Chapter 11

767 43 88
                                    

McknzMnnsl: Studying hard!


Nagsend rin ako ng selfie na nagaaral ako para naman mainform siya na seryoso ako dun sa challenge.


"Ok! Back to work," sabi ko sa sarili ko at nagumpisa na ulit magaral, may quiz kasi kami this coming friday sa subject na iyon at kailangan kong makaperfect score doon.


"Sipag ah" napaangat naman ako ng ulo at nakita si Ava nakasilip na sa kwarto ko.


"Syempre, kailangan." Determinadong na talaga ako.


"Pag talaga inspired" sabi ni Ava at sinilip kung ano yung inaaral ko, "Ang nagagawa nga naman ng pagibig. Anyway, magluluto na ako, may gusto ka bang i-request?"


"Kahit ano," sabi ko at nagkibit balikat pero agad ko din naalala. "Gulay nalang pala!"


Napakunot naman yung noo ni Ava. "Gulay? Bagong buhay ka na ngayon?"


"Parang naman hindi ako kumakain ng gulay!" sabi ko at natawa ng konti.


"Recommend ba sayo yan ng doctor mo?" nagpipigil sa tawa si Ava.


Hinagisan ko nalang siya ng unan. "Magluto ka na nga lang," sabi ko sakanya at umalis na siya habang tumatawa pa.


Nung nagsawa na akong magreview, pinagpatuloy ko yung pagskesketch ko sa mga plates ko. Natapos ko naman yung isa ata exaktong tinawag na ako ni Ava para kumain.


Dumating na yung friday at talagang pinagpuyatan ko yung test ngayon kahit hindi naman ito yung final. Syempre may reward ako pag naperfect ko yung test ngayon noh!


McknzMnnsl: Ready to take the test, Doc!


At syempre selfie muna tapos send sakanya bago bumagsak haha joke, wag sana!


Naglakad na ako papunta sa classroom namin, first subject pa naman yung test buti nalang maaga ako.


Pagkarating ni Prof Montero ay nagdicuss o nagreview muna siya tapos binigay na yung test saamin. Agad ko rin naman sinagot baka biglang mamental block ako noh! Mabilis akong natapos at napatingin sa paligid. Hala! Ba't ang bilis kong natapos? Napatingin tuloy ako sa mga sagot ko at ilang beses iyon chineck. Tama naman, siguro.

It Perfectly Fits (Fate Series#1)Where stories live. Discover now