CHAPTER 40

5 1 0
                                    

"MAUNA na ang lampa,mahuli ang maganda" banat ni baliw habang papasok na kami sa loob ng kweba. "Boss, sige na,huwag ka na mahiya,mauna ka na." Pahabol niya pa sabay kaway sa akin. What the hell?

"Hindi ako lampa." Badtrip kong sagot sa kaniya kaso hinila na ako ni Glenda, kaya ayon kaming dalawa ang nasa unahan. "Bakit mo ba ako hinila. Doon ako sa likod." Asik ko sa kaniya.

"Hayaan mo siya. Mas kabisado ko po ang kweba kaya much better na ako po kasabay niyo kesa sa kaniya. Binibiro ka lang niya. High blood ka na naman agad eh,masyado kang paniwalain kaya kayo laging nagaaway."

" Hindi ako paniwalain,tsk!"

"Ah, so, ayaw mo lang malayo sa kaniya.haha."

"Don't make a story out of it. Marinig ka pa niyan yumabang pa lalo. Tsk!"

"Kabado yan? Sige na nga bumalik ka na doon sa likod. Sa lakas ng boses ko malamang narinig niya naman na ako." Sabi niya pa. Pang-asar din talaga. Minsan magulo din talagang kausap itong babaing ito. May pagkapareho sila ng ugali ni baliw,bagay sila magtropa. Kainis!

"Huwag na, baka iwanan niya pa ako mag-isa kapag nalingat ako, unpredictable pa naman yan. Manhid pa." Nagbago na ako ng isip,tsk! Bakit ba?

"Walangjo ka naman, haissst! Para ka pong babae,pabago bago ka ng isip,ano?" Sabi niya na iiling iling pa na akala mo anak niya akong pinanganagaralan. Tsk!

"Ewan ko sayo,Dami mong alam. Kausapin mo na nga lang si bangaw. Tsk!"

"Sino si Bangaw?" Tanong niya pero hindi ko na siya sinagot. Nakinig na lang ako kay manong na tour guide. Hanap siya kausap niya.

Habang nagkukwento si Manong sa mga nabuong stalagmites at stalactites sa paligid ng kweba na nadadaanan namin ay tumahimik na din ang mga kasama ko. Lumilingon lingon naman ako minsan sa likuran ko para masiguro na nasa likod pa namin ang mga kasama namin. Kaso dahil nakaharang si Bangaw, hindi ko makita sa likod niya si Baliw. Siya lang ang hindi ko nakikita, Hayz!

"Bakit ka ba palingon lingon diyan? Kapag nadapa ka diyan hindi kita dadamputin,baka tapakan pa kita at pagtawanan." Narinig ko na may nagsalita sa may tabi ko,sa gulat ko bigla akong napalingon. Ang Baliw! Kahit medyo madilim dito sa boses niya pa lang kilala ko na.

"What the hell? Bakit ka ba nanggugulat?" Sigaw ko sa kaniya.

"Bakit ka nakasigaw? Ang sakit sa tenga oh,may echo effect pa. Papansin mo!"

"Ewan ko sayo. Bumalik ka na nga lang sa likod. Para tumahimik ulit ang paligid."

"Ayos na,hindi ko na kailangan pumunta sa likod. Kaya huwag ka nang plastic diyan. Hanap ka pa ng hanap sa akin kanina pa, akala mo naman nawawala ako. Don't worry Boss i can manage, you know." Mahabang litaniya niya with an over confident attitude na naman, siya na talaga. Saan ba siya pinaglihi ng nanay niya? Sa kayabangan? Akala ko ba ako  lang mayabang sa kwento ko? Bakit parang sapaw na sapaw naman ako dito? Buhay na yan! Extra lang ata ako dito,eh! Haisst!

"Ano naman ang meron ang likod na kailangan ka pa dapat doon? Assasins? Tsk!" Pang-aasar ko sa kaniyang sagot ko.

