya ako. Akala niya bati na kami ah,manigas siya!

"You look stupid" plain na sagot niya sa akin.

"Says who? You? at least looked stupid lang ako eh ikaw? literally stupid,huh!" bulong ko. Ayoko iparating sa kaniya ang sagot ko dahil ayoko muna makipag-argumento sa kadahilang gutom pa ako kaso may sa pusa ata ang pandinig nito dahil narinig pa din niya ako.

"What did you say? ME stupid?"

"I didn't say such word boss. Ang sabi ko lang ay stupid of me for having a boss like you,este---" lalong dumilim ang mukha nito. "sabi ko stupid of me for not seeing how hot and gorgeous you are." nakangiwing bawi ko,wag ka maniwala sa sinasabi ko nagsisinungalin lang ako,wag kang feelingero Franco Morales.

"Is that so? Bakit parang labas sa ilong?" asar pa din niyang sagot sa akin pero mukhang nawala na iyong nagdidilim niyang aura,tsk! naniwala pa ata sa pang-u-uto ko sa kaniya,tsk!

"Oy,here's the foods."change topic ko. hindi ako natutuwang makipagusap sa kaniya,hindi pa din ako maka-move on sa panggugutom niya sa akin ngayon.


***

a/n:

dahil holy thursday today wala akong pasok ngayon at bukas kaya nag-sipag ako ngayon ng very very light😁. sana magustuhan niyo😘

My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now