Chapter 32

697 30 106
                                    

"Nako, Rachel. Tigil tigilan mo ako ah. Nanahimik ako dito, puro ka reto dyan"


Kumuha ako ng isang blouse na mukhang maganda pero binalik ko ulit yun dahil hindi siya ganun kaganda para sa presyo niya. Jusko, ano yun? Made of gold?


"Gwapo toh. Mabait pa, mukhang interesado pa sayo dahil kinuha yung Facebook name mo nung pinakita ko itsura mo" kulit pa ni Rachel saakin, tumingin naman ako sakanya at pinakita saakin yung Facebook page nung lalaki.


"Ahh, inaadd nga niyan ako. Hindi ko inaaccept, hindi ko naman kilala."


"Kaya nga pinakilala ko na sayo eh. Duh! Dali na i-accept mo na. Wala naman na kayo ni Adriell diba?"


"Matagal na," sabi ko habang tumitingin pa rin sa mga damit.


Sabi magshoshopping, hindi naman ako informed na may retuhan palang magaganap ngayon.


"Oh edi anong problema sa pakikipagkaibigan? Huh?"


Tinignan ko siya ng walang gana, "Sinasayang mo lang yang oras mo. Hindi ako interesado. Mukha pa siyang fuckboi"


"Aki na nga. Para naman magkaroon ng dilig itong friend natin" lumapit saamin si Mia at kinuha yung phone ni Rachel para tignan yung itsura nung lalaki.


Iniwan ko na sila doon at naghanap na ng damit. Feel ko kasi wala na akong damit na maisosoot eh kaya eto bumibili ulit ako hehe.


Nang biglang may mabunggo akong tumatakbong bata.


"Sorry, sorry" sabi ko at tinulungan siyang tumayo. Lumuhod ako tsaka pinagpag ng konti yung damit niya at napatingin sakanya ng tuluyan. Medyo napaluha ako nung bigla kong naalala si Sofia sakanya pero ngumiti lang ako, "Okay ka lang? May masakit ba?"


Nakapout lang siya at umiling. Hindi ko naman mapigilang hindi ibrush ng konti yung buhok niya. Cute niya haha. 


"Chloe?! Chloe! Diba sabi ko naman sayo na wag kang lalayo kay mommy-"


Napatigil siya sa pagsasalita at napahinto siya sa kinatatayuan niya nung makita niya ako.


Kasama nung anak niya.


"Mommy!" Sabi nung bata na si Chloe sabay takbo kay Tiana.


Ngayon ko lang napansin na nagpaboycut pala siya, bagay sakanya, mas lalo siyang gumanda. Siya na ata yung pinakamagandang ahas na nakita ko. And she look taller.

It Perfectly Fits (Fate Series#1)Donde viven las historias. Descúbrelo ahora