Chapter 38

728 31 84
                                    

"Nako, okay lang. Kahit wag nyo na isauli."


"Ma!" Inis na sabi ni Sofia kay Ate Audrey at tumawa naman kaming lahat.


"Joke lang! Oh sya, mag-iingat ka ah! Wag masyadong makisabay sa energetic mong Mommy Mackey," bilin sakanya ni Ate Audrey sabay yakap nang mahigpit.


Ipapasyal namin kasi itong si Sofia sa MOA tutal parehas naman naming day off ngayon ni Adriell. Simula nung bumalik kami galing Korea, naging okay naman ang lahat. Hindi ko akalain na sa tinagal tagal ng panahon ay magiging kami na ulit, na siya pa rin ulit. 


"Ahh! Omg!"


Agad ko naman inalalayan si Sofia para hindi siya tuluyang mahulog dito sa skating ring.


"Bakit ba kasi dito mo gustong pumunta? Hindi ka naman marunong magskate diba?" Sabi ni Adriell na inalalayan din si Sofia para makapunta na kami sa gilid.


"Hayaan mo na. Gustong maexperience nung bata eh" pagbabawal ko sakanya.


Pinapagalitan pa, eh andito na kami. Amp.


Tinuruan ko naman kahit papaano si Sofia magskate, yung mga basics lang lalo na yung paglalakad sa ice haha.


"Yay! Mommy, daddy look! I'm doing it!" Sabi ni Sofia na gustong tumalon dahil sa tuwa pero dahil nasa ice siya hindi niya magawa.


"Hala! Yehey! Oh dali dali! Skate tayo papunta dun sa kabilang side," sabi ko at nagskate ng dahan dahan papunta doon habang inaalalay lalayan si Sofia.


"Oh dahan-dahan," sabi ni Adriell nung muntikan nanaman siyang mahulog.


"Eh! Kaya ko na po," may pagkainis na sabi ni Sofia kay Adriell at hinila yung braso niya mula sakanya.


Nagulat naman kami nung bigla nalang siyang naout of balance at napaupo sa ice.


Lumapit kaagad ako sakanya. "Sofia! Are you okay?!"


Tinuruan naman siya ni Adriell ng tamang pagtayo dahil hindi naman namin siya mapull up dahil hindi naman kami ganun kaexpert at baka sabay pa kaming mahulog ulit sa ice.


"Selfie!" Sigaw ni Sofia sabay taas nung cellphone niya na nakafront cam.

It Perfectly Fits (Fate Series#1)Where stories live. Discover now