CHAPTER 26

17 5 0
                                    

PAGKATAPOS ng muntikan ko nang pagkalunod kaninang umaga sa dagat at makarating dito sa cottage ko ay hindi na ako lumabas maghapon para makapahinga,para na rin iwasan ang amo kong maligalig . Kahit na laging may nagdideliver ng pagkain ko na galing daw sa kaniya. Nakailang katok na din siya sa room ko pero hindi ko siya pinapansin. Hindi ko alam kung bakit ako umaakto ng ganito sa kaniya. Pati sarili ko hindi ko na maintindihan,dapat nga binabantayan ko bawat kilos niya dahil sa banta sa buhay niya pero heto ako ngayon tinataguan siya. Nabaliw na ata ako,iyon siguro ang side effect ng pagkalunod ko,hanep na yan. Buti na lang nasa paligid lang si Vodka,haist!

Nakatulog ako ng mahaba ng hindi ko namamalayan kakaisip kung bakit ako nagkakaganito sa amo kong pangit ugali. Nabaliw na talaga,hanep na buhay 'to.

Nagising ako sa ring tone ng cellphone ko. Sinilip ko gamit ang isang nakamulat na mata kung sino ang tumatawag at sumira sa mahimbing kong tulog pero napamulagat ang mga iyon ng makita ang pangalan ni Vodka doon. Sinagot ko agad ang tawag niya.

"Vodka?"

"Wine."

Ang pormal naman ng boses niya,ah mukhang masama ang ibabalita nito sa akin.

"Anong masamang balita?" Seryoso ko agad na tanong. Basta sa mga ganitong serious na usapan wala na paligoy ligoy, straight to the point agad.

"The culprit, he's already dead." Napabuntong hininga ako sa binalita niya.

"As we expected, dapat dinoble nila ang pagbabantay sa kaniya. Nasa ospital na nga, madami na bantay namatay pa din?"

"No, he didn't killed. The man committed suicide. Papatayin naman daw siya ng mga kasamahan niya dahil sa palpak na misyon niya, yun ang paulit -ulit na sinasabi niya pagkagising na pagkagising niya kaninang umaga. Pero napipigilan pa siya ng mga doctor at nurse sa pagwawala dahil tinuturukan ito ng pangpatulog kada gigising siya. Pero kanina nagkaroon siya ng chance dahil walang nakapansin sa kaniyang paggising. Nanglumapit sa kaniyang higaan ang isang bantay na pulis para I-check siya kung gising na ay bigla na lang daw itong nagmulat ng mata at gamit ang libreng kamay na hindi nakaposas ay mabilisang hinugot niya ang baril na nakasukbit sa tagiliran ng bantay at tinutok sa sariling ulo sabay putok." Mahabang paliwanag ni Vodka.

"Poor him. May nakuha ba kayong impormasyon sa kaniya bago siya nagpakamatay?"

"Wala,dahil lagi siyang nagwawala kapag nagigising. Hindi siya makausap ng matino ng mga imbestigador kaya pinapatulog na lang siya."

Parang kulang ang kwento nito. Pasuspend pa eh.

"Pero," urging Vodka to talk more.

"Pero may nabanggit ang isang bantay na pulis na pangalan ng isang tao ng hindi sinasadya habang nagkukwentuhan ito at isang pulis. Bigla bigla daw kasing nanginig at mukhang takot na takot ang salarin. Maaaring maliit na bagay lamang iyon sa mga pulis pero sa mga tulad natin kahit gaano man iyon kaliit may koneksyon man o wala hindi natin sasayangin ang pagkakataon na iyon bagkos lalaliman pa ang pagiimbestiga."

"Tama ka maaari ngang may maliit na posibilidad na may koneksyon ang taong iyon sa salarin. Kaya alamin natin kung konektado ba ang taong iyon sa kaso ni Franco Morales."

"Ginagawa na nila."

"Sino nagawa ngayon? Nakabalik na ba si Whisk?"

"No. Nasa ibang mission pa rin si Whisk, si Brandy and Champagne ang nagawa."

"Okay. Alam na ba ng subject ang nangyari?"

"Hindi pa ata. Ikaw na magsabi sa kaniya. Gotta go! Sayunara!" Paalam ni Vodka sabay end the call. Kainis,bakit kailangan ako pa ang magbalita sa kaniya. Hanep na Vodka 'to. Haisssst!!!

My Unexpected SecretaryWhere stories live. Discover now