"Paano kung sabihin ko sayong oo anong gagawin mo?" seryoso na tanong niya sa akin pero ngumisi din siya kaya nawala din ang bigla kong kaba na naramdaman dahil sa sinabi niya na iyon. Kainis! Feeling ko talaga hindi siya nagbibiro ng sabihin niya iyon eh.

"Lakas trip mo?" Nanggigigil kong tanong sa kaniya? Kaso tinawanan niya lang ako ng malakas. Baaaaadtriiipppp!!!

"Okay! sorry sorry! Hindi na kita bibiruin ng ganito, now lang,ah! Napakapikonin mo naman, tsk! Wala ka bang kabiruan sa inyo? Tsk!" Iling iling pa siya habang sinasabi iyon. Damn!

"Well, you are not a good joker. It's so irritating." Badtrip pa din ako sa kaniya,no?

"Tsk! Parang bata talaga. You know what Boss? First impression ko sayo  when we first meet before is terror ka, confident, heartless, babaero, happy go lucky and matalino. Pero habang nakakasama kita hindi naman pala." Mahaba niyang sabi tsaka malakas na tumawa ulit sa huli. Badtrip talaga nitong Baliw na ito.

"So masaya ka at pinagtatawanan mo pa ako? For your information ganoon naman talaga ako ever since. You're just so insensitive, self centered, pakialamera, and crazy, kaya hinahayaan na lang kita. You should be thankful sinama pa kita."

"Yeah, right! thank you for tagging me along!" sabi niya na may payoko effect pa siya. Akala niya naman mauuto niya ako sa paganiyan ganiyan niya.

"Total tapos na kayo sa argumento niyong magjowa. Can we proceed to our next spot?" singit ni Glenda.

Nice one. Isa pa siya sa mga palautos sa buhay ko. Do I looked a baby to them? Kainis!

"Sabi ni Manong this is the last spot na daw. We just follow the trail right here." Sagot din ng isa pa na pasikat sa episode na ito. Si Bangaw, tinuro niya ang daan na medyo pababa sa gawing kanan ng kweba. "then, boyla nasa baba na niyan ang main entrance ng cave." Nandiyan pa din naman si Manong pero siya na sumagot, tsk!

Marami kasing butas ang Hoyop-hoyopan cave na pweding pasokan at labasan. Apat ata iyon ayon sa pagkakatanda ko kahit na hindi ako maka-concentrate sa mga sinasabi ni Manong kakalingon sa likuran ko.

First,ang main entrance ng cave, second is the makitid ang daan na may water sa baba,Lamawan daw ang tawag doon tapos sobrang liit ng daanan patungo sa exit niyon. Ang exit naman doon ay may trail naman papunta sa isa pang daanan. Ang third na labasan/pasokan. The last one is here sa kinatatayuan namin, mas malaki ang butas dito at mas maliwanag.

Ang ganda ng kweba,if i have another chance to visit this place i will surely enjoy it specially iba na mga magiging kasama ko. Tsk! I hope so talaga.

Binabagtas na namin ang daanan na tinuturo ni Bangaw kanina. Nasa unahan ko na si Baliw sunod sa akin si Bangaw at ang pakialamerang Glenda ang nasa dulo kasunod si Manong na tour guide. Tsk!

Tuloy-tuloy ang lakad ko pero mabagal lang naman kaya napansin ko kaagad ng huminto sa paglalakad si May. Nagtataka akong napalingon sa unahan sa may baba. Sa may main entrance ng kweba. May dalawang lalaki na nakatayo doon at halatang nag-aantay sa amin sa pagbaba namin.

Hindi ko makita ang mukha ni May kaya hindi ko masasabi kung bakit siya napahinto sa paglalakad.

"Bakit?" tanong ko na lang.

"Wala." maikling sagot niya. Himala.

Nagpatuloy na siya sa pagbaba kaya sumunod na rin ako sa kaniya.



***


a/n:

Happy New Year!!!

thank you for reading my story. i hope you like this new episode 😘 this is my birthday gift to you, 😅....

sorry kung super tagal po ng update, been so busy po sa work because of holiday season.

🥰🥰🥰🥰

My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now