Chapter 10

849 46 110
                                    

"Anong sabi sayo ng Prof. Montero niyo?"


Naluluha ko siyang tinignan pagkagaling ko sa faculty room dahil pinatawag ako ng Prof ko sa isang subject, lumabas na kasi yung mga result ng exam at may isa doon na halos sumablay na. Nilagpasan ko si Naomi na kanina pa naghihintay sa tapat ng Beato, tapos na rin kasi klase niya eh.


"Huy, ano? Bagsak ka ba?" Tanong ulit saakin ni Naomi habang sinusundan ako sa paglalakad.


"Hindi! Pero delikado raw ako."


"Ano ba nangyari? Eh diba tinuruan ka na ni Kenzo, Ava and even Mika?" Tanong niya pa.


It's true! Pinagtulungan na nila akong tatlo pero wala pa rin!


Binagsak ko yung mga gamit ko dito sa gazebo at nagheadsdown. Doon na tumulo yung luha ko. Patay ako neto kila Kuya eh. Hindi naman kasi ako totally bagsak, pasang-awa nga lang pero ayaw nila ng ganun! Dapat matataas yung score. Matataas naman ibang subject ko except doon sa isang yun!


Bwiset na math yan! Bakit ba hindi ako nabiyayaan ng galing sa numbers!


"Bawi ka nalang ngayong finals. Wag ka na umiyak dyan," sabi ni Naomi habang patuloy hinahagot yung likod ko.


Nanatili akong nakahead's down nang ilang minuto. Hindi na nagsalita si Naomi pero nakita ko yung paa niya na nandito pa sa tabi ko.


"Uy, Adriell!"


Nagulat naman ako sa biglang pagtawag niya sa pangalan ni Adriell. Shet? Andito siya? Baka niloloko lang ako netong si Naomi.


"Hindi magandang biro yan, Nami--"


"Anong meron?" Narinig ko yung boses ni Adriell.


Gago! Andito nga siya! Bakit ba ang wrong timing palagi ng pagdating niya?!


"Uh. Maiwan ko na kayo" sabi ni Naomi pero agad kong kinuha yung kamay niya at hinigpitan ito. Naramdaman ko naman lumapit siya saakin at bumulong, "Bitiwan mo na ako, andito na prince charming mo"


"Ayoko muna sakanya," bulong ko kay Nami.


"Ayaw mo na saakin?"


Pakshet! Narinig niya pa yun?

It Perfectly Fits (Fate Series#1)Where stories live. Discover now