Chapter 20

736 37 90
                                    

"Mackey, pahiram ako ah!"


Tumango nalang ako kahit hindi ko alam kung ano yung hiniram ng isa kong kaklase, nasa tapat ko lang naman siya kaya okay lang. Nagmamadali na rin kasi ako dahil kailangan kong matapos itong paactivity ng prof namin before the time at ayokong magextend dahil magkikita pa kami ni Adriell mamaya.


"Shit!" I whisper-shout.


2nd sem na namin at oo, tapos na sembreak na hindi ko man lang nadama. Hays.


Wala naman kasing ganap nun, umuwi lang akong La Union tapos bumisita sa cementeryo with my family tapos yung barkada may kanya kanya rin gala tapos si Adriell pumuntang Japan with his fam.


Halos 5th week palang ng 2nd sem, parang hell week na. Gusto ko na tuloy magpasko para wala ulit pasok huhu para wala ulit pasok.


"Hoy sinong kumuha ng eraser ko?!" Tanong ko sakanila habang medyo nagmamadali nang hinanap yun sa ilalim ng desk ko, "Bwiset. Mamatay na yung nagtago nun!"


"Ay Mackey, sayo ba toh?" Tanong nung isa kong kaklase sabay pakita nung eraser na hawak hawak niya.


"Tangina, paano napunta dyan yan?" Tanong ko sabay lapit at kuha na nung pambura sakanya.


Paano ba naman hindi ako magtataka eh ang layo layo ba naman ng narating ng eraser ko! Jusko.


"Uy, tapos ka na ba?" Tanong saakin ni Mika.


"Wait lang. Patapos na, ikaw ba?" Tanong ko habang nakatuon pa rin yung pansin sa ginagawa ko.


"Tapos na, yey! Haha. Feel ko nga kulang measurements ko eh, pero hayaan na. Atleast may gawa!" Sabi ni Mika.


"Tama, tama!" Sumangayon naman ako dahil hindi ko na rin alam kung tama tong pinaggagawa ko hahaha.


"Bilisan mo dyan teh! Tagal ah hahaha joke. Take your time, wait kita" sabi niya at nakipagdaldalan muna sa mga tapos na habang hinihintay ako para sabay kami makapagpasa.


Pagkatapos ko, nagpasa na kami agad at exaktong nagpapalabas na si sir kaya nakauwi kami kaagad ni Mika.


"Mukhang busy boyfriend mo ah? Ilang araw ka nang hindi nasusundo," sabi ni Mika pagkatapos lumingon lingon sa paligid.


I chuckled a bit, "Kakasabi mo lang nga. Boyfriend ko siya, hindi driver"

It Perfectly Fits (Fate Series#1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon