CHAPTER 41

5 1 0
                                    

SINADIYA ko talagang magpahuli sa kanila para malaman ko kung ano ba ang pakay ng mga sumusunod sa amin kanina pa. Kaya inabangan ko sila na mapasok din sa kweba.

Walang ingay na lang ako na tumalilis pabalik sa may main entrance. Nagulat pa ang dalawang lalaki pagkakita sa akin. Seryoso ko silang tinitigan mula ulo hanggang paa. Mukha naman pala silang harmless.

Malinis sila tingnan kahit na nakasuot lang sila ng basketball jersey. Mga tumakas lang ata ito sa mga tropa nila habang naglalaro,eh! Hanep! May patago tago pa kasi na nalalaman, sino hindi maghihinala na nakasunod sila sa amin? Hay naku! Mga mukhang kabado pa pagkakita sa akin. Mga bagets talaga ngayon. Tsk! Tsk!

"So, may kailangan ba kayo sa amin? Napansin ko kasing kanina pa kayo sunod ng sunod sa amin or nagkakamali lang ako?" Deretso ka kaagad na tanong sa dalawang kabado. Mukha ba akong nakakatakot? Nagtatanog pa lang ako niyan ah!

"Hello! May kausap ba ako? Kung ayaw niyo naman magsalita babalik na ako sa mga kasama ko. Huwag na kayong pumasok sa loob kasi bawal duwag doon." Sabi ko ulit kasi wala atang balak magsalita ang mga bugok! Tsk! Tsk!

Tumalikod na ako sa kanila dahil naiinip na ako kakaantay sa sagot. Hanep!

"P-pwede k-ko b-ba m-malaman ang p-pangalan mo?" nauutal na tanong ng isa sa kanila.

"May is the name." Hindi ako lumingon ng sabihin ko iyon. "Umuwi na kayo! Baka hinahanap na kayo ng mga kalaro niyo sa court na tinakasan niyo makasunod lang dito." Dagdag ko pa habang palayo na sa kanila.

"Pwede ka ba namin antayin dito?" habol pa na tanong ng isa pa. Hanep! May crush pa ata sa akin ang mga batang ito.

Hell! No! Hindi ako pumapatol sa bata. Kunwari na lang hindi ko siya narinig. Tsk! Hindi nga kalaban ang sumusunod sa amin pero other konsumisyon naman. I have a very bad feeling about it! Mukhang may hindi na naman matutuwa sa mga susunod na kabanata. Hayz!

Hinanap ko na lang ang mga kasama ko ng tahimik na saktong malapit na sa huling lagusan. Lingon ng lingon dito sa likuran si Ambisyosong Kolokoy pero dahil malaking tao itong si Randy ay hindi niya ako napapansin na nawawala na kanina pa. Tsk! Akala naman nito mawawala ako.

Tahimik na lang ako na lumapit sa kaniya. Balak ko talagang gulatin siya. Nakakatuwa kasi ang mukha niya kapag nagugulat, kapag nabubwesit at nagagalit na sa akin. Hindi ako natatakot. Feeling ko hindi niya naman mini-mean ang mga sinasabi niya. Warm hearted siya hindi lang talaga halata. Ang sama kasi ng tabas ng bunganga lagi eh. Sa akin lang naman siya ganiyan. mabait siya sa lahat maliban lang sa akin.

Sana talaga matapos na ang kaso niya para maghiwalay na kami ng landas. Tsk! May mga nararamdaman na akong kakaiba na hindi ko na maintindihan kapag kasama ko siya. Hayz! I can't figure it out.

"Bakit ka ba palingon lingon diyan? Kapag nadapa ka diyan hindi kita dadamputin,baka tapakan pa kita at pagtawanan." Sabi ko na lang kahit naguguluhan ang utak ko. Nasa likod niya na ako.

"What the hell? Bakit ka ba nanggugulat?" Pasigaw na tanong niya, Hanep nabingi ako, echos lang.

"Bakit ka nakasigaw? Ang sakit sa tenga oh,may echo effect pa. Papansin mo!" Drama ko.

"Ewan ko sayo. Bumalik ka na nga lang sa likod. Para tumahimik ulit ang paligid." Ay! suplado naman pala.

"Ayos na,hindi ko na kailangan pumunta sa likod. Kaya huwag ka nang plastic diyan. Hanap ka pa ng hanap sa akin kanina pa, akala mo naman nawawala ako. Don't worry Boss i can manage, you know." Yabang time ulit. hehe

"Ano naman ang meron ang likod na kailangan ka pa dapat doon? Assasins? Tsk!" Tanong niya pa! Kapag yan nagkatotoo,ah

"Paano kung sabihin ko sayong oo anong gagawin mo?" seryoso kunwari na tanong ko sa kaniya. haha!

My Unexpected SecretaryDove le storie prendono vita. Scoprilo ora