Chapter 18

750 40 86
                                    

[I'm on my way, love. Just wait for me there]


With that, he ended the call. Hindi pa rin ako sanay na tinatawag niya akong 'love' parang dati lang binibiro ko lang siya nun tapos ngayon siya na mismo kusang tumatawag saakin.


Para tuloy akong tangang nakangiti tapos sinubsob yung mukha ko sa dalawang palad ko.


Pumasok na ako sa PCH at naghintay muna dito sa lobby. May check up kasi ngayon si lola at susunduin namin siya ni Adriell para rin ipasyal siya at sabayan na siyang kumain.


Pag talaga pumupunta ako dito sa hospital nila, nagiging parang Maria Clara ako at hindi mapakaling lumilingon sa paligid. Kasi naman! Baka pinapatignan na pala ako nung mga magulang ni Adriell sa mga staff dito noh! Minomonitor yung bawat galaw ko, ganern.


"Hey."


"Ay palaka!" Gulat na sabi ko.


Paano ba naman hindi magugulat! May bigla bigla nalang hahalik sa pisngi mo mula sa likod.


Adriell chuckled habang ako gulat pa rin nakatingin sakanya.  "Let's go?"


Inabot niya kamay ko at maghawak kamay kaming naglakad papunta sa elevator. Habang naghihintay sa pagbukas ng elevator, nakatingin ako sa kamay namin na magkahawak. Gagi, kinikilig talaga ako.


Lumapit siya saakin ng konti para bumulong sa tenga ko, "Stop blushing"


Napakurap naman ako ng tatlong  beses at napahawak sa magkabilang pisngi ko.


"I'm not!"


Napatingin tuloy saakin yung ibang taong naghihintay sa elevator.


Soon bumukas na at mas nauna akong pumasok kesa kay Adriell. Nakangiti siya ngayon saakin parang nagpipigil ng tawa. Tinignan ko naman siya ng masama pero umiwas lang siya ng tingin at may hint pa rin nang ngiti.


"Stop smiling," I whispered.


"I'm not" he mocked what I did earlier but in low tone.


Napairap naman ako. Simula ata nung naging kami, naging ganyan na siya. Mapang-asar. Gustong gusto niya talaga akong pinipikon. Pero maya-maya yan manlalambing yan o dikaya magsusungit. Ang gulo ah.

It Perfectly Fits (Fate Series#1)Where stories live. Discover now